⚫ Lucille ⚫Bakit sobrang bilis ng lahat? Yesterday, masaya kami ni Marcus. Kasama ko siya. Sinabi niya sakin kung gaano niya ako kamahal, and so I told him too. Kahapon lang, pinapaalala niya sakin ang mga pangako niya. That he would marry me someday, never leave by my side, and that we would grow old together. But what now? I am being chosen by the prince to be his wife?! This is so wrong. How can I become a Queen? I don't know anything about being a Queen. At si Marcus lang ang mahal ko, I can't marry another man even if he is the most handsome or a prince. My heart only knows one person and that is Marcus Wraith.
"Tapos na, anak. Umupo kana at buhok mo naman ang aayusin ko." Matapos ayusin ni Mama ang damit ko, sinimulan niya ng ayusin ang buhok ko. Simula pagkagising ko, hindi ako nagsasalita. Wala akong iniimikan, kahit si Mama at Papa. Walang wala ako sa mood ngayong araw. Sino ba naman ang matutuwa? Na ikakasal ka sa lalaking hindi mo mahal, at para bang sinasabi nila na 'you have to do it' and 'you have no other choice'. Hindi ko nga alam ang sasabihin ko kapag kaharap ko na ang Hari at Prinsipe. Paano ko nga ba sasabihin na tutol ako dito?
"Anak, kanina ka pa nakasimangot. Ngumiti ka naman." Napaiwas ako ng tingin dahil nakatingin si Mama sakin sa pamamagitan ng salamin. Napabuntong hininga nalang si Mama dahil doon. Paano ako makakangiti sa ganitong sitwasyon?
"Tara na, anak. Baka mahuli pa tayo sa oras." Hindi ko na naman inimik si Mama at nauna ng bumaba. Hindi ko naman sinasadya na maging ganito, may respeto ako sa mga magulang ko. Pero kasiㅡang hirap isipin. Natatakot ako na wala akong magawa para sa sarili kong kalayaan. Natatakot ako na mawala sakin si Marcus. Natatakot ako na mawala ako sakanya.
Buong byahe ay nakatingin lang ako sa may labas ng bintana. Pinag-uusapan naman ng mga magulang ko ang tungkol sa kasal. Pinilit ko na wag makinig, at hinayaan na liparin ang isip ko. Inalala ko nalang yung nangyari kahapon, kung saan nakatingin lang ako kay Marcus at nakatingin lang din saakin si Marcus. Kung paano niya i-kanta ang mga nararamdaman niya. Kung paano ko maramdaman ang mga labi niya. Kahit papaano, gumaan ang loob ko. Dumating ang oras na nakarating na kami sa tapat ng mansyon, kinakabahan ako sa mga mangyayari ngayon.
"Magiging okay din ang lahat, anak." Napatingin ako kay Mama ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi na naman ako nakasagot. Hindi ko alam kung ang ibig bang sabihin ni Mama sa magiging okay ang lahat ay yung kasal, o magagawa kong sabihin na tutol ako sa kasal? Bumaba nalang ako at sumunod sa isang butler dito sa mansyon. Sinamahan niya kami kung nasaan ang dining hall. Pinaghila ako ng upuan nung butler, ganun din ang ginawa ng ibang butler dito para makaupo ang mga magulang ko.
"His majesty and Prince Fienel will arrive soon." Sabi nung butler na sinamahan kami papunta dito. Tumango lang si Papa. Nag bow naman yung butler bago umalis. Napahugot nalang ako ng malalim na hininga. Ang tanging laman lang ng isip ko ay si Marcus. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Malamang, masakit din para sakanya na malaman ang ganitong sitwasyon ko. Kahit hindi niya iyon pinapakita sakin, ramdam ko naman. Kailangan ko lang tatagan ang sarili ko. Malalampasan ko 'to, malalampasan namin 'to.
"I beg my pardon for making you wait," agad napatayo sina Mama at Papa kaya sumunod nalang din ako. Isang hindi pamilyar na boses. Isang boses na punong puno ng kapangyarihan at awtoridad. Walang duda, kaharap ko na nga ngayon ang Hari ng aming bansa. Mas lalo akong hindi mapakali. His presence is intimidating. Nasa tabi niya ang Prinsipe. Nakangiti ito sakin pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Bakas sa Hari ang katandaan, at ang malubhang sakit nito. Pilit lang na itinatago sa pamamagitan ng isang ngiti. Yumuko naman kami ng mga magulang ko para magbigay galang.
"Don't mind it, your majesty. It's a great honor to meet you." Sabi ni Papa. Matapos yumuko ay nakipag kamayan siya sa Hari. Ganun din si Mama.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasiTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...