Nine

404 19 2
                                    

Piper's POV


"Oy! Oy! Wait lang! Sasama naman ako eh!" Sabi ko.


Pinaghihila ako ng mga fungi papunta sa Guidance.

"Wag kang umangal! How dare you to do that?! Bakit mo nilagyan ng patis ang iced tea ko?!" - Girl 1


"At bakit mo nilagyan ng sili ang cake ko?!"


At ayun, na-guidance ako. Ang KJ naman nila. Tinintingnan ko lang naman kung magiging okay yung lasa ng Iced Tea with Fish Sauce o kaya ng Sweet & Spicy Strawberry Cake.


Sabi kasi ni Mama, dapat daw hanggang maaga, malaman ko na kung anong gusto kong trabaho. Eh balak ko pa naman maging baker kaya tinry ko na sa kanila.

Na-detention tuloy ulit ako.

-*- (Next Day)


"Anong ginawa ni Miss Del Rama?"


"Binutas nya ang puwetan ng P.E uniform ko!"


-*-


"Anong ginawa ni Miss Del Rama?"


"Nilagyan nya ako ng buntot ng butiki sa likod habang nagre-recite ako ng tragic monologue!"


"Ha? Eh ang plain kasi e! Nagka-extra points ka naman dahil para kang nagsayaw ng wiggle eh!"


"Anong extra points?! Naka-zero kamo ako! Nasayang lahat ng pinagpaguran ko!"


"Detention!"


-*-


"Anong ginawa ni Miss Del Rama?" Bored na tanong ng Guidance Counselor.


"Binalibag nya ako ng monobloc! Bagong opera lang ako sa appendix ko!" Sabi ng lalaki habang nakahawak sa tiyan nya.


"Totoo ba yun?" Shock na tanong ni Guidance Couselor.

"Opo naman, yes." Sagot ko.


"Bakit mo yun ginawa?"


"Eh Ma'am, hinuhuli ko po kasi yung butiki. Eh dumapo po sa tyan nya. Kaya hinampas ko ng silya para di makatakas. Pero wag ka po mag-alala. Nahuli ko naman po yung butiki at hindi sya namatay."


Napahawak na lang si GC sa noo nya, "Miss Del Rama, Detention ulit. Sana last time na nating pagkikita to."


"Opo naman, yes, Ma'am." Sagot ko.


Yey! Buti na lang dinala ko yung PSP ko. Tekken na this.


To be continued...


*****

Sana wag nyo po gayahin 'yung ginagawa ni Piper. TT__TT

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon