Forty-five

194 6 0
                                    

Piper's POV

Nandito kami ni Pres sa secret hideout ko. Nakaupo kami sa ilalim ng puno ng narra.

"Ayessa, ano 'yang kinakain mo?" Tanong ni Pres. Napasimangot ako sa tawag nya sa akin na 'Ayessa'.

Umupo naman ako sa tabi nya. Hawak-hawak ko ang mangga na may bagoong. Napagalit ko kasi si Kuya dahil credit card nya ang ginamit ko sa pambili ng kinalat ko sa EK, ayun, wala tuloy akong extra na gors.

"Grabe, Pres! Di mo ba alam 'yung prutas na mangga ha?" Inis na sabi ko habang pinapakita sa muka nya yung mangga.

"Ano ba? Ang baho! Bulok na ata yan eh! Ayessa, ano ba?" Inis na sabi nya habang binubugaw yung mangga ko.

"Pres naman eh! Ayessa ka nang Ayessa, Piper nga!" Sabi ko at nginuta ang mangga.

"Bakit? Gusto ko Ayessa eh. Ayaw mo ba sa pangalan mo? Ang ganda kaya, bagay sayo." Nakangiting sabi nya sa akin.

Enebe, Pres!

"Syempre, Pres mas gusto ko 'yung pangalan ko kapag 'yung apelido mo na ang gamit ko." Nakangiti ring sabi ko.

"Lakas naman ng baon mong banat." Sabi ni Pres.

"Ay, Pres! Maalala ko nga pala. Di ba may isa pa akong rule para sayo?" Tanong ko at tumango sya.

"May naisip ka na ba?"

"Yep! Madali lang naman 'to, Pres. *Ehem* Ang kaisa-isahang batas ni Piper ay dapat hindi saktan ni Pres si Piper dahil kung sa kanya manggagaling ang sakit ay hindi ito makakaya ni Piper. Ayun lang, Pres, just don't break my heart."

Ngumiti si Pres, "Syempre naman. Bakit naman kita sasaktan? Ako nga eh gusto ko pang magdagdag ng rule."

"Sige, Pres. Basta madali lang ha!"

"Sobrang dali lang," biglang sumeryoso si Pres, "Don't call me Pres. Tawagin mo ako sa pangalan ko."

"S-sure!" Sagot ko. Jusq. Ang pogi ni Pres este ni Ferris kapag seryoso sya. Para syang monster. Hehehehe.

"Eh bakit dati ayaw mong sabihin sa akin pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi dati lumalakas yung tibok ng puso ko kapag tinatawag mo ako."

"Eh bakit ngayon pumayag ka na?"

"Kasi gusto ko na yung pakiramdam na lumalakas ang tibok ng puso ko kapag tinatawag mo ako."

SHEMAAAAAY! Sabi ko na nga ba crush na crush ako ni Pres eh! Ganda ko kasi tapos mabait pa ako.

*Lagot sa akin yung kokontra na mabait ako

Na-shook cii aquoh nang inakbayan ako ni Pres palapit sa kanya at hinalikan... HINALIKAN YUNG ULO KO!

MYGAD! BUTI PALA MABANGONG SHAMPOO NAGAMIT KO.

Napalunok naman ako dahil napisil ko pala yung cup ng mangga at bagoong ko. Ayun, may bagoong sya sa uniform nya. Wag na lang kayong maingay.

"Ayessa, what are your plans for the future? San ka mag co-college? Dito ka pa rin ba sa KH sa fourth year mo?" Tanong nya.

"Hmm." Pagsinghot ko sa pabango ni Pres, "Wala pa sa future pero sana wala na akong line of 7 sa card ko. Hehehehe."

"Line of 7?" Napabitaw sa akin si Pres habang nanlalaki ang mata nya. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa bagoong sa damit nya. Ssshh. Patay-malisya na lang, kunwari hindi ko alam.

"Yesu. Line of 7. Simula ata grade 6 nagkaron na ako ng line of 7. Yung line of 8 ko lang eh MAPEH kaso 81 pa."

"Bakit nagka ganon?"

"'Yung ibang subject bumaba dahil sa character. Nasa Christian school ako non kaya may grade papa ang character."

"Nakakagawa ka na ng pranks nung grade 6 ka pa lang?"

"Naku, Pres!" Pinanlakihan nya ako ng mata, "I mean, naku, Ferris! Mas malupit pa pranks ko nung grade 6 ako. Kasi yung kaklase ko pinagtawanan ako kasi nagka tagos ako, eh nagmamayabang sya sa project nya. Hulaan mo ginawa ko."

"Um. Sinira mo?"

"Mali! Sinunog ko."

"sINUNOG MO?!"

"Yesu. Nakakainis kasi sya eh! Tsaka sa sinasabi mong future ko, basta ba kasama kita edi maganda na future ko."

"Tss. Di ka nawawalan ng banat ano?" Nakangiting sabi ni Pres at hinimas ang buhok ko.

Bigla kong niyakap si Pres, "Ano bang ginawa mo sa akin? Bakit nagkaganito ako sayo? Waaaah. Mahal na ata kita." Sabi ko.

"Hahaha. Easyhan mo lang." Natatawang sabi nya habang hinihimas 'yung likod ko.

"Ferris?" Bahagya akong naitulak ni Pres nang dumating si Sec. Horse.

"Hmm. Why?"

"I-interview-hin ka raw tungkol sa scholarship mo sa college tapos dala mo raw ba yung folder tungkol kung Top Wanted? Gusto raw makita ni Principal." Sabi ni Sec. Horse. Pinanlisikan nya ako ng mata bago sya umalis.

"Alis muna ako, Ayessa. Bumalik ka na sa klase mo." Sabi nya at hinimas ulit yung ulo ko.

Folder tungkol sa akin? Ano yun?

"Huy. Bakit nakalugmok ka dyan? Magkikita naman tayo eh."

Tango na lang 'yung naisagot ko. Ano 'yung folder na yooon?

To be continued...

*****

gors - 💰

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon