• The Author •
Sa pagsibol ng panibagong panahon, ng panibagong kabanata sa kaharian ng Everbleed, naisulat at naiguhit na ni Lucifiene sa kaniyang isipan ang mga plano na nais niyang isakatuparan. Sa ngayon, nais niya munang malaman at matunton ang taong pumatay sa kaniyang ama sa nakalipas na labin dalawang taon.
"My Queen," malumanay na wika ni Alaron na nakatayo sa likod niya. Binaling naman ni Lucifiene ang kaniyang tingin sa binata at binigyan ito ng isang matamis na ngiti.
"I have found the whereabouts of the red knight. Should I engage?" Pabulong na pagkakabanggit ni Alaron. Muling sinulyapan ni Lucifiene ang napakalaking bintana sa kaniyang harapan na tanaw ang mga bahay ng kaniyang nasasakupan sa ibaba.
"Investigate further." Sagot ng reyna at saka umalis sa kaniyang kinatatayuan patungo sa throne room. Pinatawag niya ang lahat ng kaniyang ministro dahil may naisip siyang ipag-uutos rito.
• • •
"Maghanda kayo ng pitong libong mga kawal." Isang malakas, at malinaw na utos ng Reyna na wala man lang pag aatubili. Nagtaka ang kaniyang mga ministro. Para saan ang mga ito?
"Dahil gusto kong maangkin ang lahat ng kaharian na nasa paligid ko. Walang ibang kaharian ang mananatiling nakatayo kundi ang sakin lamang. Ngayon, makinig kayong mabuti at gawin niyo ang lahat ng iuutos ko. Maghanda kayo ng pitong libong kawal, at sa takdang araw na ibibigay ko ay susugurin niyo ang puting kaharian." Tahimik at kitang kita sa mukha ng mga ministro ni Lucifiene ang takot at pagkabahala sa nais nitong gawin.
"Mahal na reyna, ipagpaumanhin niyo po. Ngunit hindi na natin kailangan sugurin ang puting kaharian, ang lahat po ng kaharian ay may kasunduan sa bawat isa. Hindi po ito ang napapanahong desisyon para diyan. Maiipit lamang tayo sa gulo." Sinuklian lamang ni Lucifiene ng isang nakakatakot na tingin ang ministrong nag bigay ng kaniyang opinyon.
"Baka nakakalimutan niyo ang pagkamatay ng aking ama?"
"Mahal na reyna, hindi po ba at na resolba na ang trahedyang iyon? Napatunayan na hindi ang pulang kaharian ang may kagagawan kundi isang estrangherong itinakwil ng kaniyang bayan."
"Alaron." Pagtawag ni Lucifiene sa binata at agad naman itong lumapit. May ibinulong si Lucifiene rito at tumango naman si Alaron.
"Simula sa araw na ito ay si Alaron na ang magsisilbing heneral sa mga kawal na ipatatawag ko. Kung meron kayong hindi pag sang-ayon ay sabihin niyo sa aking harapan." Agad namang nagtaas ng kamay ang isang ministro upang magsalita. Ngunit hindi pa nito nasisimulang ibuka ang kaniyang bibig ay winasiwas ni Lucifiene ang kaniyang kamay at sa gulat nila ay naging abo na lamang ang buong katawan nito. Naiwan ang suot na damit at wala ni isang pirasong ebidensya na ito ay buhay kani kanina lamang.
"Meron pa bang hindi sasang-ayon?" Nabalot ng katahimikan at takot ang buong bulwagan. Hindi maipinta ang itsura ng mga ministro pati ang mga kawal na nagbabantay sa loob. Si Alaron ay nanatiling tahimik at wala kang makikitang anumang ekspresyon sa kaniyang mukha. Kahit kaunting gulat ay wala ka talagang maiguguhit.
Tumayo na si Lucifiene at nagsimulang maglakad palabas ng bulwagan na agad namang sinundan ni Alaron. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay huminto si Lucifiene.
"Simula sa araw na ito, alam niyo na kung ano ang mangyayari sa tututol sa aking salita at sasalungat sa aking utos." Matigas na pagkakasabi ng reyna at tuluyan ng lumabas ng bulwagan. At simula sa araw na iyon, alam na ng mga ministro at lahat ng nakasaksi kung anong klaseng pinuno ang mayroon sila.
• • •
Maliwanag ang sinag ng buwan ng gabing iyon, nang simulang ihanda ni Alaron ang kaniyang gamit. Binisita niya muna sa kaniyang silid si Lucifiene na mahimbing ang tulog. Ngumiti siya at hinaplos ang mukha nito. Saka siya yumuko at nagpaalam.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasyTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...