• Marcus •
Nanginginig ang tuhod ko habang dahan dahan kong tinalikuran ang Hari at Reyna. Hindi ko na alam kung ilang beses nawasak ang buong pagkatao ko. Ng malaman ko na buntis na si Lucille, halos mawalan ako ng hininga. Para bang gusto ko ng mamatay ng tuluyan. Dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko parin siya. Siya parin ang nilalaman ng puso't isipan ko. Mahal na mahal ko parin talaga siya. Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko, at binilisan ko na ang paglalakad dahil pakiramdam ko nauubusan ako ng hininga sa lugar na 'yon. Ni wala manlang emosyon ang mukha niya. Hindi naman siya magaling magtago ng nararamdaman, pero siguro nga nagawa niya na akong kalimutan. Sa hinaba ba naman ng panahon na lumipas, malamang natutunan niya ng mahalin si Fienel.
Ito 'yung gusto ko diba? Ito 'yung tama, diba? Pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko isang malaking pagkakamali ang lahat. Bakit maling mali parin?
Agad akong nagtungo sa isang tanyag na beer house dito sa capitolyo ng Everbleed Kingdom. Nagbigay galang saakin ang mga taong nakakita. Pero wala akong pinansin sakanila at dire-diretso lang akong naglakad. Nakaramdam ako ng galit, pagsisisi, at sakit. Unti-unti ko na namang nararamdaman at bumabalik lahat kung gaano kabigat ang naging desisyon ko. Kung gaano kalaking pagsisisi ang nararamdaman ko dahil sa sinukuan ko si Lucille. Lagok agad ang ginawa ko ng binigay na saakin ang paborito kong beer. Alam na nila ang palagi kong iniinom dahil dito ako nagpapalipas ng oras upang makalimutan si Lucille. Pero ilang bote na ba ng alak ang inubos ko at itinaob pero yung damdamin ko ganun parin at walang ipinagbago? Ikaw parin Lucille. Tangina ang sakit. Kahit ilang bote pa ng beer yan, wala na. You are my one that got away. Ito na ang kapalit ng lahat. I would never be the same again. I am going to live miserably, forever.
Hindi ko na namalayan ang oras, at hindi ko narin namalayan kung ilang bote na naman ang naubos ko. Ako nalang pala ang natira doon at magsasarado na sila.
"Ginoong Wraith, kailangan niyo na pong umuwi. Magsasara na po kami."
"Ano? H-Hindi. Bigyan niyo pa a-ko ng alak!" Bwisit na mga taong 'to. Kung kailan kailangan ko ng alak, saka pa magsasara. Anong klaseng beer house 'to.
"Utos po ng kaharian na magsara na lahat ng bukas na establisimento sa mga oras na ito." Nakita ko siyang nag-aalangan pa sa mga sinasabi kaya napangisi ako.
"Alam mo ba, kung g-gaano kasakit ang m-makalimutan ng taong minahal mo ng l-lubusan?" Winawasiwas ko pa ang hintuturo ko para ituro siya. Sinisinok na din ako sa sobrang kalasingan.
"Ginoo, umuwi na po kayoㅡ"
"Hinde! Hindi pa ako tapooosh," marahas kong inalis ang kamay niya na akmang bibitbitin na ako palabas ng beer house.
"Sobrang shakit, tangunang yaaaan. Pagbigyan niyo na a-ako. Palibhasa, h-hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko ngayooown!" Tumayo na ako at naghanap pa ng alak. Lintek na yan saan ba nakatago ang mga alak nitong mga 'to? Napaka-walang kwenta. Tinaob ko na 'yung mga lagayan na nandito, binuksan ko lahat ng cabinet pero tangina lang. Gusto ko ng lunurin ang sarili ko sa alak. Gusto ko ng lunurin ang puso ko. Kung hindi man kayanin ng katawan ko ang sobrang pag-inom, then so be it.
"ANO BA! ASAN NA?!" Sa pagsigaw ko ay madami na ang pumigil sakin. Nakarinig ako ng mga baso at boteng nabasag. Pinapakalma rin nila ako pero hindi. Hindi ko kayang kumalma. "PATAYIN NIYO NALANG AKO!" Sigaw kong muli. Sa sobrang pagpupumiglas ko sa hawak nila ay natumba na ako sa sahig. Narinig ko pa ang nakakabinging tunog ng tumama ang suot kong armor sa sahig.
BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasíaTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...