Nineteen

293 12 0
                                    

Piper's POV

Dahan-dahan akong naglalakad sa Keds High. Kinakabahan ako. Baka kasi mamaya makita ko si Pres.

  

Napaka-weird kasi ng inaarte ni Pres. Para syang alien na kababa lang galing sa himpapawid.


Tinaas ko ang hawak kong dyaryo.


*puk*


"Iniiwasan mo ba ko?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon.


"Ha-ha. Pres, funny ka talaga! Bakit naman kita iiwasan?" Kinakabahan kong tanong.


"Bakit kasi hindi ka na pumupunta sa SC Room?"


"Hahaha. Eh kasi Pres, diba nga tino-tour ko si Shuttle."


"Hay. Si Shuttle na naman." Malungkot na sabi nya.


Grabe Pres. Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ka nagkakaganyan?


"Pres, may lumilipad na palaka!" Turo ko.


"What?!" Lumingon bigla si Pres at boom. Sapul sya ng palaka sa muka.


Bigla namang tumakbo si Shuttle sa gawi namin. Kainis! Nakakapikon na talaga tong isang 'to.


Makaganti lang talaga ako dito eh, ready na akong magvolunteer laban sa China.


"Oops. Sorry, I didn't mean to do that."

"It's okay," Tinanggal ni Pres yung palaka sabay hampas sa muka ni Shuttle, "Oops. I also didn't mean that. Bye, Piper. See you later." Sabi nito.


Waaah. Ang kewl ni Pres. <3

Teka bakit may puso? >_<


"Behlat!" Sabi ko kay Shuttle sabay dila. Buti nga sa kanya. Bakat yung palaka sa muka nya eh. Hahaha.

-*-


"Shuttle, bili mo pa ako nun."


"Hoy takaw mo naman. Baka magtae ka nyan." Sabi nya.


"Hindi yan! Dali na, daming reklamo neto eh."


"Ikaw napapansin ko bumabait ka lang sa akin kapag nagpapalibre ka eh." Sabi nya.


"Ganun talaga kasi maganda ako."


Nakakunot syang umalis at binili na nya ako ng shake kahit na andami kong hawak na kung ano-anong snacks.


"Ano ba yan? Wala na akong pera oh!" Sabi nya sabay pakita sa akin ng wallet nya na ni bente walang laman.


Wahahaha. Umaayon sa plano.


"Tara, dun tayo sa Secret Hideout ko." Sabi ko sabay hila sa kanya.


Prank number 1 loading...


Nang makarating kami sa Secret Hideout ko, pinakita ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako nag-cutting sa tatlong subjects ko at kung bakit ako nangurakot kanina sa classroom.


"Wooow. Puno na nagbubunga ng pera." Manghang-manghang sabi nya.


Ready to release...


"Wow, Piper! Pano mo natuklasan to? Ano to?" Amazed nyang tanong.


"Nagtanim lang ako ng ampao ng tig-10 sa Ukay. Damihan mo kuha tapos libre mo ko ha." Sabi ko sabay ngiti ng matamis sa kanya kahit na kanina ko pa sya gustong balatan gamit nail cutter.


"Sige, sige!"


In 3...


"Kita na lang tayo sa may Café ha!" Sabi ko sa kanya sabay alis doon sa Secret Hideout ko.


2...


Nagmadali akong maglakad.


1... 0...


"YUCK PUCHA PIPER AMBAHO! *BLEEP* YUCCCCK! *CONTENT MAY NOT BE ALLOWED TO YOUNG READERS* BWISIT KA PIPER!"


Napatawa na lang ako. Lahat kasi ng ginamit kong lupa doon ay ang freshly poop ng mga aso.


Dinikit ko lahat ng perang papel na nakurakot ko sa mga poopoo at dahil natimawa si Shuttle sa pera eh kinuha nya yun.


Buti nga sa kanya.


Para kay Pres <3


Teka. Bakit may puso ulit? :3


_____

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon