Forty-six

189 7 4
                                    

Piper's POV

Isang linggo na akong bangag kakaisip sa folder na iyon. Ano ba ang laman nun kasi? Kinakabahan ako. Alam nyo na, baka may picture ako ron na sumasayaw sa bar.

"Hi, Piper!" Napairap ako nang kawayan ako ni Shuttle.

Hindi ko alam sa isang 'to kung bakit sya nandito sa Keds High eh taga St. Marcel 'to. Ah! Magpapalibre na lang ako.

"Bakit mukang problemado ka?" Tanong nya, "Mabebenta na sa Lazada 'yang eyebags mo oh! HAHAHAHA!"

"Talaga ba?" Inis na tanong ko.

"Eto naman. Bakit hindi ka bumubuntot kay Ferris? Basted ka na 'no?"

"Hindi ah! Niyakap nya nga ako nong nakaraang linggo eh."

"Talaga ba?" Pang gagaya nya sa akin, "Kaya pala HHWW sila ngayon ni Hayley." Nakangising sabi ni Shuttle.

Napatingin naman ako sa tinitingnan nya at nakita ko nga si Pres kasama si Sec. Horse.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila, "Stop right now! Thank you very much. I need somebody with a human hug." Sabi ko sabay agaw kay Ferris.

"Ayessa, what are you doing?" Nagtatakang tanong ni Ferris.

"Ang akin ay akin lamang. I don't share. You have to understand that." Sabi ko kay Hayley. Hinigpitan ko ang paghawak sa braso ni Ferris.

"Piper, ano ba?!" Sabi nya sabay sigaw.

Piper? PIPER?! Akala ko ba Ayessa sya. Sa A-YE-SSA?!

"You have to stop, okay?" Sabi ni Pres habang hinihimas ang ulo ko. Nakayuko lang ako.

Hindi ako papatalo kay Sec. Horse. Hindi ako papatalo sa kanya.

"Hindi pa 'to ang huli, Ferris. Hindi pa." Nakangising sabi ko para magmuka akong cool pero pashtadi, nanlaki ang mata nila at natakot ko pa ata sila.

Tumakbo si Shuttle papunta sa akin, "Pffft. Bakit ka ngumisi ng ganon? Nakakatakot ka." Sabi nya pero inirapan ko lang sya.

"Hey. I think they dropped this." Sabi nya sabay pulot sa nalaglag na piraso ng papel.


Month of September - Week 1

Dear Ministry of Right Conduct,

We, the SSG, have tried our really best to help the students from Ayessa Piper Del Rama, who has been transferred to Keds High because of her bad records at Doug Youth University. We can't stand whatever she is doing to the school and the students. We want her out.

SSG - Hayley

Sa likod ng papel ay may nakasulat na naman.

Month of September - Week 2

Dear Ministry of Right Conduct,

Our basketball player has been sent to the hospital because of Ayessa Piper Del Rama. Our guidance counsellor is afraid of her as well. Her classmates have been begging to transfer her to other section, or simply, we just want Ayessa Piper Del Rama out.

SSG - Ferris

G-gusto nila ako paalisin? Kahit na nung September pa 'to, haler! November pa lang ngayon.

Ibig sabihin... Wala talagang pake si Pres sa akin? Ibig sabihin ako lang talaga yung umaasa para sa aming dalawa? Ibig sabihin pinaplastik nya lang ako? Ibig sabihin pinapakilig nya lang ako sa wala? Ibig sabihin kinukuha nya 'yung loob ko para mapaalis na ako sa KH?

Ayos naman ako nung Observation Day ha? Diba napataas ko naman yung rank ng Keds High? Bakit? B-bakit pa nila 'to ibibigay sa Ministry of Right Conduct? :---(

"PIPER SANDALI!"

Hindi ko pinansin si Shuttle. Tumakbo lang ako palabas pero hinarang ako ng guard.

"Miss, bawal lumabas."

Pinanlisikan ko sya ng mata, "Ay sige, Piper. Labas na."

Napangisi ako. NATATAKOT NGA PALA SILA SA AKIN. KAYA NGA PALA NILA AKO GUSTONG PAALISIN.

Ferris' POV

"Do we seriously have to do this? Ayos naman na si Ayessa." Sabi ko.

"Ferris, ito yung nakatakdang oras para ipasa 'to diba?"

"Oo. Pero ayos na sya. Wala na syang pina-prank ngayon." Paliwanag ko.

"Wala syang pina-prank dahil nakakasama ka nya. Hindi ka na nga nakapag review para sa entrance exam mo sa Aki University eh."

Oo nga. Pero wala naman akong pake. Gusto ko rin naman sya kasama.

"Tsk. Just make sure na isinama mo dyan yung mga sulat ko na ayos na sya and we don't want her out anymore."

"Of course." Nakangiting sabi ni Hayley.

Matapos namin mapasa ang folder ay nakasalubong namin si Sponge, sya ay kabilang sa Ministry of Justice and Defense.

Napa-poker face ako. Lagi syang kasama ni Ayessa. Sabi ni GC ay may hidden power daw itong si Sponge kaya hindi sya tinatanggal sa MOJD.

"Bro, nasan si Piper?" Tanong ko sa kanya.

Napahinto sya pero nakapikit pa rin, "I don't know."

"Hinahanap nga rin namin sya kasi ire-recruit namin sya sa club namin." - Pep

"Si Shuttle ang nakita ko. Inabot nya sa akin ito, susundan nya daw si Piper." Sabi ni Roni at ibinigay ang papel.

Binasa ko ang nakasulat sa papel. Tsk! Baka kung ano ang isipin ni Piper.

"Ferris, stop."

Napahinto ako nang pinigil ako ni Roni, "Kapag tinuloy mo 'yan, maaksidente ka."

"I don't care! Kailangan ko sundan si Ayessa! I need to explain."

"Sasama ako!"

"Mas lalong huwag dahil ikaw ang dahilan kung bakit sya maaaksidente." Sabi ni Pep.

"Kami na lang ang hahanap sa kanya." - Roni

Umalis na sila. Pero bago tuluyang umalis si Spongey ay tumingin sya sa akin. Binuksan nya ang mata nya.

Nakaramdam ako ng malamig sa paligid ko. Nawala lang iyon nang isara nya ang mata nya, "Mag desisyon ka ng mabuti."

"Saan?" Tanong ko pero ngumiti lang sya.

Tsk. Sinubukan kong tawagan si Ayessa pero hindi na nya sinasagot ang tawag ko. Nakakainis!

*****


The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon