Chapter 29: Evil's Bloom

43 0 0
                                        

• Lucifiene  •

Ilang  araw palang ang nakalipas simula nung pinaalis ni mama sina Alaron sa palasyo pero parang unti-unti akong pinapatay ng kalungkutan. Araw-araw, ako lang mag-isa. Simula din ng araw na 'yun ay bihira ko nalang makita si mama. Nagbago na nga siya. Simula nung nawala si papa, nagbago na siya. Ni hindi ko na nasilayan ang mga ngiti niya. Pupuntahan niya lang ako kapag may ihahabilin siya. O di kaya'y may ipapagawa siya. Masisiraan yata ako ng bait kapag nag tagal pa ang ganitong senaryo.

Nasa aking silid ako habang inaayos ng mga tagapagsilbi namin ang aking damit. Mga ilang minuto akong nakatayo sa harap ng malaking salamin. Pagkatapos 'non ay pinaupo nila ako para naman ayusan ang buhok ko. Sawang sawa na ako sa ganito. Ni hindi narin ako makangiti. Miss na miss ko na si Alaron. San kaya sila nagpunta? Sana nasa malapit lang siya. Sana payagan ako ng pagkakataon na makita ulit siya. Siya nalang ang taong makakaintindi sakin sa mundong 'to. Dahil halos iniwan na ako ng lahat.

Natigil sa pag-aayos ang mga tagapagsilbi ko ng may biglang kumatok sa pinto. Pinapasok ko naman agad ito at nakita kong nakatayo doon si mama. Yumuko ang mga nag-aayos sakin at lumabas ng silid. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto, ni-hindi ko rin binibigyan maski sulyap ang aking ina. Wala akong lakas ngayon para tingnan siya. Hindi ko kaya. Kapag nakikita ko siya ay nalulungkot lang ako sa mga pagbabagong nangyari sa pagitan naming dalawa. Nanatiling nakapako ang aking mga mata sa harap ng salamin. Pero nagpasya rin ako na ako na ang maunang magsalita, dahil na rin sa dami ng aking katanungan.

"Masaya ka na ba sa nakikita mo, Ma?" Wika ko sakanya. Hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon meron siya ngayon. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon at pinipigilan kong tumulo ang aking mga luha.

"Oo, masaya ako na pinagbubuti mo ang pag-aaral mo. At sinusunod mo lahat ng aking utos." Napapikit ako ng mariin matapos kong marinig ang lahat ng 'yon. Ayoko na sanang magsalita pero kusang gumalaw ang aking katawan at tumayo. Hinarap ko siya at hindi ko na nga maitago ang luha sa aking mga mata. Tinuro ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

"Masaya ka ba sa nakikita mo? Na ganito ako ngayon? Masaya ka ba sa mga luhang ipinapatak ng mga mata ko?!" Nanatili lang siyang tahimik at nakatingin saakin ng mga sandaling iyon.

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay mong rason at layunin. Gusto kong malaman ma, bakit? Pero kung hindi mo naman sasabihin at wala kang balak sabihin, pwes ako nalang ang aalam sa sarili ko. Oo, susundin ko lahat ng gusto mo. Pero wag mo asahan na ang relasyon natin bilang mag-ina ay maibabalik pa tulad ng dati. Pinipilit kitang intindihin, ma. Pero kung wala ka rin namang balak intindihin ako, wala na akong magagawa kundi hanggang dito nalang." Sumisikip ang dibdib ko habang sinasabi ang lahat ng 'yon. Hindi ko gusto sabihin iyon kay mama. At lalong lalo na hindi ako natutuwa sa nangyayari saming dalawa ngayon. Kaming dalawa na nga lang ang magtutulungan, tapos ganito pa.

"If you'll excuse me, my Queen. But I have to go for my class." I said as I wipe my tears.

Wala na siyang sinabi pa kundi ang tumango at tumabi para makadaan ako. Hindi ko na siya tiningnan at dire-diretso na akong lumabas ng kwarto.

°°°°°°


Nasa library ako ngayon kasama ang aking guro. Itinuturo niya ngayon saakin ang takbo ng sistema sa aming palasyo. Mga iba't-ibang batas na dapat ko tandaan. At mga iba't-ibang pamamalakad sa pamahalaan ng ibang kaharian at sa kaharian namin mismo. Iniintindi ko itong mabuti, dahil para narin saaking sarili ay gusto kong maging mahusay na reyna. Iniisip ko na baka kapag ako ay naging isang kilalang reyna, bumalik muli si Alaron sa aming lupain.

Pagkatapos ng aking pag-aaral at mga pagsasanay, naglakad lakad ako mag-isa sa pasilyo ng aming palasyo. Tiningnan ko bawat painting na naka display sa mga dingding.

Tsumi No HanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon