Piper's POV
"Piper, close ba kayo ni Ella?" Tanong ng isa kong kaklase na hindi ko kilala. Bakit ko pa sila tatandaan kung aalis din naman ako diba?
"Ah, hindi." Sagot ko. Hindi ko nga kilala yung Ella.
"What?! Eh bakit kayo magkausap kanina?!" Nagtatakang tanong nya. Kausap? Si Dena lang naman kausap ko kanina ah?
"Sabog ka? Si Dena kausap ko, hindi si Ella." Bigla syang napakamot ng ulo.
"Baka ikaw ang sabog? Iisa lang si Dena at Ella. Hello? Dana Morellena." Napakamot ako ng ulo.
"Oh? Eh ano kung kausap ko sya?"
"Favor naman oh. Tulungan mo nga ako magpapansin sa kanya oh." Sus. KSP.
Ngumisi muna ako. Magpapansin pala ha, "Okay." Nanlaki ang mata nya at nagtatalon.
Pasalamat ka, Mrs. Bitsin dahil may umagaw ng prank ko sa iyo. Iyong teacher kasi na iyon, tuwang-tuwa sa akin. Tuwang-tuwa sya to the point na gusto nya na akong i-drop. Kainers.
-*-
Mayamaya lang ay dumating na si Ella galing cafeteria. Sumenyas ako sa lalaki na lapitan na nya. At ginawa naman nya. At dun nya sinabi ang plano ko:
"Ella, may surprise ako sa iyo."
"Ano?"
"Dito, tara."
Dinala ng lalaki si Ella sa may lamesa ng teacher. Tapos ay lumayo siya ng kaunti. Para tuloy silang nasa aisle. Si Ella nga lang yung nasa posisyon dapat na groom sa unahan.
"Lahat ng nangyari sa iyo, ako ang gumawa. Kung may kakaibang mangyari, sa akin mo isisi. May isa lang akong sasabihin. Sana'y iyong dinggin," patuloy pa rin sya sa pagbabasa, hindi nya man lang alam kung ano ang pinaglalagay ko duon.
"Sa ganda mo'y ako'y samba," napangiti si Ella, "sa utot mo'y ako'y tumba." Biglang nabitin ang ngiti nya. Mukang kabado yung lalaki dahil hindi nya halos napapansin yung sinasabi nya.
"Hindi ko alam kung bakit ganito, pag nakikita kita, gusto kong magbanyo. Muka ka nga palang inidoro."
"*gasp*" - Ella
"Alam kong muka akong tanga, pero Ella, minamahal kita. Hanggang langit hanggang lupa. Mamahalin kita, pangako, sumpa."
"Ella. Gusto kong ibigay ang surprise ko." Lumapit yung lalaki kay Ella hawak ang box ko na opaque na may lamang bulate at gagamba. Lalong napalawak ang ngisi ko.
Binigay nya ito kay Ella. Tapos tinanggap yun ni Ella at sinarado ang palad nya. Sinarado din ng lalaki ang palad ni Ella sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay nya sa kamay nuon.
Iniupo ng lalaki si Ella habang hawak pa din ang kamay nya, bale:
Ella
[______] - lamesa
Boy
Umupo na si Ella. Bigla siyang nalaglag dahil yung upuang nilagay ko ay tatatlo lang ang paa. Tapos biglang bumukas yung box dahil nagkabitaw ang dalawa. Nalagay yung bulate at gagamba sa uniform nya.
"Kyaaaaaa! Ialis nyo yan! Kyaaaaah!" Nagpanic ang lahat ng kaklase ko. Nagulat kami nang may sumugod na teacher saamin.
"Bakit maingay dito?!" Natahimik ang lahat. Nakalimutan kong sabihin na nakaupo na ako ngayon sa unahan. Pumasok agad ako para makita ang scene ng dalawa.
"May... gagamba po at bulate sa box!" Sigaw ng isang babae.
Parang yun lang? Mas matakot sila kung anaconda ang ilagay ko dyan.
"Just because of that parang naging zoo itong kwarto nyo?! But wait, who did those pranks?" Tanong ni Ma'am.
Lalala~ wala akong kasalanan~
Nagulat ako nang tinuro ako ng isang kaklase ko, "Ma'am, si Piper po at si Rico!"
I am now...in trouble.
To be continued...
*****
Eriiin!!! Patay na si Ginger! Sya yung hamster ko na kakabili ko pa lang. =( 2 months ko lang sya nakasama. T___T Namatay sya dahil sa dehydration. Nakalimutan ko silang painumin ng tubig. T_____T
RIP Ginger.
March - May 17, 2015
P.S
Naalala ko tuloy kung pano tayo una nagkita. =( Nagulat ako kasi sa box ng condom ka pa nakalagay. Walanjo talaga yung nagtitinda sa Pet Shoppe. =(
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨