Thirty-seven

219 7 0
                                    

Piper's POV


"Ah! Ah! Achoo!" Bumahing ako nang pagkalakas-lakas. Magnitude 9 ata iyon at dadaigin pa ang The Big One. 

"Piper, aren't you going to get up? Aalis na kami ni Kuya." Reklamo ni Blue.  

"Achoo!" lang ang tanging naisagot ko sa nakabusangot nyang mukha. Kumaripas sya ng takbo at muntik pang umiyak dahil binahingan ko raw yung muka nya. 

"Piper! Aalis na kami, natutulog ka pa rin!" Sabi ni Red at hinampas ako sa ilalim ng kumot ko.

"Ah! Ah----. Aaah." Pikon na pikon ako dahil sa sipon ko na ayaw lumabas. Di yata alam ng sipon ko na naniniwala akong kailangan nating i-let go ang mga bagay, "Sabihin mo kay Kuya may sakit ako." 

"De ikaw. Chix ka ba?" Tanong ni Red at umalis na. Sarap nya paliguan ng sipon!

Matapos ang ilang pagtatangka para bumahing at ilabas ang virus na ang dahilan ay ang pagse-senti ko sa park kahapon ay nakatulog ako. 

"Ayessa, gising na. Observation day na ngayon." 

"Hmmmmmmmm." Tumalikod ako ng pwesto.

"Ayessa! Gising na! Male-late tayo! Wala ka namang sakit eh, come on!"

"May sakit ako..." Sabi ko, "Mamatay na ako... ipasa mo 'to sa facebook."

"Tumayo ka na at ililibre kita sa Jollibee mamaya." 

JOLLIBEE? MAY NAGSABI BA NG SALITANG JOLLIBEE? As in yung bubuyog na pula na may dilaw na guhit? 

Fries... chickenjoy... peach mango sundae... for you, I shall rise! 

-*-

"Wala ka namang dapat gawin kundi ang mga inaral natin. Remember the rules? Iyon lang. Act classy. Kunwari tao ka. Hindi mo makikita ang observers, hindi mo sila mahahalata. Pero kunwari may mags-spy sayo at... AYESSA DEL RAMA, MAKINIG KA!" Nagising ang diwa ko sa sigaw ni Pres. Para akong nag Ice Bucket Challenge sa sobrang pagkagising.

"I was discussing about rules, Ayessa." Paliwanag nya. 

"Alam ko na lahat iyon, Pres! Unang rule, bawal lumapit sayo matapos ang lesson. Pangalawa--choo!" Napatigil kami sa paglakad sa entrance ng Keds High dahil kay Pres ako nabahing. Napakunot ang noo nya na halatang nagtitimpi.

"Sawrry, okay? Sawrry." 


"Piper, picnic kaya tayo?" Tanong ni Vincent. Napatingin ako sa hawak kong pagkain. May dala akong kitkat, creme brulee, pepero, yum yum, tapos yakult. May hawak naman si Vincent ng isang tinapay tapos tig sa-sais pa. 

"Ayoko nga. Lugi ako." Sagot ko at umupo. Inayos ko ang likod ko dahil nung nahukos ako ay pinandilatan ako ni Pres. Natawa ako sa hitsura nya, kasabay pa noon ang pagtulo ng sipon ko kaya nagtakip agad ako ng muka.

Ngayon ang Observation Day. Hindi sa akin pwede lumapit si Pres dahil sya ang nagturo sa akin ng Pres' Good Manners and Right Conduct. Kapag naipasa ko ang araw na ito, ililibre nya ako sa Jollibee. Tsaka pwede ring tumaas an ranking ng Keds High. Magiging hero na ako at hindi boldstar. 

Nang mag break ay napansin kong sinipa ni Pres ang basurahan. At dahil clean your tables lang naman, pinapapaypayan ko lang ang kalat ko sa lamesa at hinahayaan ito sa sahig. Kinuha ko ang yakult ko at tinapon sa basurahan kaso biglang nagkalaglag ang pepero ko. 

ANAK NG POCKEY! Halos lumabas ang luha at sipon ko habang pinagmamasdan kong gumulong ang pepero ko. T___T

Pinulot ko ito at nagtakip ako ng blouse sa sobrang sakit ng nasaksihan ko. Kasama rin namin sa sinabi ni Pres na takpan ko raw ang dibdib ko kapag may pupulutin ako. Kahit daw wala namang makikita at muka naman daw akong kisame. LOLO NYA! Mas malaki pa nga kay Pia Wurtzbach to. De joke, cup C lang ako. Cup G na ata si Pia eh.

Uwian na. Napalunok ako. Pati yung sipon ko napaurong sa pagtulo. Naglalakad sa akin si Pres. Ang cute... ng paruparo. Grabe. Naka-isang toneladang sipon ata ang nasinghot ko kung nacu-cutean ako kay Pres. 

"Congratulations, Ayessa." Nakangiting sabi ni Pres. Ito ata ang unang beses na nginitian niya ako. Lagi syang beastmode eh, tapos ngayon beast na lang sya. <3 

"Bakit, Pres?" Tanong ko. Pero hindi nya ako sinagot dahil niyakap nya ako. As in hindi ako makahinga, parang makakalas na rin yung bra ko kahit kaka-order lang nun ni Kuya sa Avon.

"We did it."

Nanlaki ang mata ko. We did it? 

"Ibig sabihin Pres... may Jollibee ako?" Ngumisi sa akin si Pres. Okay, sige na. Ang cute nya na. 

To be continued...

*****

Bakasyon engrande ko na. Inggit si Piper. HAHAHAHAHA. 

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon