Piper's POV
Ilang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Pres simula nung sinabi nya na hindi sya nagsisi na sumulat sila para paalisin ako.
Hindi ako pinapapasok sa Student Council's Room at mas lalong nagmumukang kabayo si Sec. Horse kangingisi nya.
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan si Pres e. Bakit nya gusto na umalis ako sa buhay nya eh hindi naman ako ron nakatira?
Tsaka hindi naman ako nagalit sa kanya ng bongga nung sinulatan nila ako ha? Hindi ako nagalit kasi naghiganti nga pala ako.
At ang isa ko pang problema ay itong si Shuttle na ilang linggo na akong ginugulo.
Nasa secret hideout ko kami ngayon. May dala syang gitara dahil haharanahin nya daw ako eh ang pangit naman ng boses nya.
Nung kinantahan ko nga si Pres ng Sorry Na, winalk-outan mya lang ako. Hmp.
Nag simula sya mag finger pluck. Napalunok ako. Ang galing nya mag gitara. Sana maputulan sya ng string.
"All the times, that it slipped my mind to mention that you're the one I need ♪ And if I forgot to tell you, I was wrong to ever doubt it and you're all I think about, yeah ♪"
Napalingon ako kay Shuttle dahil kinakanta niya iyon habang nakatingin sa akin.
Para akong kinilabutan kasi ang pangit ng boses nya.
"There's a million words I should've said ♪"
Gusto ko na syang patigilin dahil si Pres ang naaalala ko habang kumakanta sya.
Simula nung nalaglag ako sa puno, hindi nya ako sinalo.
"I remember you were standing in the doorway and the words were on my lips, that you never looked so beautiful ♪"
Yung pant-trip ko sa kanya na lagyan sya ng buntot ng butiki sa tenga.
"Oh, just to be near you, don't you know how good that feels? These are all the things I should've said♪ Did I miss my chance is it too late to say?♪"
Syempre hindi ko makakalimutan yung una naming pormal na pagkikita nang tuturuan nya ako ng PGMRC. Literal na sakit ng ulo ko dahil sa hard bound na mga libro na pinatong niya.
"Now I'm half a world away from you ♪"
Yung pinag tinda nya ako ng ice cream ng naka heels.
"But you're always on my mind ♪"
Yung binraid nya ang buhok ko...
"There's a million words that I could've said ♪"
Yung sinandal nya ako sa balikat nya nung field trip at tinawag na baby...
"And you might still be mine ♪"
Yung sinabi nya sa akin na rule #1... ang pinakamahirap sundin na batas dahil nung nahulog ako sa puno ng narra ay nahulog na rin ako sa kanya.
"And if there's someone where I used to be ♪"
Napalunok ako nang kinanta iyon ni Shuttle at ngumiti sya sa akin. Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Pres di kalayuan.
Nakatitig sa akin si Pres at nakakunot ang noo nya.
"I hope he tells you every day ♪ With the million words that I should've said ♪ I wish I could tell you always ♪"
Hindi ko alam kung nagagalit sya o nagtataka o naiinis. Aish! Bakit ba kasi ang pangit ng boses ni Shuttle? Naalala ko tuloy yung landian moments namin ni Pres di ko mapigilang ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨