Fifty

411 11 2
                                    

Piper's POV

Hindi ko pinansin yung pag-atungal ng katabi ko sa eroplano. Tumingin lang ako sa langit. Teka nga, bakit ang bigat ng balikat ko?

Inis akong lumingon sa katabi ko na nakasandal sa akin ngayon! Wow! Hanep! Walastik!

Inalis ko yung balikat ko kaya nagising sya. Nagpatay malisya ako pero ginawa na naman nya ulit!

Sa sobrang inis ko, pinatong ko yung hintuturo ko sa balikat ko kaya nang umulo sya, nasundot sya ng daliri ko.

"Ouch!" Inis na sabi nito. Sumipol lang ako pero ramdam ko ang mala laser na tingin ng katabi ko.

"What?" Tanong ko para kunwari susyal ako pero nakatingin lang sa akin si koya ng masama.

"Piper Del Rama isn't it?"

Nako! Famous na talaga ako, "Paano mo ako nakilala?" Tanong ko.

"Oh, I've watched your video..."

T-teka!!! May leaked ba akong porno? ANONG VIDEO IYON?!

Lumapit ako sa kanya, "What video?!"

"Teka! Wag ka masyado lumapit! Ang aggressive mo ha!" Sabi nya at pilit akong nilalayo sa kanya.

Kinuwelyohan ko sya, "Anong website?" Tanong ko.

"F-Facebook."

"Facebook?! Ang cheap naman!" Sabi ko at binitiwan sya.

"Saan mo ba gusto?"

Kaines. Pinag pyestahan ng Facebook people ang body ko. Hindi man lang sa mga premium porn websites!

Nakanguso lang ako kahit pilit akong kinakausap ng lalaki na ito, "Nang-aakit ka ba?"

"Ha?"

"Bakit nakanguso ka dyan? Nang-aakit ka o nagpapahalik ka?"

"Pwede ba manahamik ka? I feel so cheap, you know." Sabi ko dahil ang cheap talaga ng Facebook.

Ngumuso sya, "Dapat magkabati na tayo para hindi tayo mahirapan kapag kinasal na tayo."

"Kinasal? Hoy, hindi ako kakasal sayo. Kay Ferris nakatali 'tong puso ko." Sabi ko at sinilip nya yung puso ko kaya binatukan ko sya kasi naninilip sya!

"Ang laki ng dede mo."

"Syempre. Cup C ako — teka nga! Bastos ka!" Sigaw ko at binatukan sya.

"Aray ko!" Sabi nya at umiyak at ngumuso.

"Napala mo, ang bastos mo e."

"Sandali nga lang. Magba-banyo ako." Pag share nya.

-*-

Napag-alaman kong 'tong lalaking ito na si Meero ay anak ng friendship ni mama. Yung friendship nya ay yung kasama nya sa video chat namin sa facebook.

RK naman pala itong Meero. Vet ang nanay nya at nasa posisyon sa airport ang tatay nya. Landiin ko kaya si Meero para ihingi nya ako ng ticket sa tatay nya papuntang Pilipinas? O kaya yung tatay nya na lang ang landiin ko?

Tutal binalak talaga nila na ikasal kami ni Meero kaso naurong na ito   ngayon lang. Dahil nang ipinagtimpla ko ng kape ang nanay ni Meero ay halos atakihin ito ng hika nya.

Kasi hindi naman kape iyon. Nag brew ako ng basil, paminta, asin, asukal, powdered milk, luyang dilaw tas legs ng lamok tsaka ko nilagyan ng kaunting nescafe.

At dahil na turn off sa akin si Ka Mira (nanay ni Meero), wala ng kasal! Kami pa rin ni Pres!

-*-

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon