Seventeen

285 11 0
                                    

Multimedia: Shin Austria

Piper's POV


Nakapasok na ako ng St. Marcel at jusko, para akong artista dahil ngayon pa lang ata sila nakakita ng dyosang kagaya ko. De charot. 80% kasi ng estudyante dito ay puro lalaki.

"Ate!!! Pa-picture!" Nagulat ako nang may sampung freshmen ang humahabol sa akin.

"Pabebe wave lang please!"


"O kaya duck face!" 

Nagsimula na akong tumakbo. Hindi ko alam kung ilang lalaking mukang kaka-weeds at mukang ex-convict ang nakabungguan ko.

*tugs*


At ito pa ata ang isa.

"F**k."


"Sorry sorry." Hinila nya ako sa medyo tagong lugar para maligaw yung humahabol sa akin.

"Sorry, Kuya ah." Sabi ko ulit. Ayaw nya pa din bitawan yung kamay ko kahit na pilit ko itong tinatanggal.

"Bakit ka nandito sa SM?" Tanong nya.


"Nasa SM tayo? Order tayo sa Jollibee!"


Nagulat ako nang bigla nya akong binatukan gamit ang isa nyang kamay, "Anong Jollibee? SM as in St. Marcel."


"Ah. Hinahanap ko kasi si Shin Austria. Baka naman kilala mo sya?" Sabi ko. Pansin kong nagulat sya at napa-smirk.


"Bakit mo sya hinahanap?"


"Makikiusap sana ako para maging sub sya ng Keds High kasi team daw ang St. Marcel at KH sa intrams."


"Ganun ba? Kiss mo muna ako."


"Ano?! Baka sipain ko yang itlog mo."


"Baka matunaw ka lang sa abs ko?" Sabi nya sabay kindat. Nagulat ako nang bigla nyang kinontrol ang kamay ko para mahimas ko ang abs nya.


What the blood!


*pugsh*


Hindi ko alam pero bigla ko na lang syang nasuntok. Ang kapal nya eh. Ipahimas ba naman sa akin ang 6-pack nya.


"Aray ko! Bakit mo ginawa yun? Eh kung hindi ako magsub sa inyo?!" Galit na galit na tingin nya sa akin.


"Bakit? Ikaw ba si Shin? Eh Shuttle nga nakalagay dyan sa name tag mo!"


"Ako yon! Shin Uttel Austria! Pano kung hindi ako pumayag mag sub sa inyo ha? Edi tambak na naman tsak ang weak nyong team."


Omg. Sya pala si Shin. Kelangan ko to para sa three weeks vacation.


"Naku patawad. Mahabag ka naman. Pumayag ka na. Pleaaase?" Ginamit ko ukit yung pout ko na walang makakatanggi.


"H-ha? A-ano!" Tumingin sya sa ibang direksyon, "Kiss mo muna ako."


"Eh kung ihampas kita sa poste? Kung ayaw mo di wag!" Sabi ko at tumalikod na. Pa-VIP sya masyado.


"Joke lang, Miss. Isang peck lang hindi French."


"Heh! Manyak!"


____

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon