Multimedia: Ferris and Vincent!
Ferris' POV
Pauwi na ako ngayon kasama ang pinakamahahal ko sa buong mundo. Alam mo yung napapasabi ako ng line na, 'I can't live a day without her'. Corny pero wala akong magagawa. Mahal ko si Kari e.
"Hoy, Zedler! Umiiral na naman 'yang pagiging abnoy mo!" Sigaw ni Vincent Malboa, Vice President ng Student Council, sabay hampas kay Kari.
"Ano ba! Pag ito nagasgasan, papalitan mo 'to." Sabi ko sa kanya sabay lisik ng mata.
Ni halos sambahin ko nga si Kari tapos gaganyanin nya lang. Gaganyanin nya na lang ba ang Red Porsche na pinakamamahal ko?
"Ewan ko sayo." Sabi nya sabay alis kasama ang bulok nyang sasakyan. Walang kasing ganda si Kari.
-*-
Habang nagmamaneho ako, may tumawag sa cellphone ko. Kukunin ko na sana sa bulsa ko pero nalaglag sa sahig ng kotse kaya kinapa ko pa sa ilalim.
Aish. Nasan na ba yun? *kapa* *kapa*
"Yun! Nakuha ko rin. Pasaway na cellphone to oh." nakuha ko na yung phone ko at binuksan ko. Missed call na lang ang nakita ko at ang number ni Mrs. Dimagiba---Guidance Counselor.
Pero parang may nahagip yung mata ko na tumalsik kanina e. Hmmm. Pusa lang siguro.
Piper's POV
Hilong-hilo akong bumangon. Ang dilim. Nasan ba ko?
.
.
.
Crap! Baka kaya naki-one night stand na ko sa isang sikat na artista at mascandal kami dahil isa akong non-celebrity person. Tapos sisikat ako nang dahil dun at magiging isang boldstar.
Tapos kakalat yung video namin sa Youtube tapos magkakaroon ako ng poster na binebenta sa tapat ng school namin na may nakalagay na 'Piper the Boldstar'. WAAAH! Ano ba yan!
"Gising na sya!" Sabi ng isa.
"Nakita ko Macaroni!"
"Manahimik ka nga Pepsi!"
"Uhh. Hi?" Alanganin kong sabi. Una sa lahat, nasan ba ako? Ikalawa sa lahat, sino ba itong tatlong ito?
"Hello! Ako si Roni at itong kasama ko ay si Pepsi Cola. Tapos yung isang tulog ay si Sponge Cake." Sabi ng babae na blonde at curly yung buhok.
"Madaya ka! Sya si Macaroni Salad at pwede mo kong tawaging Pep, short for Pepsi." Sabi ng babae na dark brown yung buhok.
"O-okay? Ako si-" di pa man ako tapos ay bigla na lang nagsalita si Roni.
"Ikaw si Ayessa Piper Del Rama, ang sikat na girl prankster at rule breaker ng mga napasukan mong school. Ngayon naman ay naghahasik ng lagim sa Keds High!" Sabi ni Roni.
Tsk. Tingnan nyo nga, sikat na talaga ako. I'm the man!
"Wait nga lang. Nasan ba ako?" Tanong ko. Para naman kasing ambaho ng location namin ngayon.
"Amnesia-amnesia-han lang ang peg? Kasali ka sa 5SOS Music Video, teh?" Sarcastic na tanong ni Pep. Ha? Anong 5sos?
"Duh, Piper. Nasa tambakan ka ng basurahan ngayon at sarap na sarap na nakaupo." Sabi ni Roni.
Ibig sabihin dun ako bumangga? Eew! Kadiri putek! Sinusumpa ko talaga yung may-ari ng pangit na sasakyan na yun. Sana magka-pigsa sya sa pwet ng bonggang-bonga.
Tinulungan akong tumayo nina Roni at Pep, "Tara na. Hatid ka na namin."
Napatingin naman ako sa Sponge na yun. As in titig na titig ako sa kanya kasi kanina pa sya nakapikit.
"Sponge na lang." Napanganga at nagulat ako nang magsalita si Sponge sa harap ko. Taray ng talent nya. Pang-Guinness.
Pero mas nagulat ako nang ibinuka ni Sponge yung mata nya ng kaunti. Hindi ko alam kung guni-guni o imagination o kathang-isip ko lang yun pero...
Color red yung mata nya. Weird.
To be continued...
*****
Thank you natsulucy101 sa boldstar part. HAHA. <3
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨