Piper's POV
"Uhm..." - Pres
"Yeah." - Ako
"So..." - Pres
"Uhh..." - Ako
"Yeah." - Pres
"So..." - Ako
Hindi ko maintindihan kung ano ba ginagawa namin ngayon ni Pres. Nagpapalitan lang kami ng dialogue.
Sobrang awkward.
Magkalayo kami ng halos isang ruler matapos nyang magbitaw ng makasabog damdaming pahayag.
"Uhm..." - Pres
"DEL RAMA!"
Napatingin kami ni Pres sa lalaking sumisigaw. Kilala ko 'to eh!
Lumapit ang lalaki sa amin, "Piper, dito lang pala kita makikita." Nakangiting sabi ni Tofi.
"Anong kelangan mo?" Tanong ni Pres.
"Easy, Pare!" Nakataas-kamay na sabi ni Tofi.
"Bilisan mo at may gagawin kami." Sabi ni Pres.
"May gagawin? Eh nakaupo lang kayo dito eh." Sabi ni Tofi.
"Tss. Yun nga ginagawa namin." Sabi ni Pres.
Napatawa bigla si Tofi. Kung hindi nyo sya naaalala, sya yung kapartner ko sa Science Lab.
"Hahaha. Nag-de-date ba kayong dalawa?"
Pumalakpak si Tofi nang makita ang reaksyon namin. Namumula ang muka ko dahil naalala ko na naman yung sinabi ni Pres.
"Siguraduhin mo lang na ako. Dapat ako."
Pinaypayan ko ang sarili ko dahil sa init ng nararamdaman ko. Parang inaapoy yung pisngi ko.
"Mendoza, stay out of this." Sabi ni Pres.
Tumawa lang sya, "Come on, guys. Akala ko nagpa-practise kayo para sa Observation Day?" Tanong nito at pinatong ang baba nya sa palad nya. Nakatukod ang siko nya sa lamesa.
"Nagp-practise nga kami." Sagot ko.
"Go. Mag-practise na kayo. Manunuod ako." Sabi nito.
Nagkatitigan kami ni Pres. Mabilis akong nag-iwas.
Natigil lang ang katahimikan nang may tumawag sa cellphone ni Pres.
"Hello? What? Okay. I'm going, just give me a sec. Bye." Napatingin sa akin si Pres.
Iniwas ko na naman ang titig ko. Tae! Pati pagtigin sa mata nya hindi ko na magawa.
"Piper, halika na. Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ni Pres kaya tumayo ako.
"Whut? Iiwan nyo ako dito?" - Tofi
"Seems like it." Hinawakam ni Pres yung braso ko at umalis na kami sa Park.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Pres pauwi ng bahay. Magkalayo pa nga yung agwat namin. Kasya pa dumaan sa gitna namin ang isang tricycle.
Nang makarating kami sa bahay, inaya ko ulit si Pres pumasok.
"Pres, ano? Papasok ka?"
"Hindi na. I'm in a hurry."
"Ah. Sige, Pres. Pasok na ako." Paalam ko.
Pero napigilan ako ng pagpasok nang hinawakan nya ang braso ko.
"Ayessa, wag na wag kang lalapit kay Mendoza." Seryosong sabi ni Pres.
"Bakit Pres?"
"Because that's a rule."
"Rule? Nako, Pres! Kabisado ko ang sampung rules mo na nakalagay sa envelope. Walang rule doon na nagsasabing bawal kong lapitan si Mendoza." Sabi ko.
"Sige." Napatingin ako sa kanya. Seryoso syang nakatigin sa akin, "Sige, Ayessa. Lapitan mo sya, ako na ang lalayo. Ayokong madurog pag nakita ko kayong masayang magkasama." Sabi nya at tinalikuran ako para umalis.
"Hotdog." Napatingin ako kay Hotdog na dinidilaan ako.
Umupo ako para makapantay ko sya, "Hotdog, hindi ko maintindihan lahat ng tao sa mundo." Sabi ko habang hinihimas sya.
Bigla akong napatingin sa mata ni Hotdog. At nang makita kong kulay itim iyon, napatayo ako bigla.
"Hotdog!" Sigaw ko sa gulat dahil naalala ko ang mata ni Pres.
Napatalon ang aso ko sa gulat. Buti nga hindi ako inatake ni Hotdog.
Napatingin ako sa tapat ng bahay namin dahil may nakita akong tumatawa. Kinawayan ako ni Tofi.
"Ayokong madurog pag nakita ko kayong masayang magkasama."
"Argh!" Sigaw ko dahil sa frustration.
Nagulat na naman si Hotdog kaya tinahulan nya ako tsaka si Tofi.
_____
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨