Twenty-one

250 8 0
                                    

Piper's POV

"Lahat ba may partners na?" Tanong ni Mrs. Bitsin. Nandito kami ngayon sa lab kasama ang 3-A.


"Ma'am ako po wala pa!" Sigaw ko.


Napasinghap naman silang lahat.


"Hala! Hala! Kawawa naman yung magiging parter ni Piper."


"Oo nga. Baka bigla na lang nyang pukpukin yung partner nya ng beaker."


"O kaya ihawin gamit ang alcohol lamp."


Grabe. Ang OA ng dalawang yun ah. Ihawin talaga sa alcohol lamp? Kaliit noon eh.


"Ma'am, ako na lang po." Napatingin ako sa nagsalita.


"Okay, Tofi. Partner kayo ni Piper." Sabi ni Mrs. Bitsin.


Lumapit naman sa akin si Tofi. Seriously, muka kaming bida sa palabas dahil sa dami ng nanunuod sa amin.


Hirap talaga ng maganda. Charot.


Sinilip ko nga si Pres eh. Tumigin sya sa akin pero hindi rin nagtagal at kinausap na nya yung partner nya na Secretary ng Student Council.


"So hi, Ms. Del Rama." Napatingin ako kay Tofi na nakalahad ang kamay.

"Yeah. So I'm Tofi Mendoza." Sabi nito sabay hawi ng buhok nya gamit ang kamay na hindi ko inabot.


"Anyways, free ka ba sa Saturday?" Tanong nya.


"Hindi." Sagot ko.


"Eh sa Sunday?"


"Hin—"


"MISS DEL RAMA AT MISTER MENDOZA, NAKIKINIG BA KAYO SA DINI-DISCUSS KO?!" Beastmode na tanong ni Ma'am.

"Miss Del Rama!" Tawag sa akin ni Mrs. Bitsin.


"Yes, Ma'am?"


"Ano ang sagot sa tanong ko?" Tanong nito.


"Ano nga po ulit yung tanong nyo, Ma'am?" Tanong ko ulit sa kanya.

Nagtawanan naman silang lahat.


Bwiset na Tofi to. Either way, hindi rin naman talaga ako makikinig kay Ma'am kahit na kung sino pa partner ko.


"Paano ka makakagawa ng apoy gamit ang potassium permanganate?"


"Add glycerin and water, Ma'am." Sagot ko.

So easy! Nakagawa na ako ng apoy gamit yun eh.


Inirapan na lang ako ni Mrs. Bitsin, "Impressive, Miss Del Rama. Impressive." Sabi sa akin ni Tofi.


"Na-impress ka na nun? Eto ang impressive." Sabi ko sabay labas ng potassium permanganate at glycerin.


"Okay, class. Try nyo kung ano ang kalalabasan ng kulay pag pinagsama natin ang blah blah blah oinky-oinky-oink."


Nilagay ko ang glycerin sa potassium permanganate . Napatingin naman ako sa gawi nila Pres. Edi wow. Silang dalawa na masaya. Tss. Hindi sila bagay. Walang forever.


"Okay anong kul—"


"Kyaaaaah! Ma'am apoy!" Turo ng kaklase nila Pres sa akin.


Nagulat na lang ako nang nag-overflow ppa yung ginagawa ko kaya nasunog ang libro sa laboratory.


"Oh sht!" Tinaas ko ang libro at winagayway sa ere pero hindi inaasahang natisod ako sa upuan kaya nadamay sa apoy ang tarpaulin sa likod namin.


Trouble trouble trouble.


To be continued...

*****

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon