Forty-two

225 7 2
                                    

Piper's POV

"Good luck, Pipes!" Sabi ni Roni sa akin at tinapik ang balikat ko. Kasalukuyang nags-speech si Pres tungkol sa field trip. Yung fee, lugar na pupuntahan, tapos waver na papipirmahan.

"Pinag-iisipan pa namin kung sa Star City tayo or Enchanted Kingdom. Magkakaroon ng poll sa underground website, sa mga wala pang account, magsi-gawa na kayo." Sabi ni Pres.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi na ako nakapag search kay Google ng quotes kasi mas matalino pa ako roon.

"Kung Star City, mas mura ang bilihin. Sa Enchanted naman, well... magical." Sabi ni Sec. Horse.

"Pinag-iisipan din kung Fantasy Land. Pero kung doon tayo, idi-disregard na natin ang museum at factory." - Pres

Matapos mamigay ni Vincent ng waver ay umupo sila. Hinihintay ang pagdating ni GC, kaya habang hindi sya dumarating ay umakyat ako sa stage.

Nagtaka nga ako dahil umurong ang ilang nasa unahan, akala mo naman tatalsik yung laway ko papunta sa kanila.

"Mic test." Sabi ko at kinatok ang mic. Napatingin ang ilan sa akin ngunit si Pres ay busy pa rin sa waver. Bahagya syang nilalandi ni Sec. Horse.

"PRESIDENT FERRIS ZEDLER!" Tawag ko kaya napatingin sya sa akin, "Simula ngayon ay liligawan kita! At sa field trip! Mapasasagot kita! Agad-agad!" Sabi ko. Napangisi siya sa akin.

"Okay then..."

-*-

At ayun nga. Doon na nagsimula ang paglandi ko. #NoRegrets #YOLO

Habang nagb-browse ako sa FB ay may nakita akong technique para mapasagot si Pres. Kunwari, magbebenta ako ng ballpen.

Sinearch ko ang pangalan ni Pres at nagsimulang mag type.

Me: Hi, Ferris!

Ferris is typing...

Ferris: ?

Ay ang dami nya mag type oh! Hirap basahin. Kaines.

Me: May ibebenta akong ballpen. ₱18,995 na lang. Good for 1 week.

Ang inaasahan kong reply niya ay mahal naman. Tapos mag re-reply ako ng bakit, mahal? Anong problema? Hihihihi.

Ferris is typing...

Kinakabahan ako habang nagt-type si Pres. Parang malalaglag 'yung puso ko tapos kakainin 'yung iba ko pang laman loob.

Ferris: Okay. Bibili ako.

Napanganga ako sa reply nya. H-Ha? Bibili sya? GRRRRRRR.

Ferris: Hey. Sige kako. Bibilhin ko.

Nag send ako ng like sa inis ko.

Ferris: What's the problem?

Me: Wala amans 😒

Ferris: Tss. Ang gulo nyong mga babae. Kapag hindi bumili, magagalit. Kapag bumili, magagalit. San ba ko lulugar?

Me: Sa puso ko, Pres, marami pang space.

Ferris: Akala ko sa utak mo lang maraming hangin. Pati pala sa puso mo. 😏

Grrr. Gigil mo cii aquoh, Pres.

Pero hindi ako titigil. #NeverGiveUp #JustDoIt

Pumasok ako kinabukasan. Nababadterp ako kay Pres. Super-super, bonggang-bongga!

"Ayessa, nasan yung ballpen ko?" Nagtatakang tanong ni Pres. Inismiran ko lang sya.

"Hoy! Bogus seller ka ha!" Reklamo nya sa akin kaya ibinalibag ko sa kanya yung HBW ko na napulot ko sa corridor.

Umirap lang ako sa kanya at umalis na. Inis talaga cii acquoh.

Pumunta ako sa library dahil vacant ko naman. Kumuha ako ng kung ano-anong libro. Magbabasa ako!

Tinitigan ko ang libro. Lysosome -  Membranous sacs of hydrolytic enzymes that the cell uses... Sus! Basic! EZ!

Isinara ko ang libro dahil alam ko na iyon lahat. Yumuko ako sa lamesa.

"Ineng, magsasara na ang library." Napatingin ako sa kumakalabit sa akin. Nilinga ko ang mata ko sa paligid at ako na lang ang tao kasama ang matandang ito.

"Hala, wag po. Si Ferris lang ho may karapatan sa akin..."

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Ginigising lang kita! Kung ayaw mo naman edi dyan ka na hanggang bukas." Sabi nito sa akin.

Umuwi na ako sa amin at nagulat ako dahil pagkabukas ko ng pinto ay literal na may bumuga ng apoy at kamuntikan na masunog ang muka ko.

"Ano ba, Blue?! Para kang tanga! Bakit ka ba bumubuga ng apoy? Feeling dragon ka!" Irita kong sabi sa kanya.

"Bakit ka nag-cutting? San ka nanggaling? Gusto mo ba na makarating kay mama yang mga pinaggagagawa mo?" Tanong ni Kuya sa akin tapos bumuga na naman ng apoy si Blue.

"Yow, yow. Piper's in the house. Hindi porke nagtutugma ay nagra-rap ka na agad. Ako ang bida sa aking istorya, sabi 'yan ni Ate Charo kaya shut up ka na lang. Ey, ey! Put it in the oven. Eeey." Pag-rap ko.

"pARA KANG TANGA ANO BA 'YANG SINASABI MO?!" Sigaw ni Kuya sa akin. Mas dinaig nya pa yung pagbuga ni Blue ng apoy.

"Wala. Uwian na kako, may nanalo na."

"Anak ng! Pumanik ka na nga lang! Naiirita ako sa sagot mo!"

Nakanguso ako habang pumapanik. Binuksan ko ang messenger ko at sinubukan ulit kuhanin ang loob ni Pres.

Ferris: San ka nanggaling?

Me: Duty ko.

Ferris: San?

Me: Sa Krusty Krab. 99% loading... Edi sa puso mo.

seen 8:27 pm

Tss. Wala talagang kwenta kausap 'tong si Pres eh. Pero #NeverGiveUp #JustDoIt

Me: Ferris, ano 'yung title nito?

Ferris: San?

Me: Ganito oh. Ten ten tenenen ten ten. Ten ne nen ne nen tenenen.

Ferris: wtf

Me: 'Yung ganito! Wag ka maniwala dyan, di ka nyan mahal talaga. Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya. Ayan, ano title nyan?

Ferris is typing...

Kapag sinagot ni Pres ang title nyan, kami na talaga! Sureball na 'yon.

*imagining*

Ferris: Akin ka na lang

Me: Of course! From the very start, please be careful with ny heart

YIIII KILIG KILIG

Kaso, napatanga na lang ako sa reply ni Ferris.

Ferris: Wait lang, igo-google ko

H-ha? B-basag!

Ferris: Sino ba kumanta nyan?

Nakasimangot ako habang nagt-type. Kagigil ka koya!

Me: Si Bea kumanta nyan

Ferris: Sino Bea? Bea Alonzo?

Me: Hindi! Bea Bunda! Hmp!

Nag-offline na ako. Wala ng pag-asa ang love team namin. Haist.

_____

Haiiist! Wala na bang class suspension? Tinatamad na cii aquoh! HAHAHAHA. Sharut

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon