Eight

438 18 1
                                    

Piper's POV


"Sino si Piper at si Rico?!" Galit na tanong nung teacher. Nagtaas ng kamay si Rico.


"Sino si Piper?!" Makasigaw naman. Ilang speaker kaya ang inumagahan nito?

Nag-taas ako ng kamay.


"Sumunod kayo. Ngayon na!" Lumabas kami ng room. Tapos sinundan namin yung teacher. Hindi mapakali si Rico. Nandyan yung kakagatin nya yung kuko nya, papaypayan yung sarili nya at kakagatin nya yung kuko nya at papaypayan nya yung sarili nya.


"Ano ba, umayos ka nga. May kiti-kiti ka ba sa pwet?" Tanong ko. Dapat pala naipalista ko si Rico sa libreng papurga ng baranggay.


"Hindi ka man lang ba kinakabahan? Magui-guidance tayo! Guidance, Piper! Guidance! Pano pag na-detention tayo? O kaya napaglinis ng banyo, cafeteria-" pinutol ko na ang sasabihin ni Rico bago nya pa ma-recite yung parts ng school.


"And so? Ano ngayon kung ma-detention? Edi masaya! Wala tayong klase. Nakaupo lang tayo at kaya natin gawin ang gusto natin." Sabi ko. Napailing na lang sya.


"Wait, may plano ako. Hindi ba tatanungin tayo ng Guidance Counselor natin?" Tumango ako sa tanong nya.


"Ang naisip ko kasi, ituturo ko ang sarili ko na ako ang may kasalanan tapos ituturo mo naman ang sarili mo para ikaw ang may kasalanan. Sa ganung paraan, malilito yung counselor. Gets mo?" Sabi nya.


Napangisi naman ako, "Oo. Game."


***


Pagdating sa guidance office, sinumbong agad kami ng teacher. Pinaupo kami sa harapan ng counselor.


"Sinong may gawa ng nangyaring kaguluhan sa class 3-C?" Tanong ng Counselor.


"Ako/Siya." Sabay na sabi namin. Nakaturo ako kay Rico at nakaturo sya sa sarili nya.


Unti-unting namilog ang mata nya, "What?!" Mahinang bulong nya na halatang nanggigigil.


"Thank you for the honesty, Rico. For you, Piper, you can go back to your class. Rico, two hours sa detention."


"But-"


"Detention o cleaning of restrooms?"


"Fine."


Lumabas na ako. Pero bago yun, nakita ko pa ang nakakamatay na titig ni Rico. Buti na lang, looks can't kill.


***


"Get one and pass. Answer it on one whole sheet of paper." Nagmadali akong maglakad dahil may quiz nga pala kami sa Science.

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon