Thirty-two

214 8 0
                                    

Piper's POV

Piper: Mga dude, bakit nga pala lagi kayong online? Cutting ba kayo?

Roni: Cutting?

Pep: Gala tayoooooo.

Napakunot ang noo ko. Paano pa makukuhang gumala ni Pep eh may pasok sila.

Piper: Bakit gagala? A-absent kayo?

Sponge: whut?

Roni: Piper, anyare sayo? May hangover ka teh?

Piper: Hindi ko kayo ma-gets! Dapat ako lang yung walang pasok dahil binigyan ako ni GC ng Special Bakasyon.

Pep: Hay nako, Piper.

Sponge: Di ka na naman nagbasa sa Bulletin Board.

Roni: Walang pasok ang lahat. Sembreak, ano ka ba!

WHAT?! SO NILOKO LANG AKO NI GC! Ipasuntok ko kaya sya sa kamao ni Duterte? GRRRRR.

Nag log out ako at sumugod sa bahay nila Pres.

Ay! Hindi ko nga pala alam ang bahay nila Pres! San ako pupunta?

Minessage ko si GC kahit hindi kami friend sa FB.

Piper: GC, bakit mo ako niloko? Pati ba naman ikaw? Lahat na lang niloloko ako. Lahat na lang sinasaktan ako. Bakit, GC? Ano bang ginawa ko sayo para lokohin mo ako? Huhuhu.

Binasa ko naman ang reply nya.

Piper, wag mo akong hugutan.

Magdamag kong dinamdam ang panloloko sa akin ni GC. Huhuhu. I heyt dis layf!

"Piper, muka kang tanga." Sabi ni Red habang magsisimula syang mag-toothbrush.

"Hala, Red!" Nag gulat-gulatan ako.

Nanlaki ang mata nya at tumakbo papunta sa akin, "Bakit, Ate?!"

"M-may gumalaw na anino doon." Sabi ko sabay turo sa lababo.

Nanlaki ang mata nya at mukang hihimatayin na.

"Naku, makapanik na nga!" Sabi ko at aktong papanik pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Piper! H-hintayin mo ako!" Sabi nya.

"Ano? Di kita maintindihan." Panloloko ko.

"Hintayin mo ako." Mangiyak-ngiyak na sabi nya.

"Mage-xbox pa ako." Sabi ko pero hindi nya ako pinaalis.

"Pipeeeer! Wey lang! Magmumumog na ako!" Sabi nya.

Nang makarating na sya sa lababo, tinakot ko ulit sya, "HALA!" Sigaw ko ulit kaya napabalik sya sa akin.

Hahaha.

"B-bakit?"

"HALA NAHULOG! LOG! LOG! LOG!" Pagkanta ko.

Kinunot nya ang noo nya, "Hintayin mo kooo!" Sabi nya.

"Halaaaa. Shemay! May nakaitim sa bintana." Bumalik na naman sya sa akin at ngumawa.

"Waah. Piper! Susumbong kita!" Sabi nya habang umiiyak na may toothbrush pa sa bibig.

Nagmadaling bumaba si Kuya nang narinig ang sigaw ni Red.

"Bakit? Whappened?" Tanong nito.

"Si Piper tinatakot ako!" Sumbong ni Red

Binatukan naman ako ni Kuya, "Wag mo nga tatakutin si Red."

"Nagpapatimpla lang akong gatas eh!" Sagot ko at pumanik na.

Kainis! Hanggang ngayon naba-badtrip ako sa panloloko sa akin nila GC. They took me for granted. Huhu.

Hanggang sa naalala ko, may nakasave na number nga pala ako ni Pres. Nagmadali akong tawagan sya.

10 pa lang naman siguro naman ay gising pa 'yun.

["Hello?"]

Napatigil ako magsalita at nablanko nang marinig ko ang raspy na boses ni Pres. Ang smexy!

["Hello? Ayessa?"]

Nakanganga lang ako.

["ANO BA YUN?!"] Sigaw nya na ikinagulat ng sistema ko.

"A-ah! P-Pres!"

["Bakit nga?"]

"May pasok na sa Monday." Sagot ko.

["Alam ko."]

"Uh... yung ano.. yung Observation Day."

["Yeah. Magki-kita tayo bukas, okay?"]

"Uhm... Saan ka nakatira, Pres?"

["Why? / Babyyy. Sino ba kausap mo? Shut up."]

Napakunot naman ako ng noo. Sino 'yun?

"San ka nga nakatira, Pres?"

["R Subdivision. / Sino ba yan? Wala. Delivery boy lang."] Sabi nya at pinatay na ang tawag.

.

.

.

Delivery boy?

Muka ba akong delivery boy kay Pres? Hay. Sino kaya 'yung kausap nya? Hay. Makatulog na nga lang. Magd-deliver pa ako bukas. :/

___ 

Thank you sa mga naglalagay ng The Rule Breaker sa Reading List nila. <3 

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon