Piper's POV
Nagpatuloy ang gantihan namin ng pranks ng walanjong manyakol na Shuttle na iyon.
Pero sa lahat ng pranks na ibinabato ko sa kanya, kay Pres lagi napupunta.
Kagaya na lang nung kinuha ko ang extang pantalon sa locker na ang pag-aakala ko ay kay Shuttle pero kay Pres pala. Tinanggal ko pa naman ang garter noon sa loob.
Kaya noong nagpalit si Pres sa cr ng Student Council, paglabas nya eh nalaglag yung slacks nya. Buti na lang kami lang ni Vincent Malboa ang nandoon.
Pero tinulungan ko naman si Pres na itaas ang pantalon nya at bigyan sya ng safety pin kaya good na kami.
Tapos naalala ko pa noong nanalo ang varsity ng KH na Laces ay inawardan sila. Kasama doon si Shuttle at Pres.
Si Jack naman panay ang parinig sa akin. Duh! Eh kung hindi pa nga sya na-Hospital at naglaro sya sa intrams eh baka ikatalo pa iyon ng Keds High.
Anyway, noong bibigyan ko sana ng last prank si Shuttle, kay Pres na naman napunta.
Nilagyan ko kasi ng bato ang isang paa ng upuan ni Shuttle. Eh biglang nagkapalit sila ng upuan, natumba tuloy si Pres.
At kitang-kita ko ang panlilisik ng mata nya habang naka-balintuwad siya doon. Nasa likod ko lang kasi sya.
Pero feeling ko naman napatawad na niya ako dahil tinulungan ko naman siyang tumayo.
At ngayon, cine-celebrate ko ang kapayapaan ko dahil umalis na ang asungot na si Shuttle.
Nakakapanghinayang din walang nanlilibre sa akin. Pero keri lang. Andyan lang naman ang Jollibee. 8-7000 lang iyon sa telepono e.
"Hoy."
Napadilat ako dahil may tumawag sa akin, "P-Pres?!"
"Bumaba ka nga sa punong iyan." Seryosong sabi nya.
Syempre dahil masunurin akong bata, hindi ako bumaba. Malay ko kung anong gawin sa akin ni Pres.
"Bakit muna Pres?" Tanong ko.
"Bumaba ka dyan. Pagbilang ko ng tatlo at wala ka pa sa baba, makikita mo hinahanap mo."
Nanlaki naman yung mata ko, "Pres, talaga?! Makikita mo yung hinahanap kong pake?!"
"Aba ako ba niloloko mo?!"
"Ay Pres, no. Wala akong iba Pres. Ikaw lang sapat na." Sabi ko sabay kindat.
Napatingin naman si Pres sa gilid at namula. Yuck! Si Pres may tigdas.
"B-bumaba ka dyan kung ayaw mong pabawasan ko kay GC ang special vacation mo." Sabi nya.
At dahil tatlong linggo nga lang ang bakasyon na iyon at ayokong mabawasan, dali-dali akong bumaba sa puno.
Muntik pa ngang makawit ang palda ko. Pahamak na sanga iyon. Baka makita pa ni Pres yung panty ko, main-love pa sya sa singit kong maputi.
"Bakit Pres?" Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa abandonadong classroom.
"Hoy, Pres! Anong balak mo? Wala ka namang alak pero bakit ka may balak?"
Hindi nya ako pinansin at sa halip ay isinandal niya ako sa pader.
Umaygad.
"P-Pres.."
Mygad! I hate drugs!
Eto na ata iyon. Magiging ganap na boldstar na ako.
Boldstar lvl 25
"Ikaw babae ka, halos isang linggo mo ako pinag-tripan." Sabi nya. Nanlaki ang mata ko.
My gash. Akala ko napatawad na nya iyon at nakalimutan.
"P-Pres, past is past! Forgive and forget. Love our Mother Earth. Eat well. Health is wealth." Sabi ko.
"Forgive and forget?" Tanong ni Pres.
"Ay nako Pres! Naturingan kang President ng ating Pambansang Paaralan natin di mo alam yung forgive and forget?"
"Ano ba kasi ang nais mong iparating?" Tanong nya.
"Forgive — patawarin ang isang taong nagkasala sa kanyang ginawa. Forget — kalimutan ang nangyari at magsimula ng bagong buhay ng masagana at mapayapa." Sabi ko kay Pres.
"Ah. Gets ko na." Sabi nya.
"Yey!" Sabi ko sabay palakpak.
"Parang ganito?"
Lumapit sya sa akin.
Syempre hindi ako makaurong kasi nga nakasandal na ako sa pader.
Palapit ng palapit.
At hindi ko inasahan ang sunod na ginawa ni Pres. Inututan nya ako.
Charot.
Kiniss nya ako sa lips. Smack lang. Baka isipin nyo laplapan to the max.
Binitawan nya ang ulo ko at nakatingin sya ng diretso sa mata ko, "Forgive and forget, Ayessa. I see." Nakangising sabi nya at iniwan ako mag-isa sa abandonadong classroom.
A-anong ibig nyang sabihin doon? Nag-echo naman sa akin ang pahayag ko tungkol sa forgive and forget.
Ano yun? Papatawarin ko sya sa pagnakaw nya ng halik at kakalimutan na nangyari iyon?
Ay nako. Very wrong.
"P-Pres, panagutan mo ako!"
To be continued...
*****
Try nyong panuorin yung Gekkan Shoujo Nozaki-kun! <3
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨