Chapter 31: Soleil

14 1 0
                                        

The Author •

Maagang nagtungo sa munisipyo ng bayan nila si Marcus upang asikasuhin ang mga papel ng babae. Pina-imbestigahan niya na rin ang gubat kung saan sinabi ng babae na natagpuang patay ang tinuturing niyang magulang. Matapos suriin ang bangkay, napag-alamang tatlong araw na ang nakakalipas simula nung ito ay napatay. Halos hindi maipinta ang mukha ni Marcus. Napaka-walang puso ng kung sino man ang gumawa nito. Nalaman din niya na matagal na palang naninirahan sa bundok ang dalawa, ang babaeng kumupkop sa babae ay nagngangalang Senya. Isa itong mangangalakal mula sa Puting Kaharian. Hindi na rin matukoy kung nasaan ang iba pang mga kamag-anak ni Senya, pati na rin doon sa babae.

Ayon sa mga sinabi sakanya ng mga nag imbestiga, kasama ang mga ebidensya doon sa pinangyarihan ng krimen, si Senya ay pauwi pa lamang ng gabing iyon mula pa sa puting kaharian. Dahil na rin siguro sa kahirapan, hindi manlang makapag renta ng sasakyan si Senya upang ihatid ito sa tahanan. Napag diskitahan ito ng mga bandido dahil sa mga dala niyang gamit. Ang kaawa-awang babae ay ninakawan, at pinaslang. Ang pinagtataka ni Marcus ay kung bakit mas ginusto ni Senya ang manirahan sa kagubatan kaysa sa bayan kasama ang iba pang mga tao. Na kung tutuusin ay mas ligtas dito dahil mayroong mga naglilingkod sa gobyerno para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Umuwi si Marcus dala ang mga papel na naglalaman tungkol kay Senya. Hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Halo-halong awa, galit, at lungkot. Nang makita niya si Solenn sakanilang tahanan ay sinalubong niya ito ng yakap. Naramdaman naman ni Solenn na parang may bumabagabag sa isip ni Marcus.

"Kamusta Marcus? Anong balita tungkol doon sa babae?" Umupo si Marcus at bumuntong hininga. Binigay niya kay Solenn ang papel.

"Sa kasamaang palad, hindi na namin mahanap ang mga magulang niya, pati narin ang mga kamag-anak ng kumupkop sakaniya na nagngangalang Senya." Matapos basahin ni Solenn ang nakasulat sa papel ay napatakip nalang ito ng bibig at tuluyang umiyak dahil sakaniyang nalaman.

"Diyos ko, hindi ko akalaing may nangyayari pang ganito." Wika ni Solenn. "Paano natin ito sasabihin sakaniya?" Nag-aalalang tanong ni Solenn. Hinawakan naman ni Marcus ang kamay niya.

"Alam kong makakaya niya ang lahat ng pagsubok na ito." Sagot ni Marcus na pilit pinapagaan ang loob ng kaniyang asawa.

°°°°°°°°°

Abala ang mga mag-aaral ng araw na iyon sa paaralan ni Alaron. Lahat ay naghahanda para sa paparating na pagsusulit. Ang pagsusulit na ito ang magsasabi kung anong trabaho ang maaari nilang makuha. O di kaya kung may gusto silang trabaho, kailangan lamang nilang ipasa ang kung ano mang kailangan nilang ipasa.

Oras na para sa tanghalian ng mga sandaling iyon, papunta si Alaron sa paboritong niyang lugar na tanging siya lang ang pumupunta. Ito ay isang fish pond sa likod ng library nila. Natutuwa lamang si Alaron na hindi ito gaanong napapansin ng mga tao. Siya ang madalas na naglilinis ng pond na ito dahil inaalagaan niya ang mga isdang naroon. Di nagtagal ay nakarating si Alaron sa kaniyang nais puntahan. Prekso ang simoy ng hangin at napapikit na lamang si Alaron sa gaan ng kaniyang pakiramdam.

"Nararamdaman ko Luci, malapit na tayong magkita. Sana huwag kanang malungkot." Sambit ni Alaron sakaniyang sarili. Napatitig siya sa mga bulaklak na nasa paligid niya, pinitas niya ang mga ito at gumawa ng isang flower crown. Napangiti si Alaron.

"Ito 'yung hindi ko nagawa sayo noon. Gusto sana kitang suotan ng flower crown kaso," hindi na naituloy ni Alaron ang kaniyang sasabihin at natawa ng mahina. Isang malungkot na tawa. "Ano kayang magiging itsura mo kapag sinuotan kana ng tunay na korona?" Itinaas ni Alaron ang hawak niyang flower crown na para bang papantay na ito sa asul na kalangitan.

Tsumi No HanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon