Piper's POV
"Uhh. Pres, gusto mong pumasok?" Tanong ko sa kanya.
Hinatid ako ni Pres sa bahay namin at inaaya ko syang pumasok ngayon. Kahit na wala naman syang gagawin sa loob. Alas siete na at manunuod pa ako ng TV Patrol.
"Saan?" Tanong ni Pres.
"Syempre Pres sa bahay namin. Alangan namang pumasok ka sa bahay na kapit-bahay." Sabi ko sabay irap.
Hays. Minsan hindi ko ma-gets kung paano naging presidente ng KH si Pres e.
Umirap si Pres sa kawalan, "Uhh. So ano, Pres? Papasok ka?" Tanong ko.
"Ehem." Napalingon ako nang nakita ko si Kuya sa likod ko.
"Kuya bakit di mo ako sinundo?" Reklamo ko kay Kuya.
Napatingin sya kay Pres.
"Uy, Pare! Musta?" Tanong ni Kuya kay Pres. Nag-apir naman sila.
"Okay lang. Ikaw?" - Pres
"Eto, chill-chill lang." Sagot ni Kuya.
Hindi ko maintindihan. Magkakilala pala si Kuya at si Pres? Tsaka bakit sila naging mag-kumpare?
Kinuha bang ninong ni Kuya si Pres? Hala. Eh wala pa namang anak si Kuya eh. Wala pa nga yang girlfriend.
Napasinghap ako.
HEY MAMA-MA, HEY MAMA-MA! Si Pres ang may anak?
Gosh! Bakit hindi pa ito kumakalat sa KH? Samantalang nung nasunog ko yung tarpaulin eh halos ibalita iyon sa Bandila.
"Pasok ka, Pare?" Sabi ni Kuya.
"Hindi na. Inihatid ko lang si Ayessa. Uuwi na ako." Sabi ni Pres.
"Ingat!" Sabi ni Kuya kaya tumango si Pres.
"Bye, Ayessa." Sabi ni Pres sa akin.
"B-bye, Pres."
Pinanuod namin sya ni Kuya na umalis tapos pumasok na kami ni Kuya sa loob.
"Kilala mo si Pres, Kuya?" Tanong ko.
"Pake mo?" Tanong nya ng nakataas anh kilay.
Nagtatanong lang ako eh. Pero grabe talaga. Hindi ko akalain na may anak na si Pres. Ang bata nya pa para maging ama.
Tsk, tsk. Angelito siguro ang pangalan ni Pres.
President Angelito Ang Batang Ama Jr.
Teka nga. Eh kung magkakilala pala si Pres at si Kuya, bakit hindi ko itanong kung Angelito nga ang pangalan nya?
"Kuya, kelan pa kayo naging magkumpare ni Angelito?" Tanong ko.
Syempre, dapat hindi ako mahalata ni Kuya na medyo interesado ako kay Pres.
Napakunot ang noo ni Kuya, "Matagal na."
"Ah." Sabi ko at tumango-tango, "Nakita mo na ba yung anak nya?" Tanong ko.
"Malamang, Piper! Inaanak ko yung anak ni Angelito." Sabi nya na kulang na lang eh umirap.
"Ah." Sabi ko at tumango ulit, "Eh may ka-live in ba si Angelito?" Tanong ko sa kanya.
Biglang naging nagtataka ang muka ni Kuya, "Teka nga, Piper. May gusto ka ba kay Angelito? Balak mo ba syang sulutin sa asawa nya at maging ina ng anak nya?" Tanong ni Kuya.
"Ay ay ay! Hahaha! Kuya ano ka ba! Syempre hindi." Sabi ko habang pilit na tumatawa at sinisiko sya.
"Curious lang ako tungkol sa kanya." Sabi ko.
"Siguraduhin mo lang, Piper. Kung hindi, isusumbong kita kay Mama."
"Asan ba sila?"
"Wala ka na dun." Sabi nya at umalis sa harap ko.
Pero hays. Si Pres Angelito, may anak na.
_____
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨