Ten

429 16 0
                                    

Piper's POV

"You're late!"


"Grabe ka! Two minutes lang naman!"


"Ang usapan, sharp diba?!"


"Oo na! Dali na!"


Pinatungan nya ako ng tatlong encyclopedia sa ulo ko. At ang sakit nun! Hardbound yun, men!

"Go! Lakad!"


Hindi pa ako nakakalayo eh nagkalaglag na ang mga libro.


"Babae, ano ba! Wag kasi masyadong mabilis!"

Nilagay nya ulit ang libro sa ulo ko. Binagalan ko ang lakad na para akong suso, "Sobrang bagal naman nyan! Wala ka sa EDSA!"


"Nung mabilis, nagreklamo. Nung binagalan, nagreklamo. Oops! Easy!" Sabi ko. Babatuhin nya kasi ako ng isang libro e.


Naguguluhan ba kayo sa ginagawa namin? Ah. Naparusahan kasi ako. Naaalala nyo pa ba yung sinabi ni GC na sana daw huling pagkikita na namin? Syempre, dahil isa akong Anghel, tinupad ko yun.


Nalaman ko kasi na takot si GC sa tipaklong kaya niregaluhan ko sya. Pagbukas nya ng box, tinalunan sya ng tipaklong. At dahil matanda na si GC, hinimatay sya. Tsak na huling pagkikita na namin dahil napalitan na sya ng mas bata sa kanya.


Pero wag kayo mag-alala  buhay pa si Old GC. 0:)


Ngayon, ang mas bata sa kanya ay inutusan ang President ng Student Council na "patinuin" ako kaya tinuturuan nya ako ngayon ng Pres' Good Manners and Right Conduct.


Naalala nyo pa ba yung pinagtripan ko at nagtulak sa akin ng wheelchair? Hindi kapani-paniwala na President sya ng Student Council kasi para lang syang nag-aadik na kabuteng kung san-san sumusulpot.


"Wag ka na mangarap, ineng! Ayusin mo paglalakad mo ah! Bukas, proper dining naman tayo!"


"Anong akala mo sa akin? Walang alam sa hapag-kainan? Eh kung tusukin kita ng kutsara dyan?!"


"Oo, wala kang alam. Kelan mo pa mapapanundot ang kutsara? Tinidor dapat. We're dismissed!" Sabi nya at lumabas ng kwarto. Aba!

Bwiset! Isang linggo na niya akong tinuturuan ng PGMRC. Dahil may pupunta daw ditong kawani ng DepEd para sa ranking ng school. Isu-supervise daw nila ako para tingnan kung maganda ang naituturo sa Keds High para sa mga patapon na tulad ko. Oh, diba? Sikat na 'ko.


Alam nyo bang kahit na elite school ang Keds High eh rank 7 lang sya sa buong Pilipinas?


Bilang na bilang nga lang ang matitinong tao dito. Karamihan ng estudyante dito ay gangster, jacks, feeling popular, maarte at ako na maganda. =D

"Hintay!" Hinabol ko si Pres. Papunta kasi syang parking lot.

"Rule number two: Don't come near me after the session!" Sigaw nya. Chorva nya! May rule-rule pa syang nalalaman.


"Ha?! Eh wala akong kasabay. Hindi ako masusundo ni Kuya!" Sigaw ko. Hinila ko sya para maabutan ko sya. Bigla syang pumiglas. Pero buti dahil halos magkasabay na kami ngayon. Halos lang, ang laki kasi ng hakbang nya.

Feeling ko nga kamag-anak sya ni Godzilla.

"I don't believe you." Sabi nya nang hindi tumitingin sa akin.


"Promise! Peksman! Mamatay man si Batman, Superman, Wonderwoman, Suman!" Sabi ko habang nakataas ang kamay.

"I still don't."


"Maniwala ka na. Mamatay man ang buong Justice League. Dumaldal man si Ferb. Malaman man nila na Agent si Perry the Platypus."

"Okay."


"Isasabay mo na ako?" Excited na sabi ko. Parang ang desperada much ko tuloy. Wala na kasi akong pamasahe. Pinagbaon na lang ako ni Kuya dahil daw sa kalokohang ginawa ko. Goodbye, Jollibee. T_T


"Hindi. Patayin mo muna si Superman at Batman." Sabi nya at tinalikuran ako.


Ano?! Badtrip to ah! Sige! Ilabas nyo si Batman at Superman at mabugbog na.

Buong hapon ako nakatambay sa parking lot. Naghahanap ng himala. Lord please. Mamimigay na ako ng one-fourth makauwi lang ako.


At parang answered prayer na saktong pagdilat ko ay may nakita akong pink na bike malayo sa akin.

Pink na bike? Sino magdadala nun dito? Ang layo kaya ng Elementary Department dito.

Kinuha ko ang bike at pinaandar. Meron pang balancing wheels ang bike at salamin na may balahibo. Yung totoo? Sa manok ba 'to? Pero aray ha. Ang sakit ng tuhod ko dahil natatama sa manibela ng bike na ito.


For sure pagkatapos nito kasing sexy ko na si Angel Locsin o kaya si Sam Pinto.

Napatingin ako sa harapan at nakakita ng life size na remote control na kotse.


.


.


.


.


Life size?!


*kring* *kring*


Pinatunog ko yung bell ng bike pero nonsense.


What to do? What to do? Magbabanggan kami. Oh noes.


Bigla kong niliko ang bike habang nakapikit at...


*boogsh*


Goodbye, Jollibee! 


To be continued...

*****

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon