Piper's POV
"Hi, kuya!" Sabi ko at yumakap sa kanya. Mehehe.
"Argh. Bitaw nga. May nagawa kang kasalanan, 'no?" Napatingin ako sa kanya... sa laptop na nasa harap nya... tapos sa kanya.
"W-wala ah!" Agad akong napabitaw at umusod sa kabilang dulo ng sofa.
"Weh? Basahin mo nga 'to. Pinadala lang sa akin 'yan kanina. Tinatamad akong buksan." Sabi nya.
Tss. Pati ba naman pagbubukas ng papel kinakatamaran?
Iniharap ko ang sobre at nakita ko ang logo ng Doug Youth. Agad akong napalunok. Oh no.
"G-good day Mr. and Mrs. Del Rama. I would like to inform you about your daughter Ayessa Piper Del Rama that---" hininto ko ang pagbabasa at ginamit ang mga mata ko para ituloy. She will be transferred to Keds High because of having bad records in Doug Youth University.
Holy cow.
"That?" Naiinip na tanong ni Kuya. Napalunok ulit ako. Shems, wala akong maisip na excuse.
"That... That s-she's having a... a good start in third grading which is kinda impossible because of..." Hindi ko na naituloy ang pagbabasa ko nang hinablot ni Kuya ang sulat na hawak ko.
Patay.
"Tss." Initsa nya yung sulat, "Sabi na nga ba e. Hay, expel ka na naman." Sabi nya at nag cross-arms.
"Siguro kelangan mo na sila Mama." Sabi nya.
"Nasan ba sila?"
"Wala ka ng pake dun." Sabi nya.
Grr. Sa tuwing tinatanong ko kung nasan sila eh 'yan ang sagot nya. Pag badtrip sya sasabihin nya yan. Pag good mood naman sya, 'Wag ka nga magtanong' ang sagot nya.
Bumalik lang sya sa ginagawa nya sa laptop habang ako eh nakatulala lang sa kawalan. Hanggang sa nakarinig kami ng ingay.
"That was supposed to be mine!"
"What? It's mine, faggot! How could Shine give you a rose? With that face of yours!"
"You're teasing me with my face yet this face is also like yours! You dumb shit!"
(--,)
Pumasok na yung dalawang pinagmulan ng ingay. Si Red at Blue. Ang kambal naming kapatid. Parehas silang lalaki.
Oo. Only girl ako at masaklap. Psh. Wala akong kakampi.
Pag nag-mall kami, mas nauuna pa ang sa Men's section. Ang boring kaya dun. Puro brief at boxer ang nakikita ko. Kaya ayun, pag namimili kami, nasa Timezone ako!
Pero masaya din only girl kasi nai-spoiled ako kila Mama. Mehehehe.
To be continued...
*****
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨