Piper's POV
Itutuloy ko na nga pala ang naudlot kong introduction dahil sa pagkakadapa ko.
Ako si Ayessa Piper Del Rama. Proud Rule Breaker. Hindi naman sa binabali ko talaga sila, I'm just bending them. Besides, hindi naman ako ang gumawa ng mga rules para sundin ang mga 'yun.
"Ayun! Ma'am! Ma'am! Sandali po! Waaait!" Sigaw ko.
Ang bilis namang maglakad ng mga yun. Dahil nga nalipat na ako sa ibang school, magkakaron ako ng 'tour'.
"Ma'am! Sorry po at nalate ako! Tinamad po kasi akong bumangon kanina eh." Sabi ko.
Kesa naman magsinungaling ako na na-traffic ako eh ang luwag ng kalsada. Tandaan: Honesty is the best policy.
"Wag kang sumigaw! Naririnig kita. At bakit ka naman tinamad? Eh unang araw ng pasok mo! Blah blah blah..." Pag-rap ni Ma'am.
"Ma'am ipagmamaya nyo na lang po iyang sinasabi nyo. Kailangan nyo pa po kaming ilibot dito sa school. Kung gusto nyo po dun na lang kayo sa puno makipag-usap, hindi kayo iiwan nun." Sabi ko habang nakaturo sa puno.
"What?! You! Go to the detention room after I tour you around. Students these days! Hmph!" Sabi nya sabay alis.
Psh. As if I'll obey her, she's not my mom. Umalis nga agad si Mommy nung ginamit ko ang prank ko sa kanya eh.
Buti na lang at hindi talaga ako napapunta ni ma'am sa detention. Ayoko nga dun. Mas gusto ko pang magliwaliw at gumala. Mangtrip kaya ako? Kaya lang wala pang masyadong tao. Maglilibot muna ako.
Sa paglilibot ko, napunta ako sa isang lugar na puro puno at halaman. Garden? Maganda sana kaya lang tago.
Naisip kong akyatin na lang ang puno malapit sa pader. Kesa naman maubos at mamatay na ako sa diabetes dahil sa santan na kanina ko pa kinakain pagdating ko dito.
Huh! Siguro unggoy ako sa past life ko? Naakyat ko agad ang puno eh. Infairness, masarap ang hangin dito. Lasang nectar.
"Hoy! Babae, anong ginagawa mo dyan sa taas ng puno?!" Nanigas ako sa kinatatayuan kong sanga. May nakaalam ng secret hideout ko. Nasan ang hustisya dun?!
"Namimitas ako ng mangga sa puno ng narra." Sagot ko.
Hindi ba halatang magcu-cutting ako? Hindi ko magets ang mga tao ngayon. Obvious na nga tinatanong pa. Di ko alam kung bulag sila o walang mata.
"Ewan ko sayo. Bahala kang mahulog dyan. Mapuputol na yung sanga oh." sabi nya at itinuro ang likuran ko kung nasaan ang sanga. Aba! Niloloko ata ako nito eh.
*crick* *crack*
Umm... seryoso siguro sya? Tinignan ko yung tinuro nya kanina at nakita kong mapuputol na nga ang sanga.
"Uhh. AHHHHHH!"
To be continued...
*****
Thank you natsulucy101 for this part! May dinagdag akong ilan! :D
Basahin nyo po yung stories nya! Mas may kwenta kesa sa pinaggagagawa ko. XDD. #PlugPaMore.
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨