Thirty-three

203 8 0
                                    

Piper's POV

Tahimik kaming kumakain ng agahan. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung bahay nila Pres. Kung makasabi sya ng sa R Subdivision, akala mo naman eh bahay nya lang ang nag-iisang nakatayo doon.

Ay teka nga! Kilala nga pala ni Kuya si Pres! Inaanak nya nga pala ang anak ni Pres. At posible na ang babae kagabi ay ang asawa ni Pres.

Nakakainis ha!

"NAPAKA PAASA NYA!" Sigaw ko.

Napanganga naman silang tatlo sa akin, "Ano?" Tanong ni Kuya na nabitin pa ang isusubong kanin sa ere.

"Tss. Alam mo ba yung bahay ni Angelito sa R Subdivision, Kuya?" Tanong ko.

Itinuloy na ni Red at Blue ang pag kain nila. Sauce. Kahit ata mabalatan ako dito ng buhay, wala naman silang pakialam. Huhuhu. Charot!

"Piper, don't tell me may gusto ka kay Angelito? May pamilya na yung tao. Baka naman balak mo pang maki-apid?" Tanong nito.

"Kuya, hindi! Project lang namin." Pagdadahilan ko.

"Project?" Naguguluhang tanong nito.

"Oo, sa History. Alamin ang bahay ni Angelito. DUH!" Sabi ko.

"Tss. Siguraduhin mo lang Piper na hindi ka makiki-apid kay Angelito ah! Baka mamaya magtanan na lang kayong dalawa bigla!" Sabi ni Kuya.

"OA! Tanan agad? Hindi ba pwedeng baby muna?" Tanong ko pero nang babatuhin nya ako ng bread knife eh napabawi ako ng sinabi ko, "Joke! Joke lang. History project lang talaga."

***

Pres, on the way na ako.

Pag text ko kay Pres. Kunwari lang na on the way pa ako pero andito na talaga ako sa bahay na sinabi ni Kuya.

Pumasok ako dahil bukas naman ang pinto nang mahagip ng mata ko ang flying plate na inihagis ng babae.

"WALANGHIYA KA! ANO? SASAMA KA SA BABAE MO? SIGE SUMAMA KA MGA #*%+& KAYO!"

"Woah." Sabi ko.

"Excuse po." Sabi ko sa babae, "Nandyan po ba si Pres—ay este si Angelito?" Tanong ko.

"Ikaw ba?!"

Napaurong naman ako sa sigaw ni Ate.

"Po?"

"Ikaw ba ang babae ng kumag na ito?! Ha?! Ikaw ba? At may tawagan pa kayo! Pres? Pres? Anong Pres? Pres Pries?!"

Nanlaki naman ang mata ko nang inilabas ng babae ang asawa niya. Nye! Hindi naman si Pres 'yan eh!

"Sino 'yan?" Tanong ko.

"Nagma-maang-maangan ka pa? Ayan si Angelito? Ikaw ba ang babae niya?!"

"Hala, hindi, Ate! Nagkamali lang ng bahay. Sige po, paalam!" Sabi ko at kumaway sa kanila.

"Teka, Miss! Tulungan mo ako!" Sigaw ng tunay na Angelito bago ko isara ang pinto nila.

Napatingin naman ako sa paligid. Saan ba dito ang bahay ni Pres? Baka mamaya pumasok na naman ako sa maling bahay at baka buong lote na nila ang maibalibag sa akin.

"Ayessa."

Unti-unti akong napalingon at nakita ko si Pres. Bigla namang lumiwanag ang paligid nang nakita ko ang ngisi niya.

"Pres!"

*tugsss!*

[Insert heavy rain fall]

To be continued...

_____

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon