Twenty-three

255 9 0
                                    

Piper's POV

"Ano ba yan? Ang pangit naman ng katabi ko. Tapos wala pa akong makitang chix." Reklamo ng asungot sa tabi ko.

"Alam mo ang dami mong reklamo. Tumahimik ka na lang pwede?" Inis na sabi ko.

"Tingnan mo yun oh," napatingin ako sa tinuro nya.

Oh? Anong nakakatuwa sa gumamela? Inaakit ba siya ng nga bulaklak na iyon?

"Eh ano-mmp."

Pakshet.

"Hahaha. Pano ba yan Miss Del Rama? 1-1 na." Sabi nya sabay takbo.

Letseng lalaki yun! Sukat ba naman nilapit ang pisngi sa akin. Pagharap ko tuloy, nadampi labi ko.

-*-

Intrams

Nagpalinga-linga ako sa buong Gym ng KH. Hinahanap si Pres. Pwe! Hindi ko hinahanap yung abnoy na yun.

"Hoy, Piper! Sino ba yang hinahagilap mo? Kanina ka pa lingon ng lingon." Sabi ni Roni.

"Syempre. Si... Pres ng puso nya!" Sabi ni Pep.

Napailing na lang ako, "Hindi. Hinahanap ko yung lalaking mukang shanghai."

"Naku. May pagti-tripan na naman to."

"Bakit may uling sa bag mo?" Tanong ni Sponge habang nakatingin sa hand bag ko na nasa lapag.

Teka, nakasara yun e. Pano nya nalamang may uling dun?

"Ha? Pano mo nalamang may uling dun?" Tanong ko. Lagi naman kasing nakapikit si Sponge e.

"Piper." Napatingin ako kay Roni at winasiwas nya yung kamay nya sa harap ko. Mistulang nablangko yung isip ko at hindi ko na maalala yung tinatanong ko kay Sponge.

"Ano yun Sponge?" Tanong ko.

"Wala." Sabi nito at pumikit at natulog na lang.

"Ah guys, may pupuntahan lang ako." Paalam ko.

Bumaba ako sa bleachers at pumunta sa upuan ng mga players. Nakita kong nakaupo yung walanjong Shuttle na iyon.

Likod pa lang nya nakakainis na.

Binuksan ko ang bag ko at nagpahid ng uling sa kamay. Prank #1 loading...

Sinigurado kong itim na itim ang dalawa kong kamay. Pagkatapos, dahan-dahan akong lumapit sa likod ni Shuttle.

Ready to release... 3... 2... 1...

"Sino to?" Tanong nya habang hawak ang kamay kong nakatakip sa mata nya.

"Hulaan mo." Sabi ko. Sinigurado kong didikit sa mata at pisngi nya yung uling na pahid ko.

Ayan damhin mong malandi ka! Ang manyak-manyak mo!

"Ano ba?" Tinanggal yung takip ng mata ko sa mata nya.

"2-1 na." Sabi ko sabay alis.

Nakasilip lang ako sa labas ng Gym. Tumayo na si Shuttle. Pero bakit ganun? Parang... iba yung height nya? Tsaka yung hairstyle nya.

"Zedler!" Napatingin ako sa lalaking sumigaw.

Oh... my...panda.

Paanong...

"Pare, nagkapalit tayo ng jersey! Teka pre! Anong nagyari sa muka mo?" Tanong ni Shuttle kay Pres.

Oo. Tama kayo ng basa. Si Pres ang nalagyan ko ng uling imbes na si Shuttle. Argh! Pesteng jersey!

"AYESSA PIPER DEL RAMA! YOU CREEP!" Sigaw ni Pres nang makita ang itsura sa salamin.

Patay.

To be continued...

_____

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon