Piper's POV
"Piper Del Rama! Kung nasan ka man, magpakita ka!"
"O kung ayaw mo magpakita, pumunta ka na lang sa Guidance Council!"
"Piper Del Rama ng 3-C!"
"Huy!"
"Ay pwet ni Del Rama!" Halos napatalon ako sa gumulat sa akin.
"Pres?!" Gulat na tanong ko.
"So... wala kang balak na magpakita?" Tanong nito habang nakikiupo din sa pwesto ko.
"Shems, Pres! Isusumbong mo ba ako?! Pres, baka bawasan ni GC yung special bakasyon ko eh." Sabi ko sa kanya.
"Hmmm." Pag-iisip ni Pres.
"Teka nga Pres, diba galit ka sa akin?" Tanong ko.
"Hindi naman kita matiis, Ayessa." Nakatitig na sabi nya sa akin.
Napanganga naman ako.
"P-Pres..."
"Magpakita ka na kay GC. Hindi nya babawasan ang special vacation mo." Sabi nya sabay tayo.
"Teka, Pres! Ano dadagdagan nya? Presssss!" Hindi ko na naabutan si Pres at nakalabas na sya sa Secret Hideout ko.
Hindi kita matiis, Ayessa.
Argh! Anong ibig sabihin nya noon? Bakit lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil lang dun?
***
"Miss Del Rama, that's really nice of you. Magsunog ng 30 year old tarpaulin at thesis ng valedictorian na madaming natulungan na graduates. Wow."
"Ma'am aksidente naman po yung nangyari eh." Sabi ko. Si Pres kasi eh. Bakit sya nakipagngitian doon sa Secretary ng SC.
Bakit ako affected?!
"Aksidente? Omygosh, Miss Del Rama." Napahawak si GC sa noo nya.
"Ma'am GC, suspension slip po maluwag sa puso kong tatanggapin." Nakangiti kong sabi.
"No, Miss Del Rama. Eto ang tanggapin mo."
"Ma'am! Totoo ba 'to? Pag-usapan naman natin, pleaaaase!" Pagmamakaawa ko.
"No. Kung ayaw mong ibalik ka namin ng first year, mags-summer classes ka." Sabi nito.
"Ma'am no."
"Then, first year ka na bukas."
"Ma'am wala na bang ibang option?"
"Isuot mo 'to sa araw ng Observation Day." Sabi nya sa akin.
Ano? Sapatos na may heels!
Ah! Kung hindi lang ako no choice. Pano ba naman kasi, ibabalik ako ng first year.
Third year pa nga lang ako gusto ko na agad magbakasyon tapos ibabalik ulit ako?
Ano yun? Lokohan?
At isa pa, edi magiging 59 na ako pag grumaduate ako ng college. Paano na kami magkakapamilya ni Pres?
Ay pusa! Ano ba yung naisip kong iyon?
At dahil ayaw ko namang magbalik first year, susuotin ko ang weapon na ito.
Hamo na. Gagawan ko ng paraan. Puputulin ko yung takong.
"BWAHAHAHAHAHAHA!" Pagtawa ko dahil sa balak ko. Nagulat ako nang nabatukan ako ni Pres at nanlalaki ang mata ni Ma'am GC.
Ay fufu! Nasa Guidance Office pa pala kami.
*****
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨