⚫ Alaron ⚫
Nagkwentuhan lamang kami ni Lucifiene maghapon sa ilalim ng puno. Sa mga sandali ding iyon ay mas nakilala ko siya. Lucifiene is just a sweet, innocent girl. She doesn't deserve to be hurt. Her laugh is adorable, too. Nalaman ko din na mahilig pala siya sa tsaa, at sa tinapay na brioche. Isang uri ng tinapay na kinakain pang agahan. Kanina pala nung umiiyak siya, natuklasan ng mga ministro ang tungkol sa pagkatao niya. Doon nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Siguro hindi kinaya ni Lucifiene ang mga narinig niya kaya tumakbo na lamang siya. Hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga siya. Maski nga sarili niya, hindi niya kilala. I don't want to pity her. But I just can't stand to see her like this. Hindi ko kayang makita na may taong miserable. She's too young for challenges in life.
"Alaron, I can clearly see in your face those thoughts you have. You must be thinking that life is being unfair to me." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napailing ako.
"You don't have to worry, Alaron. I can take care of myself." Biglang tumayo si Lucifiene at pinagpagan ang gown niya. "Promise me that we will find out the truth, together." sabi niya ng nakangiti. Natulala ako saglit sa mga sandaling iyon. Pero nung nakabawi na ako sa pagkakatulala ay nginitian ko rin siya.
"Of course. From now on, I'll never leave by your side."
♠️ ♠️ ♠️
"A-LA-ROOOOON!" Nabitawan ko ang mga librong hawak ko sa pagkagulat ng may tumawag sa pangalan ko. Agad akong sumilip sa bintana mula sa kwarto ko at nakita doon si Lucifiene na tinatawag ako. Agad siyang kumaway saakin ng makita niya ako. Kumaway din ako pabalik sakanya. Pagkatapos nun ay inayos ko na ang mga libro ko sa bookshelves. Agad na umalis ng silid at pinuntahan si Lucifiene.
"Prinsesa Lucifiene, may problema po ba?" sabi ko ng makarating ako sa kinaroroonan niya. Kumunot bigla ang noo niya na ipinagtaka ko.
"Bakit naman ang pormal mo? Luci nalang!" masigla niyang wika. Ako naman ay hindi ko malaman ang gagawin. Para kasing, nakakahiya na tatawagin ko lang siya sa isang nickname. Lalo na't siya ang prinsesa sa bansang ito, anak ng hari at reyna. Ang susunod na magmamana ng trono. Tapos ako? Isa lamang akong di hamak na mamamayan. Anak ng isang heneral.
"Huy! Natulala ka na diyan. Hahaha." Napakamot ako sa ulo.
"A-Ano...kasi..." Hindi ko pa natatapos ang dapat kong sasabihin ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Luci na nga lang kasi. Masyadong mahaba ang pangalan ko tapos dadagdagan mo pa ng 'prinsesa.' Luci nalang okay? Luuuuuci." she said and then she giggled so sweetly.
"O-Okay."
"At simula ngayon, Al nalang rin ang itatawag ko sayo. Mahaba rin pangalan mo e. Okay lang ba?" nginitian ko siya. "Oo naman! Walang problema." Sagot ko.
"May naisip ako. Di ba, pareho tayo ng gusto na alamin ang katotohanan? Samahan mo ako sa library dito sa palasyo. Simulan natin maghanap doon." napalunok ako ng laway sa narinig ko.
"S-Sigurado ka ba, Luci? Bawal pumasok sa silid aklatan ng palasyo kung hindi naman kasapi sa royal family. O di kaya, kung wala kang mataas na katungkulan sa palasyo ay hindi maaaring makapasok." Napabuntong hininga si Luci sa sinabi ko.
"Nakalimutan mo na ba kung sino ang kasama mo ngayon?" Sabi niya sabay ngiti saakin. Isang ngiti na halatang may binabalak.
BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasiTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...
