Piper's POV
Sa nagdaang ilang linggo ay wala akong ginawa kung hindi mag panggap na nakikinig ako sa teachers namin. Sa college na ako makikinig dahil iyon lang naman ang kailangan ko para mabuhay.
Nang lumabas ako ng classroom ay nakatingin ang ibang estudyante sa akin at saka sila nagbubulungan. Kanina pa silag umaga na ganyan.
Hays. Hirap talaga ng maganda. Buti hindi nyo nararanasan.
Dumiretso ako sa SCR ayon na rin sa utos ng mahal na hari. Pagkarating ko roon ay binati ako ni Vincent, "Congrats, Piper."
"May ano ba?" Tanong ko pero hindi na nya ako pinansin. Naka-focus lang siya sa computer. Hinanap ng mata ko si Pres.
Kita mo 'yun, pinapapunta ako sya naman pala itong wala.
Umupo ako sa long table na lagi naming inuupuan. Iirap-irap si Sec. Horse sa akin. Hindi pa ba nya ako napapatawad? Tatlong linggo na ang nakararaan simula noong nag-prank ako sa kanya.
Tatlong linggo... Tatlong linggo...
Nanlaki ang mata ako at agad na tumakbo palabas. Sabi nga pala ni Pres ay wag ko raw kalimutan na magbasa sa bulletin board kapag ikatlong linggo na.
Tumingin ako sa bulletin board. Schedule of midterms... sem-break? Ha? Mga dati pa ito eh! Naalala ko na naman tuloy ang panloloko sa akin ni GC dahil sa sem-break na iyon! Iginala ko pa ang mata ko at may napansin akong may kakaibang papel sa gitna. Gradient ito ng light yellow to light green.
University Ranking Authority of the Philippines
List of top 10 universities based on manners and regulations:
1. PAC University
2. Sugar High School
3. Keds HighNanlaki ang mata ko. Teka. Sa pagkakaalala ko rank 7 ang Keds High at ngayon ay rank 3 na sya dahil sa magandang si ako!
Tinanggal ko ang result na iyon at napatingin sa taas ng bulletin board: Bawal punitin o tanggalin ang anumang naka-post. Salamat :)
Wala na akong care kasi nataggal ko na. Nagtatakbo ako papunta sa Guidance Office, "GC!" Sigaw ko.
Sa sobrang gulat ni GC ay naiangat nya ang blade nya dahil nag-aahit pala sya ng kilay. Napanganga si GC dahil kalahati na lang ang natirang kilay nya. Napatingin sya sa akin, "PIPER DEL RAMAAAAA!"
"Hala! Sorry, GC! Sooorry!" Sabi ko at nagtatakbo palabas dahil parang bubuga na ng apoy si GC.
"Aray!" Sabi ko nang halos tumalbog ako dahil nagkabungguan kami ni Tofi.
"Bakit ka ba nagmamadali? Ano na namang nagawa mo?" Tanong nya.
"Nakapisa ako ng egg." Sabi ko habang nililingon kung naging Angry Grandma na ba si GC.
"Ha? Anong egg?" Tanong nya.
"Egg mo." Sabi ko at cinrack ang egg nya, "ARAY KO PIPER! #!@*!"
Tumakbo na ulit ako. Hmp. Para 'yan sa pagsasabi nya na napapatibok nya daw ang puso ko, ayan patitibukin ko 'yang junjun nya.
-*-
"Ayessa, umiiyak si GC. Anong nangyari?" Tanong ni Pres sa akin. Nasa SCR kami ngayon at tuloy na ang field trip namin dahil tumaas ang rank ng school.
"Hindi ko alam, Pres..."
"Kinausap ko sya kanina para sa field trip pero nakatalikod nya akong kinausap at umiiyak sya. She's muttering your name." Sabi nito.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko naman kasalanan na nangalahati ang kilay ni GC dahil sya naman ang may hawak ng blade, "Reregaluhan ko na lang sya ng eyebrow pencil. O-order si Kuya sa Avon mamaya." Sabi ko.
Nakatingin si Pres sa akin nang nagtataka, "Wait... Don't tell me na inahit mo ang kilay nya?"
"Ha? Hindi, Pres! Sya nay hawak ng blade, hindi naman ako."
"Pres? Call me Ferris, Ayessa..." Malambing na sabi ni Pres. Pfft! Eh paano ba naman kasi nala-laughtrip pa rin ako sa pangalan nya.
"O-okay."
"Sabihin mo muna."
"F-Ferris..."
Ngumiti siya sa akin, "Good. May gagawin ka ba? Bukas ay meeting sa AVR. Um-attend ka, no pranks ha." Tumango ako sa sinabi ni Pres.
Umalis ako ng SCR at pumunta sa cafeteria. Saktong nandun din sina Roni, Pep, at Sponge kaya nilapitan ko sila.
"Mustasa kalabasa, Piper?" Tanong ni Pep.
"Liligawan ko si Pres." Sabi ko.
"Whaaaaaaat?" Nakanganga silang tatlo at nanlalaki ang mata (pwera kay Sponge kasi nakapikit sya).
"Liligawan ko si Pres. Sa AVR, may meeting para sa field trip, baka roon." Sabi ko.
"21st century girl. I like it..." Tinitigan ni Roni si Sponge ng masama, "I like you."
"Ano bang meron sa inyo?" Tanong ko pero umiling lang sila. Napakadaya. Ayaw nilang sabihin.
Napatingin ako kay Pres na palabas ng SCR. Sa field trip, mapapasagot ko 'yan.
Pep's POV
Tinawag ni Roni si Piper. Napatingin naman ito sa kanya at kay Sponge. Dumilat si Sponge para makita ang future ni Piper. Mahilig kasi kami sa spoiler. At hindi na rin ako makapaghintay na malaman kung anog mangyayari kay Ferris at Piper.
Umiling si Sponge at pumikit. Nagpaalam kami na papasok na pero dumiretso kami sa secret tambayan ni Piper.
"Ano? Sila ba?" Tanong ko kay Sponge.
"Wala akong nakita na kasama si Ferris. Ang nakikita ko lang ay si Piper na umiiyak... pero tayo ang kasama nya. Nakasakay din tayo sa isang van." Sagot ni Sponge.
"Ha? Ibig sabihin... you can't see love?" Tanong ni Roni.
"I can... It's beautiful." Tinitigan ni Sponge sa Roni at nginitian.
"Ano? Thirdwheel ako? Kagigil kayo. Wala naman palang kwenta ang powers mo!" Inis na sabi ko.
Tinitigan ako ni Sponge. Nakaramdam ako ng lamig sa titig nya. Para nyang hinihigop ang lahat ng hangin sa katawan ko. Hinahabol ko ang hininga ko nang pumikit sya, "Mag-ingat ka pag-uwi mo."
"Teka, Sponge! Anong nakita mo?!"
Shit. Lagot na 'ko neto.
_____
Gusto ko lang naman maging flower, bakit ba kasi nag STEM pa ako. :---( good luck sa pagiging senior nyo, guys!
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨