Piper's POV
"So... what happened? Bakit ka napunta sa bahay ng iba?" Tanong ni Pres.
Naglalakad kami ngayon sa ilalim ng nagpapatakang ulan. Azar! Akala ko pa naman maghahabulan kami ni Pres, maglalakad lang pala kami. Tch. Alien talaga si Pres eh.
"Mali kasi yung bahay na naituro ni Kuya." Sagot ko.
"Ha?"
"Haist. Kasi nga diba Pres kumpare mo si Kuya? Inaanak nya yung anak mo diba? Eh balak nga kitang puntahan kaya tinanong ko sa kanya ang address nyo. Kaso ibang Angelito naman pala yung kilala ni Kuya." Sabi ko.
Bigla namang napahinto si Pres habang nakakunot ang noo nya, "Ano? Anong inaanak? Anong anak ko? Sinong Angelito?" Tanong nito.
"Pres, may amnesia ka?" Gulat na tanong ko, "Naalala mo pa ba ako? Ako si Piper. Janitor ka sa Keds High!" Sabi ko.
"Ano ba, Ayessa? Ano bang sinasabi mo? Natamaan ka ba ng plato sa ulo? Tsaka wala pa akong anak. Muka ba akong tatay?"
Oo, Pres. Tatay ng magiging anak natin. <3
Shems, no.
"Nga pala, Pres. Yung babae kagabi, girlfriend mo?" Tanong ko.
"Ha? Wala akong kasamang babae kagabi."
"Meron, Pres! Lahat na lang kinalimutan mo!"
"Sus. Di pa naman kita nakakalimutan." Nakangisi nyang sabi.
"Enebe, Pres! >//< Pero seryoso, sino yung babae kagabi?"
"Wala ngang babae kagabi. Si Vincent lang ang kasama ko dito kagabi nang gumagawa kami ng waver ng Campverture." Sabi ni Pres.
Nandito na kami sa bahay nila. Inabutan ako ni Pres ng tuwalya at damit.
"Campverture? Ano yun Pres?"
"Camping Adventure. Parang field trip but instead of EK, Museum, Gardenia Factory o pagawaan ng noodles, we decided na mag-camping na lang." Sabi nito.
"Wow! Astig yun! Penge akong waver, Pres ha! Sasama ako!"
"Matagal pa yun, Ayessa. At dapat, maayos ka na. Baka walang pumili para maging partner ka kapag prankster ka pa din. Iisipin nila na itutulak mo sila sa bangin." Sabi ni Pres.
"Eh ikaw, Pres? Hindi mo ba ako pa-partneran?" Tanong ko.
"Syempre pa-partneran." Nakangiting sabi ni Pres.
Ayiiiieeee. Hart hart.
"Wait lang. Hindi ba't napunta ka na rito noong nag-practise tayo?"
"Eh Pres malay ko bang R Subdivision 'to. Tsaka hinatid ako ni Kuya kanina eh. Sa kabilang street kami dumaan." Sabi ko.
"Ah ganun ba? Magpatuyo ka na. Baka magkasakit ka."
"Pres, sabihin na lang natin kay GC na may sakit ako. Kinakabahan ako sa Observation Day." Pag-amin ko.
Ang sabi kasi ni Pres, ako ang pag-asa ng Keds High dahil maganda ako. Char. Haha. Pero maganda talaga ako. *flips hair*
"Wag kang kabahan. Hindi mo naman sila mapapansin eh. Basta gawin mo lang yung mga tinuro ko sa iyo. Lalo na yung ten rules."
"Uy, Pres! Meron pa nga pala akong isang rule sa iyo! Pero pag-iisipan ko pa kung ano 'yun." Sabi ko.
Pagkatapos noon ay biglang nag black-out.
*bog bog bog bog*
"Pres, ano yun?" Tanong ko at dumikit kay Pres.
"Di ko alam. Pero mukang sa taas nanggaliong yung yabag." Sabi ni Pres kaya kumapit ako sa kanya para maka-chansing. Itinali ko rin ang bimpo ko sa braso nya.
Prank #1 loading...
"Pres, wag ka nga humawak." Sabi ko.
"Loko ka ba? Di kita hawak. Ikaw nga kung maka-kapit ka eh."
"Hala, Pres! Di kita hawak!" Sabi ko at winagayway ko ang kamay ko sa harap nya kahit hindi ako sigurado kung makikita nya.
"Sino 'yun?"
3....
"Ewan ko sayo, Pres."
2...
"P-Pres, s-sino 'yun?" Sabi ko na kunwaring nauutal.
1...
"SHIT PIPER! F***! *bleeeep* *tooot**bleeeep*"
To be continued...
_____
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨