Piper's POV
"Stand up and let us pray." Malamya akong tumayo habang nagsisinula silang magdasal ng Our Father.
"...and deliver us from evil. Amen." Tinanggal ko ang silya sa katapat ko kaya nag landing ang puwet nya sa sahig.
Nagtawanan naman lahat, "Ano ba?!" Maiyak-iyak na sabi ng kaklase ko na hindi ko kilala.
"Bakit? Nililinis ko na nga upuan mo eh!" Sabi ko dahil may chalk doon sa uupuan nya na pinagpagan ko gamit ang panyo nya.
Inagaw nya yung panyo nya, "Bakit ba nasa iyo 'yang panyo ko? Akin na nga!"
"Ayoko nga!" Sigaw ko at hinila sa kanya.
Hindi naman sya nagpatalo at hinila nya ang panyo nya, "Panyo ko 'yan!"
"Panyo mo 'to." Sabi ko at hinila ulit 'yung panyo nya.
"Akin na sabi eh!" Sigaw nya kaya binitawan ko na. Pumitik sa kanya ang panyo, "A-arayyy! Bakit mo ba binitiwan?"
"Oh? Tapos na ba kayo mag-agawan? Kanino ba kasing panyo 'yan?" Pagsabat ni Ma'am.
"Kanya ho." Sagot ko.
"Eh bakit inaagaw mo?" Tanong ni Ma'am.
"Akala ko basahan, Ma'am eh. Pupunasan ko lang ho sana 'yung silya nya." Sagot ko.
"Tsk. Umupo na kayo. So, our field trip is overmorrow at hindi pwede ang ganyang attitude, Del Rama!" Sabi ni Ma'am.
"M-Ma'am, makakasama ho ba namin si Piper sa iisang bus?" Nanginginig na tanong ng kaklase ko.
"Yes." Maikling sagot ni Ma'am.
"Hala. Edi hindi na ako sasama kapag ganon!" Natatakot na sabi nya. Sinang-ayunan naman sya ng ilan kong kaklase.
"Tsk, tsk, tsk. Sumama ka na, Julie. Para may magbukas ng chichirya namin kapag walang nakapagdala ng gunting." Nakangising sabi ko.
Sinamaan nya ako ng tingin, "Oh. Easy lang. Baka mapayuko ka eh hindi ka talaga makasama sa field trip." Nagtawanan ang lahat. Pinatahimik kami ni Ma'am tsaka sya nag walk-out.
"Ano bang teacher 'yun? Kung hindi absent, nagwa-walkout." - Classmate 1
"Kaya nga! Hindi naman din iyon nagtuturo sa ibang section." - Classmate 2
"Talaga?" Tanong ko sa dalawa. Edi ayos pala! Pwede ako mag cutting ngayon. BWAHAHAHAHAHA.
"O-oo, Piper." Nanginginig na sabi nila.
"Grabe. Nakakatakot 'yung ngisi nya..."
"Halatang may binabalak na masama."
Hindi ko na sila pinansin at naglakad palabas ng room.
"Hephep. San punta?" Tanong ng president ng klase.
"Kung san wala ka." Sabi ko at lumabas na habang nagr-rap sya doon kung gano daw ako kabastos.
Di ko naman sya sinilipan. -3-
"Uy, Piper! San punta?" Tanong ni Rico.
"Tatae ako, sasama ba kayo?!" Inis na sigaw ko.
"At proud na proud ka naman na tatae ka?" Nanlaki ang mata ko sa pamilyar na boses na iyon. Napalingon ako at nakita ko na may nakapamewang na kabayo.
"Tss. Syempre, hindi lahat ng tao kayang tumae. Isa pa, mabango yung tae ko. Amoy glade." Sabi ko at nginisihan sya habang halos muka na syang masusuka roon.
"Disgursting sheyt!" Sigaw nya, "Pumasok ka na. May idi-discuss ako tungkol sa field trip."
Naunang pumasok si Sec. Horse tsaka pa lang ako sumunod.
"Icu-cut ang klase ngayon para makapaghanda ang lahat sa field trip bukas. Sa Enchanted Kingdom ang huli nating destination. Bring extra clothes, okay? Don't forget to enjoy, make memories, and of course, rock your selfies!" Sabi nito.
Yun na ba 'yung sasabihin nya? Walang kwenta. Hahahaha.
At dahil nga cut ang klase, dumiretso kami nila Roni, Pep, at Sponge sa supermarket.
Kumuha ako ng maraming chichirya, de lata na easy open, isang tray ng itlog, payless, tapos chocolates.
"Piper, stock ata ng bahay ang binibili mo eh." Pagpansin ni Roni.
"Oo nga. Ikuha ka na ba namin ng push cart? Umaapaw 'yang basket mo eh. Nakakahiya naman sa iisang piraso ng pillows at mogu-mogu ni Sponge." Natatawang sabi ni Pep.
"Ay buti pinaalala mo. Wala pa akong tubig." Pumunta ako sa likuran at naghanap ng malamig na pocari at bottled water.
"Oy, Kuya. May malamig ba nito?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa nature's spring na tubig.
"Meron po. Ilan po ba?" Tanong nya.
"Isang box sana." Nanlaki naman ang mata nya.
"Wala pong malamig na isang box, Ma'am. Hindi pa po kasi iyon nabubuksan kapag ganon."
"Ah, sige. Pabili ako ng isang box netong nature's spring."
Naghintay ako roon hanggang sa dumating sya na bigat na bigat, "Okay na po, Ma'am?"
Tiningnan ko ang kahon, "'Yung malaki, kuya. Pakipalitan naman." Sabi ko kaya umalis na naman sya at kumuha ng malaking nature's spring.
Ipinatong nya ang kahon noon sa naunang kahon, "Ay! Bakit nga ba nature's spring? Idol nga pala ng nanay ko si Juday, yung absolute pala."
"Malaki ba Ma'am?"
"Oo. Yung kulay blue ha."
Umalis sya at bumalik ulit dala ang kahon ng tubig, "Ay! Ang mahal naman nyan, yung maliit na bote na lang, Kuya." Sabi ko.
"Ma'am? Bibili ho ba talaga kayo?"
"Oo. Dagdagan mo na rin ng set ng pocari sweat."
Bumalik sya na may dalang kahon ng absolute at pocari sweat, "Ay. Hindi ito, Kuya. 'Yung pocari sweat na nakalata. Hindi itong naka bote." Reklamo ko.
"Ano, Ma'am? Palitan ko na?" Tanong nya kaya tumango ako.
"Piper, ang tagal mo naman." - Pep
"Bakit ang daming kahon dito? Bibilhin mo?" - Roni
Nakita ko ang basket nila. Bumili sila ng litro ng C2. Ay ganon na lang din kaya 'yung akin?
"Ma'am eto na ho—"
"Ayoko na nyan. Magc-C2 na lang ako, mas mura pa. Salamat." Sabi ko sa lalaki.
"Teka, Ma'am! Ang dami kong nilabas na kahon oh! Pagod na pagod ako! Sabi mo bibili ka?" Iritang tanong nya.
"Bumili naman ako. Ano bang tawag mo dito? Muka ko bang ninakaw 'to?" Tanong ko habang ina-angat ang basket ko na punong-puno ng chichirya.
"Ma'am naman..." Napa-walling na lang si Kuya sa kahon ng mga tubig.
"Tss. Sige na nga, bibilhin ko na. Itong nature's spring lang ha." Sabi ko habang tinuturo ang kahon na kauna-unahan niyang ibinigay sa akin.
Narinig ko pa ang reklamo nya. Kesyo nagpakuha pa raw ako ng kung ano-ano eh 'yung una lang daw naman pala ang pipiliin ko.
Wapakels! Basta excited ako sa field trip dahil magiging kami na ni Ferris. Peksman! Mamatay ka man!
_____
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Юмор"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨