Eighteen

291 12 6
                                    

Piper's POV

Andito ako ngayon sa gym at nililibot ang aking bwisita.


"So, ano nang gagawin natin? Wala ka bang klase ngayon?"


"Meron. Kaya nga tinutour kita diba? Kasi may klase ako." Inirapan ko sya, "Halika na nga. Dun tayo sa Canteen, kumain muna tayo." Sabi ko.


Actually meron talaga akong klase pero ayokong pumasok. Pagagalitan lang din naman ako ng walang dahilan. At tsaka magpapalibre pa ako ng pagkain kay Shuttle.


Nasa Canteen na kami at ang weird ng nararamdaman ko. Para bang may sumusunod samin. May stalker ba ko?

"Shuttle, libre mo ko ah. Salamat!" Sabi ko.


Napakamot na lang sa ulo si Shuttle at lumakad na paalis. Mayamaya bumalik din sya, "Ano nga pala yung ipapabili mo? Nakalimutan kong itanong eh."


"Tss. Atat kasi. Grape juice at burger, parehas large at sundae na large din. Salamat!" Mukhang nagulat pa sya sa sinabi ko pero umalis na lang din habang nagkakamot ng ulo. May kuto ba sya at kanina pa sya nagkakamot ng ulo?


"Psst! Psst!"


"Pssst! Psst! Huy!"


Aish. Ang tagal naman ni Shuttle. Nagugutom na ko.


"Eto na oh. Grape juice, burger at sundae na puro large. Hindi ka ba tataba nyan? Puro unhealthy naman yung inorder mo."


"Healthy kaya ang grape juice! Atsaka wala akong paki kung..." naputol ang sinasabi ko dahil may dumaan sa likod namin, "pameme ami a maa mideo mamin."

"HAHAHAHAHA! Pabebeng ngongo!" Sabi ko habang hinahampas yung lamesa. Napatingin lang si Shuttle sa akin na para akong galing Asteroid B612.


Nang matapos na namin yung kinakain namin, tinuloy ko na yung tour pero kinakain ko pa rin yung sundae ko. Nakarating kami sa isang dance studio at doon tumambay.


"Wait for me here, I'll just go to the CR." Tumango na lang ako dahil naglalaro ako ng COC. Muntik pa nga akong matalo, buti na lang umabot yung troops ko.


"Hoy babae! Sino yung lalaking yun? Bakit hindi ka pumupunta sakin ngayon? Hindi mo rin ako pinansin kanina sa Canteen." Biglang pasok ni Pres sa studio. Naitsa ko tuloy yung cellphone ko.


"Ay naku naman Pres! Ikaw siguro yung stalker ko. Akala ko kung sino. Sya si Shuttle, yung mags-substitute sa kung sino mang nainjured na player sa basketball natin."


Grabe memorya ni Pres. Sya yung nagpahanap sakin tapos hindi nya alam?


"Eh bakit palagi kayong magkasama? Hindi mo man lang ako napapansin. Hindi ka rin pumupunta sa SC Room. Baka nakakalimutan mo na after class dapat lagi kang nandun."


"Bakit naman kita pupuntahan sa SC Room kung uutusan mo lang ako? At talaga namang hindi kita pinapansin ah!"


"Sagutin mo na lang ang unang tanong ko!"


"Malamang tinutour ko sya sa school kaya palagi ko syang kasama! Ano ba problema mo Pres?"

"Sorry I took so long. Oh, who's this?" tanong ni Shuttle sabay turo kay Pres. Bigla namang sumama yung hitsura ni Pres. Tapos napalitan ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit pero tiningnan muna nya ako bago sya umalis.


"Si President namin yun. Wala lang yun, halika na." Nagtataka pa rin si Shuttle pero naiinis lang akong umalis sa studio at balak na sanang umuwi.


"Uy, saan ka pupunta? Hindi pa tapos yung tour diba?"


"Tapos na! Umuwi ka na lang din." Sabi ko.


Kainis. Anong ibig sabihin ng mukha nyang yun?

Ang napakaseryoso naming President naging ganoon malungkot? Bakit naman? Aish, pinapasakit lang nila ang ulo ko eh!

______

Thank youuuuuU @natsulucy101 for this chap. *Sending creepy teddy bears*


The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon