Piper's POV
Nakatingin silang tatlo sa akin. Ine-examine nila ako. Pumunta yung kambal sa binti ko at in-examine ang mga pasa ko.
"Anong katangahan sumapi sa iyo?" Tanong ni Kuya. Nagpout lang ako.
"Anong nangyari?" Tanong nya ulit. Mas hinabaan ko pa ang pag pout ko.
"Akala ko ikaw 'tong walang kinatatakutan pero bakit ikaw 'tong sugat-sugat?" Mas hinabaan ko pa ang pag nguso ko.
"Hindi mo ba titikom yang ngusong yan? O gusto mong gupitin ko yan?!" Galit na tanong nya habang naka-crossarms.
"Fine. Magsasalita na. Ikaw naman, Kuya. Ganito kasi yun... teka... hehe..." Sabi ko sabay kamot ng ulo.
Nakakahiya pala ikwento sa kanya na may plano akong magcutting.
"Bilis!" Impatient nilang sabi.
"Uhmmm. Magcu-cutting kasi ako sana...umakyat ako sa puno ng narra. Hindi ko napansin na matatanggal yung sanga kaya ayun, nalaglag ako."
"Serves you right. Seriously, first day mo dito, cutting agad? Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Arr. Basta Kuya. Uwi na lang tayo. Ang sakit ng likod ko." Sabi ko
Excited na din ako sa pinadeliver ko.
"Tss. Bahala ka sa buhay mo. Hindi kita bubuhatin."
"Okay. Alalayan mo na lang ako."
"No."
"Ihiram ng wheelchair kay Nurse Jen?"
"Nope."
"With a 'p'" Sabi ng kambal.
"Uhhh. Samahan mo na lang ako gumapang? Hehe." Sabi ko habang nagkakamot ng ulo. May kapatid akong masungit at dalawang makulit. Whattalife.
"Hinatayin kita sa kotse. Bahala ka dyan."
"What?! Teka—Red! Blue! Save meeee!" Sigaw ko pero umalis sila. Wow. Mahal na mahal talaga nila ako.
Habang nag-iisip ako may biglang pumasok sa kwarto ko. Ang nagliliyab na lalaki na itago natin sa pangalang Picolo na namula.
Sheep! Yug lalaking ginawan ko ng prank!
"O-oy! Musta?" Kinakabahang bati ko sa kanya.
"Anong 'oy musta'?! Do you wanna die?!" Napatingin ako sa nagliliyab niyang muka na pwede ng ipalit sa torch sa Olympics.
"Hoy! Bakit mo ba pinapagalitan yun babae?" Napatingin ako kay Nurse Jen.
"Piper, binigay ko na yung slip mo sa adviser mo. Pwede ka na ding umuwi dahil nandyan daw yung guardian mo." Sabi nya.
"Oo nga po eh. Pero hindi pa po kasi ako makakalakad kaya hindi ako makakaalis dito." Sabi ko with matching paawa effect.
"Ganun ba?" Napatingin kami ni Nurse Jen sa lalaki.
"Whay are you all looking at me? Don't tell me... no! No! Fudge!"
-*-
"Ano ba yan, Kuya? Bilisan mo naman!" Sabi ko dito sa lalaki kanina. Sya kasi ang nagbuhat ng wheelchair ko at boom! Agaw-atensyon sya.
"Kuya, Lola na ako pagdating ko sa kotse ng kapatid ko. Konting bilis naman." Request ko.
Ambagal nya eh. Akala nya ata aged na ako.
"Pwede ba wag kang mag-reklamo?" Inis na sagot nya.
"Hmp! Bakla ka siguro kaya ambagal mo itulak yung wheelchair ko."
"What?! Oh ayan!" Nagulat ako nang biglang nyang tinulak ang wheelchair kaya ako na lang mag-isa.
"HOOO! SARAP! YEEEY!" Sigaw ko. Akala nya siguro matatakot ako.
.
.
.
.
"WAAAH! KUYA! Itabi mo yung kotse mo!" Sigaw ko. Hindi ata ako narinig ni Kuya.
No! Hindi! Wag dyan sa pinakamahahal ni Kuya na Lamborghini!
"WAAAAH! *pugs*" Napatingin sila Kuya sa gawi ko.
Nag-peace sign ako nang makita ni Kuya ang kaunting gasgas sa Lamborghini nya.
"Ayessa Piper Del Rama!"
To be continued...
*****
Share ko lang: Erin, magpapakain kasi dapat ako ng hamster. Pagbukas ko ba naman ng cage nila, nagulat ako kasi biglang dumungaw si Hamsie. Sa sobrang takot at kaba ko sa sarili kong pet, nagmadali kong tinaktak yung pagkain nila sa lapag. Tapos sinilip ko sila at nagmadali naman silang pumunta doon sa lapag na pinag-itsahan ko. Tsaka ko lang na-realize na may langgam na pala yung napakain kong mixed food para sa kanila. Tapos mayamaya, narinig ko na yung pag-"pssft" nila.
Tapos kinuwento ko kay mommy sa baba. Kasi nga nasa second floor sila. Tapos muntik na akong maiyak kasi baka mamaga yung katawan nila dahil sa mga red na langgam. Tapos malay mo mamatay sila, diba Erin? Tapos sabi ni mommy hindi naman daw yun mamatay kasi makakaya naman daw nila yun. Diba daw tayong mga tao, hindi naman namatay sa langgam?
Pero pano naman nila maabot yung nangangati na part sa kanila na dahilan ng kagat ng langgam? Eh ang liit kaya ng kamay nila. T___T. Tapos ngayon lang, habang tina-type ko to, naririnig ko na naman yung pag-"pssft" nila. Edi kinabahan ako kaya pumanik ako sa taas kasi sunod-sunod ang pag-tunog nila ng ganon. Iniwan ko pa yung tindahan para lang pumanik.
Tapos pag-panik ko, malalaman ko na naglalandian lang pala sila. Magkahawak pa ata sila ng kamay habang nakahiga. T_____T
—————————————————————————————————————————————————-
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨