Twenty-five

246 8 0
                                    

Piper's POV

Naiwan ako dito sa abandonadong classroom. Naglalaro lang ako ng COC nang biglang umulan.

Napatingin ako sa relo ko. Oh my panda! Alas seis na pala!

At nakaka-ilang missed calls na din pala si Kuya na hindi ko naman napapansin dahil naka airplane mode ako.

Lalabas na sana ako ng classroom ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. At sa sobrang swerte ko, wala akong payong.

Tinawagan ko agad si Kuya.

"Hello, Kuya!"

["Di kita masusundo."] Sagot nya sabay end call.

Asfhdkabxiwm! Napakabait nga naman po ng pamilya ko.

Habang hinihintay kong tumila ang ulan, um-attack muna ako sa COC at nakakuha naman ako ng 3 stars, naglaro din ako ng pokemon, inayos ko yung bahay ko sa minecraft, naka-level up na ako sa candy crush, hindi pa din tumitila ang ulan.

Ito pa ang amazeballs doon, kada nilalabas ko ang paa ko, kumukulog o kikidlat ng malakas.

Kagaya ngayon.

Nilabas ko ang paa ko.

*tugs*

Pinasok ko iyon at nawala ang kidlat.

Nilabas ko ulit ang paa ko.

*tugs!*

Pinasok ko ulit at ganoon ang nangyari.

Hahaha. Di ko mapigilang matawa.

Ilang beses ko pang ginawa iyon hanggang sa dumating na si Pres na may dalang payong.

Seryoso syang naglalakad, habang ako, pinaglalaruan ko ang kulog at kidlat.

"Pres! Pres! Tingnan mo, pinaglalaruan ko yung kidlat!" Proud na sabi ko sa kanya.

Napakunot sya ng noo ko, "Ano?"

"Pinaglalaruan ko kako ang kidlat!" Sigaw ko, "Tingnan mo, lalabas ako—ahdhsbs."

Natikom ko bigla ang bibig ko. Nanlaki ang mata ko dahil seryoso talaga si Pres na nakatitig sa akin. Napalunok ako.

Dahil kasi sa angkin kong IQ, namali ako ng tapak kaya muntik na akong masubsob sa basang semento na puro maliliit na palaka.

Buti na lang nasapo ako ni Pres.

Yiii.

Turn on: Lalaking magaling sumapo pag na-fall ka.

Adgekbeaosnsk! Ano ba naman iyon?

"Hahaha." Tawa ko sabay layo kay Pres. Hindi ko na inintindi kung nababasa ako ng ulan. Basta makalayo lang ako kay Pres. Ang fogi este muka syang fungi.

"Ano ulit ang sabi mo, Ayessa?"

Halos mag-init ang buong katawan ko nang sinabi nya ang pangalan ko. Ayokong tawagin akong Ayessa pero...

Pero bakit kapag kay Pres, okay lang?!

"Ano. Pi..." Hindi ko mahanap ang tamang salita. PINAGLALARUAN KO ANG KIDLAT! Ganun lang kasimple eh, bakit hindi ko pa masabi?

"Pi...?" Tanong ni Pres. Humakbang sya palapit sa akin tapos sinakluban nya ako ng payong nya.

"Pi... Pi... P-pi..." Sabi ko habang tumitingin kung saan-saan. Umaasa ako na baka may makuha akong quotes na nakasabit sa dingding.

"Pi?" Tanong ulit ni Pres sa akin. Bigla nyang hinawakan ang baba ko para mapatingin ako sa kanya, "Ano, Ayessa? Pi...?"

"Pi! Pi-pi-ru-pi-ru-pi-pi-pi-ru-pi-pi!" Kanta ko sa theme song ng Dokoru-chan.

"Wahehehehihihoho." Tapos tumawa ako ng awkward.

Grabe. Nakaka-speechless pala si Pres.

***

"Sige, Pres. Wag mo na akong payungan." Sabi ko. Hinawakan ko ang kamay nya at inusog sa kanya ang payong.

Tinapat nya ulit sa akin ang payong at nagsukob kaming dalawa.

"Pres, okay lang ako." Sabi ko kaya hinawakan ko ulit yung kamay nya para iusog ang payong papunta sa kanya.

Naglalakad kami ngayon palabas ng Keds High. Iniwan ko na ang bag ko dahil wala naman iyong laman kundi 100% oxygen.

Binalik nya ulit yung kamay nya at nagsukob ulit kami.

"Pres, I'm fine—"

"PWEDE BA AYESSA ITIGIL MO YANG KAKAUSOG SA KAMAY KO?!" Sigaw ni Pres.

"Pero Pres, okay lang talaga ako!" Sabi ko at hinawakan ko ulit yung kamay nya para maialis yung payong na nakasukob sa aming dalawa.

"TUMAHIMIK KA NA LANG! ANG DALDAL-DALDAL MO!" Sigaw nya at sinukob ulit ako sa payong.

"Sus, Pres. Ikaw nga itong sigaw ng sigaw kanina pa eh—"

"May sinasabi ka?" Inis na tanong nya sa akin. Napatingin na naman ako sa kilay nya na halos mag-fusion doon.

"Wala, Pres. Nagra-rap po ako. Pinaanghang na labuyo, mula sa lucky me! Ay labuyo!" Sigaw ko.

Binaling nya ulit yung tingin nya sa harap, "Tss. If I know, gusto mo lang hawakan ang kamay ko eh." Sabi nya sabay ngisi.

Nanlaki ang mata ko.

"Hoy, Pres hindi ah!"

Bigla syang huminto kaya napahinto din ako. Humarap sya sa akin at nilapit nya ang kanyang muka, "Sabihin mo lang Ayessa... Gusto ko din naman eh."

At sa sinabi nyang iyon, bigla akong napanganga.
_____

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon