Piper's POV
Ngumangawa ako sa loob ng eroplano. Nakakainis. Pres kooooo.
"Hi, Ma'am! Yaka naka aka naka! Do you need anything? The Zimbabwe flight will start within 30 minutes."
Tiningnan ko ng masama ang flight attendant.
"G po. Bye. Tc. Ilysm." Sabi nito at nagmamadaling umalis.
May tumabi sa akin na babae at may nakatayo din na babae sa tabi nya. Pinagtitiginan nila ako at kinakausap.
"Hindava iwe uri seated apo? Iyo's chigaro chedu (garisa)!"
"Yeah! Tarisa ku kugada kwedu odarika!" Sabi ng isa.
"Ha? Ano?" Tanong ko dahil hindi ko naman sila maintindihan. At dahil hindi ko sila maintindihan, umiyak ako ulit.
Habang umiiyak ako ay nag ring ang cellphone ko. Ano ba yan? Istorbo sa moment ko.
"H-hello?"
["Ayessa."]
"P-Pres?"
["Nasan ka, Ayessa?"]
"Nasa airplane, Pres."
["Saan?! Please, tell me... Hahanapin kita."]
"At kapag nakita mo ako?"
"Pipigilan kita."
MY GAD! ANG LANDE LANDE NI PRES HA!
Bumaba ako ng eroplano at nanigas ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko.
Napalunok ako nang matindi dahil nakita ko si Kuya at galit na galit na sya.
"Ano ba naman, Piper?! Paalis na yung eroplano! Sa palagay mo ba hihintayin ka nila? VVIP ka ba ha?!"
"Ha? Bakit ba nagagalit ka?"
"aALIS NA NGA YUNG EROPLANO! MAKAKALIPAD KA BA MAG-ISA PAPUNTANG AMERICA?!"
Nilagay ko yung kamay ko sa baba ko at nag isip, "Nakayang lumipad ni Icarus..."
"uMAKYAT KA NA!!!"
"Ha? Saan?"
"sA EROPLANO MALAMANG!!!" Sigaw ni Kuya. Hanapan ko na nga sya ng girlfriend para hindi na sya laging high blood.
Napalingon ako sa paligid upang hanapin si Pres. Humo-hopia ako na pipigilan nya nga ako.
Eh pano naman sya makakapunta rito? Wala naman syang boarding pass. Pwera na lang kung may kapangyarihan si Pres na kilikili power para pigilan yung guards.
Umaakyat na ako sa hagdan ng eroplano. Magpakalaglag kaya ako? Eh? Wala naman ng Pres na sasalo sa akin.
"AYESSA!"
"He loves me. He loves me not." Sabi ko habang inaakyat yung hagdan.
"AYESSA!!!"
"He loves me... He loves me not... He loves me." Napahinto ako dahil isang hagdan na lang. At magiging... HE LOVES ME PA RIN IYON. OH, MAHAL AKO NI PRES.
"AYESSAAAAAAA!!!"
Napalingon ako sa sumisigaw na iyon. Nakita ko si Pres na pinipilit makatakas sa personnel ng airport.
"Kakausapin ko lang sya, please. Magso-sorry lang ako!" Pagmamakaawa ni Pres sa guard.
"Lahat ng batas, nilabag mo! Ano bang naiisip mong bata ka? Wala ba kayong cellphone?!"
"Please, Sir!!!"
Nilabag ni Pres lahat ng rules para sa akin...
"Ma'am, pasok na po kayo."
"T-teka!" Sagot ko.
Kailangan kong puntahan si Pres! Si bb boi ko yon e!
"F-FERRIIIIS!!!"
Sigaw ko at nagtatatalon ako sa hagdan ng eroplano.
Nagkatinginan kami ni Pres. Pilit syang nagpupumiglas sa hawak ng guards.
"Sorry." Sabi nya at hinila na sya palayo.
Malungkot akong pumasok sa loob ng eroplano. Grabe talaga. Si President Ferris Will Zedler ay nilabag ang batas para sa akin. At hindi lang batas ng school, batas pa ng airport.
"Pst! Dito ka sa tabi ko." Sabi ng lalaki na naka shades.
Grabe. Akala nya ba parachute yung sasakyan namin at may shades pa sya?
Hindi ko sya pinansin dahil baka lalo nta lang akong mainis dagil hindi kami nakapag-usap ng bb boi ko. Umupo ako malayo sa kanya at tinanaw-tanaw ang mga tao.
HALA!!!!
TOTOONG BATAS YUNG NALABAG NI PRES!!!
BAKA SA TOTOONG KULUNGAN SYA MAKULONG AT HINDI LANG SA DETENTION!!!
WAAAAAAH!
"P-Palabasin nyo ako!!!!" Sigaw ko habang kumakatok-katok sa pintuan.
"Miss, hindi na po kayo pwedeng lumabas."
"HINDI! HINDI PWEDE! PAPASABUGIN KO TONG EROPLANO SIGE KAYO!" Sigaw ko.
"Hala!" Sigaw ng mga tao.
"Ikaw talaga, Miss. Wala ka ngang dalang bag eh."
"Hays. Yun naman pala." Pag hinga nila ng maluwag.
"D-dinikit ko sila sa eroplano!" Sigaw ko.
"Hala!"
"Ay nako, Miss. Kapapasok nyo nga lang eh."
"Hays. Yun naman pala."
Tinitigan ko nang masama yung flight attendant. Tapos bigla akong nag puppy face. Ginamit ko ang pinagbabawal na teknik: ang muka na hindi nila matatanggihan.
Gumagana ito sa mga pranks ko. Naaalala ko ginamit ko ito bago ko lagyan ng butiki ang tenga ni Pres at para magpalibre kay Shuttle. Kaya sigurado ako na kahit sa love life ko, gagana ang teknik na to.
"Ha! Sabi ko na nga ba at gagamitin mo yan. Pero sorry Miss, nasabihan ako ng kuya mo sa mga teknik mo." Sabi ng flight attendant.
Wat? GRRRRRR.
At dahil sa ako'y bigo, nag walling na lang ako sa pintuan ng eroplano at umiyak-umiyak.
-*-
"Sabi ko sayo, tabi tayo e." Sabi ng lalaking nakasalamin.
"Sino ka ba?" Inis na tanong ko.
"Hindi ako sinuka, iniri ako."
"Ah, edi tae ka?" Tanong ko pero ngumuso lang sya.
"Anyways, ako si The One."
"Ikaw si Dawan? Ang pangit naman ng pangalan mo."
At pagkasabi ko noon ay bigla syang umiyak.
Argh! Kainis sya. Nang-aagaw sya ng exposure eh ako nga 'yung umiiyak dapat.
To be continued...
*****
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨