Twenty-nine

242 7 0
                                    

Piper's POV

Pangatlong araw pa lang ng Special Bakasyon ko pero gusto ko na agad pumasok.

Hindi ko maintindihan ang sistema ko. Kapag may pasok, gusto kong umuwi. Kapag nasa bahay ako, gusto ko pumasok.

Hay. Buti pa sila Roni nasa school. Ako, nakanganga lang dito.

Napag-desisyunan kong lumabas ng bahay. Naglakad-lakad ako.

Aist. Nangangati ang kamay ko sa pant-trip ngayon.

Pumunta ako sa park at naglakad-lakad.

"Ate, sintas mo." Sabi ko sa babae sabay turo sa suot nyang tsinelas.

Agad syang napatingin sa baba. Nagmadali akong umalis doon. Haha. May balak pa ata syang itali yung tsinelas nya.

***

Hindi ako makapaniwalang pang-limang araw na ng Special Bakasyon ko. Wala naman akong ginawa sa bahay.

At isa pa sa pinagtataka ko, bakit sa tuwing nago-online ako sa facebook, naka-online rin ang lahat ng kaklase ko.

Pati sila Roni, Pep, at Sponge ay online din.

Inuubos ko lang ang araw ko sa paglalaro ng Gmod, Slither, friv, y8, miniclip, tapos GTA 5.

Binalibag ko ang Xbox ko matapos akong maglaro.

"Aray ko, Piper!" Inis na sabi sa akin ni Blue nang matamaan sya ng controller.

Eto pa ang pinagtataka ko, maski sila ay walang pasok.

"Panget." Tawag ko kay Blue.

"Panget." Sabi ko sabay kalabit sa kanya. Busy sya sa panunuod ng lalaking mukang taga-tribo. Malago ang balbas noon at Swedish.

"Piper, do not call yourself." Sabi nito.

Sumimangot ako.

"Nagkaroon ka din ba ng special na bakasyon? Bakit wala kayong pasok?" Tanong ko.

Tinitigan lang ako ni Blue at inirapan, "Ano bang laman ng utak mo?" Tanong nya. Pinause nya ang pinapanood nyang tao na malago ang balbas.

"Si Pres." Wala sa loob na sabi ko.

"Pres?" Tanong ni Blue.

Natampal ko naman ang bibig ko, "Si P-Pres! Si President Duterte! Naalala ko kasi change is coming daw." Sabi ko sa kanya.

Umiling na lang sya at nilayasan ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at nang nakita kong online si Mama ay chinat ko sya.

Piper: Ma, may papanood ako sayo. Wag ka muna mago-offline. Miss you.

Elizabeth is typing...

Elizabeth: Don't tell me it's one of your jumpscares, Piper.

Piper: Ma, hindi. Nakakatawa 'to.

Elizabeth: Siguraduhin mo lang. Anyways, how's school?

Piper: School is fine. Nothing has changed. Eskwelahan pa din sya, hindi nagbago. Anyways, Ma. Iu-upload ko lang.

Elizabeth: Okay, baby.

Pumanik ako sa taas at pumunta sa kwarto ni Red.

Peer Pressured Red loading...

Hawak ko ang cellphone ko, "Red, malakas ka ba?"

Tiningnan ako ni Red at nag-poker face lang sya.

"Red is weak! Red is weak! Red is weak!" Sigaw ko.

"Shut up, Piper! I'm not weak."

"Sige nga oh. Kung hindi ka weak, i-untog mo yung sarili mo sa monitor."

Pero nang hindi nya iyon ginawa, sumigaw ulit ako ng 'Red is weak'.

Cinlick ko ang red button para mag-video na anv cellphone ko. At saktong, inuntog nga ni Red ang ulo nya sa monitor.

"Woohooo! Lakas mo, Red!" Sabi ko.

"Now, shut up and get out of my room!"

Ini-stop ko iyon at sinend kay Mama.

Parang alam ko na ang gusto kong trabhao balang araw.

Sa palagay ko bagay iyon sa akin.

Bagay sa akin maging babysitter! Safe tiyak ang mga bata sa kamay ko. I knew it!

_____

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon