⚫ Lucille ⚫
"Hindi ka pa ba uuwi, Lucille? Gabi na oh." Sabi sakin ni Llorona na kasalukuyang nililigpit na ang mga gamit. Nandito parin kami ngayon sa tailor shop. Umiling ako kay Llorona pagkatapos niyang sabihin 'yun.
"Maya-maya na akong konti, Llorona. Tapusin ko lang 'to. Last na din naman." Sagot ko sakanya. Tinatapos ko lang kasing tahiin yung ginagawa kong sombrero. Eto na yung huling tatahiin ko sa araw na'to. Konti nalang din naman ang kailangan at tapos na siya. Kaya napagpasyahan kong magpaiwan nalang. 8pm nadin ng gabi. Saglit lang naman ako.
"Ano ka ba, bukas na yan. Dali na. Hihintayin kita." Pagpupumilit ni Llorona. Nginitian ko nalang siya. Alam kasi ni Llorona na wala akong kasabay pauwi dahil siya lang naman ang kasabay ko lagi. Tsaka wala na masyadong karwahe ang dadaan ngayon, kasi gabi na. Kaya mahihirapan akong sumakay kung sakaling ako lang mag-isa.
"Wag na nga sabi. Umuna kana. Diba magluluto ka pa?" Sabi ko ng hindi manlang siya tinitngnan. Busy ako sa pagtatahi. Narinig kong nagbuntong hininga si Llorona kaya napatingin ako sakanya.
"Sige na nga. Basta wag kang masyadong magtagal. Nako pag may nangyari sayo Lucille, ewan ko nalang." Natawa ako sa pagiging concern ni Llorona. Masyado siyang paranoid. Pero nagpapasalamat din ako kasi nag-aalala siya para sakin. Such a sweet friend.
"Oo, mag-iingat ako." Sabi ko. Tiningnan muna ako ng matagal ni Llorona saka nagkibit balikat. Natawa na naman ako. Halatang labag sa kalooban niya ang iwan ako dito mag-isa. Nauna na din 'yung iba pa naming mga kasamahan. Kaya ako ang magsasarado nitong tindahan. Pagkaalis ni Llorona ay nabalot ng katahimikan ang kwarto. Pinag-igihan ko nalang ang pagtatahi para makauwi na din ako agad. Medyo nangangalay nadin ako. Iniinda ko nalang. Ilang minuto pa ang lumipas ng sa wakas ay natapos ko na ang huling detalye sa sombrero. Malawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang gawa ko. Inilagay ko na iyon sa ulo ng mannequin. Tiyak matutuwa si madam kapag nakita niya itong gawa ko.
Nag-inat pa ako bago niligpit ang mga gamit ko. Pagkatapos ay lumabas na ako at sinara ang tindihan. Wala na halos katao-tao dito sa labas. Mabuti nalang at maraming lamp post dito at maliwanag ang sinag ng buwan. Hindi ganun ka dilim ang dadaanan ko. Napatingala ako sa langit at pinagmasdan ang napakaraming bituin. Napakagandang tingnan. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may naaninag akong pigura ng tao sa may di kalayuan. Hindi ko makita ang mukha dahil tila nagtatago ito sa likod ng anino ng mga gusali. Tumigil ako sa paglalakad.
"Nako pag may nangyari sayo, Lucille. Ewan ko nalang."
Sumagi bigla sa isip ko iyong huling sinabi ni Llorona. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Pero hindi ako nagpadaig sa kaba, nilakasan ko ang loob ko at naglakad palapit. Pero may distansya parin sa kung sino mang nandoon. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Sinong nandyan?" Pagkatanong ko doon ay unti-unti namang gumalaw yung tao. Hanggang sa makita ko na siya dahil tumatama sakanya ang sinag ng buwan. Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Napatitig ako sa binatang nasa harap ko. Seryoso, kung hindi mo mapapansin ang matangkad at malapad niyang pangangatawan, aakalain mong isa siyang babae. Makinis at maputi ang kutis niya, kutis porselana ba. Manipis at mapupula ang labi, meron siyang hazel eyes at ginintuan ang buhok. Sa madaling salita, gwapo. Magara din ang kanyang kasuotan, anak siguro 'to ng mayaman. Pero anong ginagawa niya dito sa daan? Ngayon pa na halos mag a-alas nuwebe na ng gabi?
Nginitian niya ako. Pero sa ngiting 'yun, nakaramdam ako ng matinding kaba. Mararamdaman mo naman kapag kakaiba ang isang ngiti ng tao sayo. At yun ang nararamdaman ko ngayon. Sa pag ngiti niyang 'yun ay napaatras ako ng kaunti.
"S-Sino ka?" Tanong kong muli sakanya. Pero hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Bakit nandito ka pa sa labas, binibini? Lalo na't lumalalim na ang gabi." Aaminin ko, maganda ang boses ng lalaking 'to. Pero kahit na! Kinakabahan talaga ako. May kakaiba sa aura niya. Lalo na nung hindi niya sinagot ang tanong ko.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasiaTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...