Piper's POV
Hinatid ako nila Roni sa bahay namin. Akala ko nga wala pa sila Kuya dahil patay ang ilaw pero habang nagti-tip toe ako biglang lumiwanag.
"San ka galing?" Tanong ni Kuya na naka-crossarms.
"Where you've been?" Tanong din ni Red at Blue na naka-crossarms.
"Hehe. Dyan sa ano, sa may Smokey Mountain." Sagot ko.
"You stink." Sabi ni Red sabay takip ilong.
"You look so awful-terrible-horrible-terrifying-stinky-garbage monster." Sabi ni Blue sabay walk out.
Ouch ah. Ang mean nila sa akin.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Kuya. Bigla namang nag-spark ang mata ko. Blessing ka talaga Kuya!
"Hindi pa."
"Sige. Kumain ka na." Sabi nya sabay ngiti. Ambaet ni Kuya ngayon.
Nagbulungan silang tatlo habang kumakain ako. Pinagtimpla pa ako ni Red ng gatas. Inabutan pa ako ni Blue ng tubig. Ambaet nila.
"G-guys, bakit kayo ganyan? Naiiyak ako." Sabi ko. Nakakakaba kaya. Baka kaya nila ako ginaganyan ay dahil papatayin nila ako mamaya?
"Tapos ka na kumain?" Tanong ni Kuya.
Tumango ako habang nakangiti.
"Good, hugasan mo ang pinggan ha?" Sabi ni Kuya ng nakangiti. Nakangiti din si Red at Blue.
"Okay!" Sagot ko. Natutuwa kasi ako sa kabaitan nila.
Nakangiti akong nilalagay ang pinggan ko habang isa-isa silang umaalis sa dining area.
Napatingin ako sa lababo at
.
.
.
.
What the bloody blood?!
"Nagpyesta ba kayo?!" Sigaw ko.
Ang sama nila! Akala ko pa naman mahal na nila ako yun pala! Ang dami-dami nilang nagamit na pinggan, platito at sandamakmak na kutsara.
~T_____T~
To be continued...
*****
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨