Piper's POV
"Pres, pansinin mo ako." Pangungulit ko kay Pres.
Hanggang ngayon ay naba-badtrip pa rin siya dahil sa bimpo na ibinuhol ko sa brasyo nya.
"Pres, may flashlight ka ba dyan? Lowbat na ako eh."
"Wag na! Mangpa-prank ka na naman eh." Inis na sabi nito.
"Pres, hindi. Wala ka bang tiwala sa akin? Tumingin ka sa mata ko. Wala ka bang tiwala?" Tanong ko.
"Madilim, hindi ko makikita."
"AISSSH. Ihing-ihi na ako, Pres!"
"Edi umihi ka."
"Sa sofa nyo?" Tanong ko at kinatukan nya ako.
"Ayan na nga! Mag punta ka kahit saan mo man gustuhin." Inis na sabi nya at binato ang cellphone nya.
Pumunta ako sa banyo nila Pres at binuksan ang flashlight. May cabinet doon at nakakita ako ng saran plastic wrap. Inilagay ko sa ibabaw ng cabinet ang cellphone na may flashlight at itinutok iyon sa bowl.
Ibinalik ko ang saran sa cabinet matapos ko malagay iyon sa ibabaw ng bowl ni Pres. Sunod na nakita ko ang duct tape. Nagputol ako ng ilang piraso at nilagyan ang kalahati ng gripo sa may lababo ng banyo horizontally. Nilagyan ko rin iyon ng barya sa loob.
Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa ref. Uminom ako ng coke mismo. Kumuha ako ng sprite at isinalin iyon sa loob ng coke mismo na iniinom ko kanina. Sinalinan ko iyon ng toyo hanggang sa nagmuka ng coke ang sprite.
Bumalik ulit ako sa banyo at nagpahid ng petroleum jelly sa isang kamay, "Kainis! Hindi ko alam kung mase-save yung file ng campverture. Kalahati na ako, bwisit."
Dumating ako sa sofa na nagre-reklamo si Vincent, yung vice president ng student council.
"Ano? Success?" Tanong ni Pres nang makabalik ako. Ibinalik ko ang cellphone nya.
"Oo. Hahaha. Uy, i-reserve nyo ako sa Campverture ha!" Sabi ko at tiyak na sumimangot si Vincent dahil sa file niya.
Prank # 2 loading...
"Chill. Baka naman ma-save iyon." Sabi ko.
Ready to release in 3...
"At pag na-save iyon, ililibre tayo ni Pres!" Sabi ko kaya napalingon sa akin si Pres.
"Gusto ko 'yang idea na 'yan!" Sabi ni Vincent.
2...
"High five!" Sabi ko at itinaas ang kamay ko na may petroleum jelly.
1...
Nag-apir kami ni Vincent, "E-eh?" Napatingin sya sa kamay nya na may petroleum jelly. Suyang-suya ang muka nya dahil sa lagkit ng petroleum jelly.
Nakarinig ako ng busina sa labas. Itinext ko si Kuya na sunduin ako at alam ko naman ang tunog ng sasakyan nya, "Ayan na si Kuya. Bye, Pres! Bye, Vincent!" Sabi ko.
Hinatid nila ako sa labas, "Eto, Vincent." Sabi ko at binigay ko sa kanya ang coke na ang laman ay ang pinag halong sprite at toyo.
"Ayessa," Napatingin ako sa pagtawag si Pres sa akin, "Bumalik ka bukas. Sa pasukan na ang Observation Day at last day na natin."
"Oh. Okay." Sabi ko. Ngumiti ako at sumakay na sa kotse ni Kuya.
Hindi ko alam kung malulungkot ako dahil sa pasukan na ang Observation Day dahil maaring hindi na ako pansinin ni Pres. Pero parang imposible iyon dahil dinaig nya pa ang guard ng Keds High dahil lagi nya akong pinapadala sa detention.
Nawala ang lahat ng iniisip ko nang isinuka ni Vincent yung pekeng coke. HAHAHAHAHAHA. Naririnig ko pa ang ilang mura nya at pakiramdam ko ay ipapademanda na nya ako bukas. HAHAHA.
"Ngumi-ngiti ka dyan? In love ka ba sa sumusukang lalaking iyon?" Tanong ni Kuya.
"Hindi ah!"
"Eh sa katabi noon?"
Si Pres?
"H-hindi r-rin. H-hahaha." Kinakabahang sagot ko. Naisip ko lang si Pres eh bigla na akong kinabahan!
"Susumbong kita kay Mama, akala mo!"
To be continued...
_____HAPPY NEW YEAR (KAHAPON) HAHAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨