Chapter 1: When First Love Blooms

367 10 2
                                    

"Lucille, you have to forget him. Ikakasal kana."  Hinawakan ni Llorona ang magkabila kong balikat. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha.

"What the hell are you doing with your life, Lucille? Stop being selfish. Isipin mo naman si Fienel. Mahal ka nung tao. Learn to appreciate him at huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan." Every words she said hit me really hard. Ang sikip sa dibdib. Tama naman siya. Limang taon na ang nakakalipas, hindi ko parin makalimutan si Marcus. Nagiging unfair na ako kay Fienel, na wala ng ginawa kundi intindihin ako at mahalin ako.

"Stop living in the past, Lucille. Marcus gave up, kaya dapat bumitaw kana rin." Dagdag pa ni Llorona. She's been a kind friend to me. And I'm so thankful to have her. Pinunasan ko ang mga nagbabadyang luha para matingnan ko siya ng ayos.

"How am I supposed to do that, Llorona? I...I still love Marcus." Napaiwas ako ng tingin matapos kong sabihin yun. Ang tagal na panahon na ang lumipas, pero bakit hindi ko parin siya makalimutan? What's wrong with me?

"You know what, Lucille. I have something in mind. At wala na akong ibang maisip na paraan kundi ito lang." Seryosong saad niya sakin. Ni hindi niya inalis ang tingin sa mga mata ko. Kitang kita ko ang pagkaseryoso ng mga mata niya ng tamaan ito ng sinag ng buwan na nagmumula sa malaking bintana sa tabi namin.

"Tell me, kahit anong paraan pa yan ay gagawin ko." I said desperately. I badly, wanted to move on also. Humugot naman ng malalim na buntong hininga si Llorona bago ipinagpatuloy ang sasabihin.

"The Flower of Sins, Lucille. Make a wish, and the problem is solved." Napatakip ako ng bibig sa pagkagulat. Hindi ko naisip na ito ang suhestisyon niya. Ang bulaklak na yon. I know it very well. Marami na ang nabihag nito. Sinasabi nilang kaya nitong tuparin lahat ng hiling mo, ngunit kapalit naman ay isang mabigat na kaparusahan. It will make your life miserable, or worse.

"Get a hold of yourself, Lucille. Think about Fienel. Hindi ka ba naaawa sakanya? He's been in pain all this time. Nagbubulag bulagan siya sa tuwing kay Marcus ka nakatingin. Nagbibingi-bingihan siya sa tuwing binabanggit mo ang pangalan ni Marcus. Gusto mo pa bang madagdagan ang sakit na nararamdaman niya? Napapagod din ang tao, Lucille. Baka magising kana lang isang araw, isa-isa ng nawawala ang mga bagay na nasayo." Pinakinggan ko ang sinabi saakin ni Llorona. She is definitely right. Masyado ng matagal ang pagiging selfish ko. Kahit pa na mabigat ang kapalit, dapat lang siguro yun.

"Okay, I'll do it." Sumilay ang isang ngiti kay Llorona. Hindi ko alam kung bakit pero sa mga sandaling yun, parang may nakakubling lihim sa mga ngiti niya. O sadyang ganun lang talaga siya ngumiti. Pinabayaan ko lang yun. Umalis na ako sa mansyon niya. Alam ko kung saan matatagpuan ang bulaklak na yon. Alam kong pinagbabawal ng puntahan ang lugar na yun, pero mag-iingat nalang ako dahil kailangan ko na talaga itong gawin. Kahit para kay Fienel nalang.

♠ ♠ ♠

Tears rolled down my cheeks as I hold the flower with my trembling hands. I stared at its majestic beauty. Nagliliwanag ito sa gitna ng dilim. Ang kulay gintong liwanag na sadyang nakakapang-akit. Napakaganda ngunit kasalungat naman nito ang tunay nitong taglay na kakayahan. Kaya nitong sumira ng kahit na anong bagay sa mundo. Kahit ano.

How did I ended up this way again? Ah, right. Because of my desperate descision. Because I was too stupid, and pathetic that I can't even forget about my first love. Sucks to be me right?

"Dear flower that shines brightly through the night. I have one, selfish wish." Yumakap saakin ang malamig na hangin matapos kong sabihin yun. Hindi naman ito ganun kalakas para matanggal ang hood sa suot kong cloak.

Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon