Piper's POV
Eighth Day na ng bakasyon ko.
Nandito kami ni Pres sa Park. At simula nang nagkita kami ay hindi pa kami nag-uusap.
Hindi nga sya na-beastmode nang na-late ako. Tahimik lang sya habang nakapangalumbaba.
Ginaya ko si Pres at tumingin na lang sa mga tao sa paligid.
"So, what's this?" Muntik na akong mapatalon nang biglang nagsalita si Pres.
Napatingin naman ako sa cellphone nya at nakita ko ang Underground Website ng KH.
Nanlaki naman ang mata ko.
"P-Pres!"
"Gusto mo ba si Tofi?" Tanong nya.
Sandali akong napatahimik. Pag-tripan ko kaya si Pres? Sabihin ko kayang gusto ko si Tofi? Wahahaha.
"Bakit Pres?"
"Sagutin mo na lang. Gusto mo ba si Tofi... Kesa... Sa... Aki—basta. Gusto mo ba sya?" Tanong ni Pres.
Puno ng pag-asa ang mata nya. Nakatingin lang sya sa akin habang hinihintay ang sagot ko na posibleng makadurog sa kanya.
Tsk. Ganda ko kasi eh. ;)
"Oo, Pres. Gusto ko sya." Sagot ko.
Nagulat ako sa ginawa ni Pres. Nilagay nya ang kamay nya sa likod ng ulo ko, nilapit nya ako sa kanya, at biglang hinalikan.
"Ano, gusto mo pa rin ba sya?" Tanong ni Pres matapos nyang putulin ang kiss namin.
Kapag ba sinabi kong 'oo' eh hahalikan nya pa din ako? Hahaharot.
"Hindi na." Sagot ko.
Napangiti naman sya.
"Hindi ko naman talaga sya gusto, Pres eh! WAAAAAAH! Susumbong kita kay Red at Blue!" Sabi ko na kunwaring umiiyak.
Nagulat naman sya sa reaksyon ko. Bigla nyang hinagod ang likod ko, "Bakit ka umiiyak?" Malambot nyang tanong.
"WAAAAAH! HINALIKAN MO AKO EH! HINDI NAMAN AKO PREPARED! Isusumbong din kita kay Hotdog! WAAAAAH!"
"Ayessa, stop. You're getting everyone's attention." Sabi ni Pres.
"BASTA ISUSUMBONG KITA! NANGHAHALIK KA DYAN! HMP."
Nagbulong-bulongan naman ang mga tao at naging rapist si Pres sa araw na iyon.
Nakakainis kasi! Wala man lang round 2! Charot!
_____
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨