Piper's POV
Kanina pa ako umiismid. Ano ba ang role ko rito? Nakakailang irap na rin ako. Sa buong buhay ko ngayon lang ako napikon.
"Ferris, sa palagay ko delikado yung hiking natin. Bangin yun diba? Paano kung maraming sasama? Hindi natin masisiguro ang safety ng bawat isa. Lalo na't baka sumama si Top Wanted." Sabi ng Secretary ng Student Council na kanina pa dumadada at tumingin sa akin.
"Ano sa palagay mo, Ayessa?" Tanong ni Ferris at initsa ang nagawang draft ni Vincent na brochure.
Napatingin ako sa bangin na sinasabi ni kabayo, este ni Secretary, "Maganda 'tong bangin ha. Parang ang sarap ilaglag ng isa dyan." Sabi ko at tumingin kay Secretary. Nanlaki ang mata nito at halos mamuti na yung buong mata nya.
"See! I told you!" Nangigigil na bulong nito kay Pres.
"Wala namang gagawin si Ayessa na hahantong sa kamatayan ng isang tao. You're over reacting." Sabi ni Pres.
Hu u ka ngayon kabayo dahil pinagtatanggol ako ni Pres! Umirap si Sec. Horse sa akin. Lagot talaga sa akin ang isang ito.
-*-
"Ano na lagay nyo?" Tanong ni Pep sa akin. Break ngayon kaya nagkasama-sama kami.
"Nino?" Tanong ko habang umiinom ng milkshake.
"Ni Pres. Duh!" Sabi nito.
"Sus! Na-iimbyerna nga ako sa isang iyon. Hinatid nya kasi ako kahapon sa bahay—"
"KYAAAAH! Kayo na?" Atat na tanong ni Roni kaya binatukan sya ni Pep, "Epal ka rin eh. Hinatid pa nga lang, diba?" Inirapan sya ni Pep matapos ay bumaling ito sa akin, "So kayo na?" Tanong ni Pep kaya binatukan sya ni Roni.
"Hindi pa. Nakakainis nga dahil hindi man lang ako pinagbubuksan ng pinto ng isang iyon! Ano raw ba hinihintay ko, camping?" Bwisit na bwisit na kwento ko.
"Typical GF ka pala, Piper." Sabi ni Sponge sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya. Nakakamangha talaga ang isang ito. Nakapikit sya magsalita eh. World class! "Anong typical na gf?"
"Typical GF, parang si Roni. Gusto pinagbubuksan ng pinto, kapag niligawan dapat bulaklak at chocolates ang ibibigay." Sabi ni Sponge.
"Kayo na ba?" Sabay na tanong namin ni Pep.
"HINDI!" Sabi ni Roni.
"Para ka namang hindi bestie, Roni eh!" Sabi ko.
"Hindi nga kami." Namumulang sabi ni Roni.
Nagkakatuwaan kami sa SpoNi love team nang may dumakot ng ulo ko. Puro hangin na nga lang ang laman, pinipiga pa!
"Student Council Room." Sabi ni Pres at umalis.
"Wait lang guys, habulin ko lang ang isang iyon." Sabi ko at tumakbo na papunta kay Pres.
"PRES! HINTAY! WAIT! MATTE!" Sabi ko habang tumatakbo. Tapos na ang Observation Day. Baka naman tanungin ulit nila ang opinyon ko sa camping? Baka naman irapan na naman ako ni Sec. Horse eh ifi-fishball ko ang mata nya.
"Call me by my name!"
"... um..."
Tinaasan ako ni Pres ng kilay.
"W-wait, Ferris."
"Good. You can go." Sabi nito.
"Ha?"
"Pwede ka nang umalis. Evaporate. Disappear now. Shoo. Shupi."
"Ha? Eh akala ko ba sa SCR tayo pupunta?"
"Hindi. At wag ka nga didikit kay Cola. Hindi kayo bagay." Sabi nya at naglakad na.
Cola? Kay Sponge?
"Eh kanino ako bagay?" Bulong ko. Hindi naman ako umaasa na maririnig ni Pres. Kasi ang layo na nya. Ang layo nyang abutin.
"Sa akin, Piper."
_____
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨