Chapter 10: A Moment To Treasure

63 7 0
                                        

⚫ Lucille ⚫


"Natahimik ka yata?" Tanong ko sakanya. Kanina pa kasi siya hindi umiimik matapos ng sinabi ko.


"May mga pagkakataon na mali ang akala mo," pag-uulit niya sa sinabi ko.


"Isang beses ba Lucille, nagkamali kana sa inakala mo?" Tanong niya sakin. Medyo weird ang tanong niya. Teka, bakit ko nga ba nasabing weird? Hmm. Ewan ko.


"Oo," sagot ko sakanya. Napangiti ako ng maalala ang bagay na 'yun.


"T-Talaga? Ano naman 'yun?" Umayos ako ng upo at pinagmasdan ang magagandang ulap. Pagkatapos nun ay tiningnan ko si Marcus.


"Yung mga panahon na akala ko kaya kong hindi umiyak sa tuwing namimiss kita. Sabi ko kasi noon, hindi ako malulungkot. Hindi din ako iiyak dahil alam kong babalik ka at tutuparin mo yung mga pangako mo. Pero wala eh, di ko kaya. Umiyak talaga ako nun."  Natulala siya sakin saglit at alam kong sasabihin niyang 'sorry' kaya inunahan ko na agad siya.

"Hindi mo na kailangan magsorry." Pinatong ko ang palad ko sa kamay niya. "You are worth the tears," pagkatapos kong sabihin 'yun, hindi ko akalain na iiyak si Marcus. Yes, umiiyak talaga siya sa harap ko. Hindi siya yung tipo na maingay kapag umiiyak, yung maingay dahil sa pagsinghot at hikbi. He was crying silently infront of me. Tanging pagpatak lang ng luha ang nakikita ko ngayon habang hindi niya inaalis ang tingin sakin.

"Bakit, Marcus? Bakit ka umiiyak?" Gusto ko man sanang sabihin na baka napaparanoid na siya, or naiyak siya dahil sa kwento ko, hindi ko na nagawa. Napatitig narin ako sa mga mata niyang lumuluha. Nararamdaman ko kasi, na malungkot siya. Pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda, o may mangyayaring hindi maganda. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya, habang hinihintay ang sagot niya.

"Gusto kitang haranahin ulit, tulad ng pagharana ko sayo noong birthday mo." Medyo nadismaya ako sa pag-iiba niya ng usapan. Gustong gusto kong malaman kumbakit siya napaiyak. Curious ako, pero dahil sa nakita ko ang pag ngiti ni Marcus, hindi ko na tinuloy pang mangulit. Baka mawala pa ang ngiti niya sa labi. Tumayo siya bigla at hinila niya ako.

"Tara," at gaya nga ng dati hindi na ako nagtanong kung saan niya ako dadalhin. Alam ko kasing hindi ako papabayaan ni Marcus. Umalis kaming dalawa sa mansyon, ni hindi na nga kami nagpaalam sa prinsipe. Sinabi ko kung ayos lang ba 'yun, sabi niya naman ay oo daw. Kahit na parang ang sama tingnan ng basta nalang kami umalis, hinayaan ko nalang si Marcus. May kakaiba kasi sakanya ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung ano, basta gusto kong hayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin ngayon. Nagulat pa ako ng hindi na kami sumakay pa sa karwahe. Nagtungo kami doon sa stables, ang gaganda ng mga nakahilerang kabayo  doon. Nilapitan niya ang isang kulay itim na kabayo. At sa lahat ng kabayo na nandoon, iyon ang pinakamalaki. Natakot pa nga akong lapitan.

"Ito ang kabayo ko, si Maximus. Wag kang matakot, mabait siya. Hawakan mo." Sabi niya. Wala narin akong nagawa dahil kinuha ni Marcus ang kamay ko at ipinatong doon sa ibabaw ng bibig ng kabayo. Natuwa ako kasi tila natuwa yung kabayo.


"Marcus, Maximus, hmmm. Medyo magkatunog." Sabi ko sabay tawa. Tumawa din si Marcus.


"Nung bata ako, pinapili ako ni Tiyo ng kabayong makakasama ko sa bawat paglalakbay. Napili ko siya. Nandoon siya sa pinakadulo, parang naka-separate sa ibang kabayo. Napansin ko din na kakaiba ang laki niya at ang angas tingnan kaya siya ang pinili ko." Hinimas himas ni Marcus ang buhok nung kabayo, mas straight pa sa buhok ko hahaha.

Tsumi No HanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon