• The Author •
Ilang araw na ang nakakalipas simula noong ipinadala ni Llorona ang sarili nitong anak sa bilangguan ng palasyo. Inangkin niya ang trono at wala namang magawa ang mga tagapagsilbi kundi ang sumunod. Wala namang alam ang mga mamamayan na nasa asul na kaharian sa mga nangyayari sa loob ng palasyo. Hindi mapag lagyan ang saya ni Llorona nang sa wakas ay nakuha niya rin ang gusto niya. Pero ngayon, kailangan niyang mahanap ang reyna ng gintong kaharian. Mayroon pa siyang gustong makuha na hindi niya nakuha noon. Dahil alam ni Llorona, darating din ang araw na malalaman din ng mga tao ang nangyayari sa palasyo, kaya bago pa mangyari 'yon ay kailangan niya ng kapangyarihan.
Kapangyarihan na mapasunod ang lahat sakaniya, at katatakutan siya. Ninais niyang kuhanin ito noon sa isang bata na na ayon sa bali-balita ay biniyayaan ito ng pambihirang kapangyarihan ng Diyosa. Fiancé palang siya noon ng hari ay palihim na itong ipinag utos ni Llorona na kuhanin ang bata para mapa sakanya ang biyaya ng Diyosa. Ngunit hindi sila nagtagumpay dahil nasa pangangalaga ito ng Red Knight.
At ngayong bumagsak na ang reyna ng gintong kaharian, tiyansa na ito ni Llorona para nakawin ang kapangyarihan ni Lucifiene. Kung hindi rin lang naman mapapakinabangan ng reyna ay maiging nakawin niya na lamang ito. Nag bigay na ng utos si Llorona na hanapin ang reyna, patay man o buhay ay wala siyang pakialam. Makuha lamang ang hinahangad nitong kapangyarihan.
Sa kabilang dako naman ay labis ang pag-aalala ni Rosalia dahil hindi man lang sumusulat ang Prinsipe sakaniya, at para malaman niya kung ano na ang balita sa Round Table. Dapat ay mapasailalim sila ng asul na kaharian dahil iyon ang ninais ni Rosalia. Nag-aalala rin siya dahil baka anumang oras ay balikan sila ni Lucifiene. Kaya naman araw araw ay nag eensayo parin si Rosalia.
• • •
[BGM: Daughter of Evil by Akuno-P]
♫ saa, hizamazuki nasai!
mukashi mukashi aru tokoro ni
akugyaku hidou no oukoku no
chouten ni kunrin suru wa
yowai juuyon no oujosama
(Come, kneel to me! Once upon a time Reigning at the top Of a fiendish kingdom was A noble girl of age 14)
Lumabas si Lucifiene mula sakaniyang palasyo at pinagmasdan ang dagat. Ang kaniyang itim at gintong kasuotan ay kumikinang sa ilalim ng araw. Ang mga mabulaklak na disenyo nitong kulay ginto ang bumabalot sakaniyang katawan, angat ang kaniyang kagandahan sa lahat. At ito ang kagandahang taglay ng reyna na hindi maipaliwanag ni Xavier. Ganda na bumabagay lamang sa iisang tao. At alam niya iyon. Ang tanging tao na nararapat tumayo sakaniyang tabi ay walang iba kundi si Alaron.
Muling lumabas ang mga itim na pakpak ni Lucifiene. Katulad ng kaniyang damit ay kumikinang din ito. Ngunit ang pinag kaiba ay may humahalo ng gintong kulay rito, hindi katulad 'nong una kung saan itoy kasing itim ng gabi.
♫ kenrangouka na choudohin
kao no yoku nita meshitsukai
BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasiaTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...
