RULES

344 15 1
                                    

Piper's POV


Rule #2: Do not come near me after the session.


Rule #3: Keep your legs close while eating. 


Rule #4: Use proper utensils.


Rule #5: Raise your pinky while holding your glass


 Rule #6: Be nice to everyone around you. Always smile. Don't do pranks.


Rule #7: Walk straightly. Do not slouch. Remember: Stomach in, chest out.


Rule #8: Wear appropriate shoes. Do not wear your sketchers. I'll send a black shoes with two inched heels.


Wait, wait. Anong heels? No way.


Rule #9: Speak kindly. Remember that a lady is boring. She do not love sports that much.

Rule #10: Do not move that much. Be fine and elegant. When you are laughing, try to cover your mouth. (Wag ka humalakhak)


Always bring your hanky with you. Please wag ka sana magmukang kagita-gitata. If you have any thing to say call me.


Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan sya.


["What?"]


See! Tingnan nyo nga! Sya itong pasulat-sulat na 'Be kind to everyone'! Tapos kung makasagot akala mo pinapasweldo at pinapalamon nya ako.


"Marami akong gustong ayusin sa rules na binigay mo."


["Like what?"]


"Una, yung sa sapatos. Pwede ba walang heels ang isuot ko?"


["No."]


"Ha? Eh bahala ka sa buhay mo. Hindi ako papasok sa observation day. Ikaw magsuot ng 2 inches heels na yun."


["Wait, Piper. Meron akong deal sa iyo. Alam ko naman na masyadong madaming rules ang kelangan mong sundin though ten lang yan. Kung isusuot mo yung 2 inches heels na yun, pwede mo din akong bigyan ng rule na gusto mo."]


Rule? As in rule lang? Walang 's'? Gara talaga ni Pres.


"Sige. Pero yung rule ko na iyon, walang expiry. Kahit kelan ko ibigay o sabihin." 


["Sure."]


Hmm. Ano kaya yung magandang rule? Sundin mo lahat ng utos ko! WAHAHA.


["Pero syempre, bawal yung rule na susundin ko lahat ng utos mo. Hindi na yun fair."]


What the! Mind-reader ba to? Aba bongga! Human clock na, mind reader pa.


"Psh. Sige, sige. Payag ako. Yung sunod kong itatanong sa iyo eh yung 'Always smile'. Dude magmumuka akong abnoy kung nakangiti ako ng walang rason."


["Hindi. Basta ayusin mo muka mo."]


Aba! So parang sinasabi nito na hindi ayos yung muka ko? Pwede na nga akong maging model ng Belo eh.


"Wait, last na Pres. Bakit walang rule #1? Bakit hanggang 2-9 lang? Nasan yung one?" Tanong ko. Dapat dito binabalik sa obaryo ng nanay nya eh. Hanggang ngayon di pa din sanay bumilang.


["Do you really wanna know?"]


"Sir yes, sir!"


["You sure?"]


"Yeah."


Ni-loudspeaker ko yung phone ko dahil isusulat ko yung rule #1 sa binigay ni Pres sa akin na papel.


["Don't you ever dare fall in love with me."] 


.

.

.

.

.

.

.

.

.

What the!

.

.

.

.

.

"HAHAHAHAHAHAHA! What the blood, Pres! Pffft. HAHAHAHA. Assuming ka, Pres ha. HAHAHAHA." Di ko mapigilan tawa ko putek. 


Don't you ever dare fall in love with me daw! HAHAHAHA. Sus! Easy! Basssiiic.


["I'm freaking serious."] 


*toot* *toot*


Nakangiti akong umiling. Haha. Laptrip talaga si Pres eh.


"Oh, Piper? Tapos ka na ba makipag-landian? Try mo kaya magsipag man lang sa bahay? Magwalis ka!" Sabi ni Red na naka-pamewang.


"Anong landian?"


"Sus! May narinig akong in-love, in-love, bago ako pumasok ng kwarto mo. Sumbong kaya kita kay Mama?"


"Edi sumbong mo! Samahan pa kita. Magwalis ka nga! Dami-dami kong ginagawa eh." Sabi ko. Inirapan nya lang ako.


Oh diba? Nakalimutan nya na pagwawalisin nya ako? Mehehe.


To be continued...


*****

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon