Piper's POV
Dumiretso ako sa Trickzter, ito yung shop na binibilhan ko ng prank kit ko. Humanda ka talaga sa akin Sec. Horse ka.
Dumiretso ako sa Animal Alley — nandito nakalagay lahat ng fake animals na pinang t-trip ko.
Patay ka sa akin, Hayley. May kabayo ba rito? Ipakikilala na kita sa kapatid mo. Patay ka—
"Piper! No time long see!"
Napalingon ako at pinanlisikan ng mata ang tumawag na iyon. Si Bort pala, yung may-ari ng shop.
Napataas sya ng kamay, "Woah! Pangit natin ngayon ah!" Sabi nito habang palapit sa akin.
"Ikaw lang. Wag mo akong idamay." Masungit na sabi ko habang hinahanap yung matabang centipede na gumagalaw sa tubig.
"Funny ever as ka talaga!" Sabi nito at tinapik ang likod ko pero nasipa ko sya dahil kinuryente nya ako.
"Ano 'yun? Gusto mo sunugin ko 'tong shop mo?!" Inis na sabi ko.
"Chillax. Bilhin mo na 'tong 'Electrovibrator'. Fifty percent discount para sayo."
-*-
Naglalakad ako papasok sa Keds High. Didiretso ako sa SCR. Nakasuot na parang singsing ang Electrovibrator ko. Wahahahaha.
♪'Cause you walked out and left me stranded
Nothing left but picture frames
And I just keep on asking myself ♪
Prank #1 loading...
Pagkapasok ko sa SCR ay hinanap ko si Sec. Horse. Nakadukdok ito sa desk niya. Wahahaha.
Ready to release in 3...
Dahan-dahan ko syang nilapitan.
2... 1...
Dinikit ko ang kamay ko sa balikat nya. Nanginig bigla si Sec. Horse dahil sa dumaloy na kuryente sa kanya. Bwahahahaha!
♪ How'd we drift so far away from where we left off yesterday?
I'm lonely like a castaway ♪
"Ouchie-aww!" Mala kabayong sabi nya at nahila nya ang headset ko.
♪ Heartbreak that I can't — ♪
"What's your problem ba?!" Inis na tanong nya.
Tinaasan ko sya ng kilay, "Ha?"
"Bakit nangunguryente ka?" Galit na tanong nya.
"Ako? Nangunguryente? Anong akala mo sa akin, si Volta?" Nakangising tanong ko.
"Hmp. Ikaw lang naman ang nasa likod ko kaya wag ka na mag maang-maangan!"
"Malamang nasa likod ako. Wala namang pinto sa harap. Ayos ka lang?" Tanong ko at dumiretso sa upuan ni Ferris.
"Makakarating 'to kay Ferris!" Sigaw nya sabay alis.
"Vincent, anong laging iniinom ni Sec. Horse — este ni Ponytail — I mean ni Hayley?" Tanong ko.
"Sumandal muna sya ng maayos sa upuan nya at nag-inat, "'Yung chocolate something 'yun e." Sabi nya.
Napangisi ako. Pumunta ako sa ref ng SCR at nakita ko na may Vitamilk doon na chocolate.
Kumuha ako ng mug at naghalungkat ng glue gun sa drawer ni Pres. Ginlue gun ko 'yung centipede na nabili ko kahapon sa loob ng mug.
Nang natuyo ay nilagyan ko na ng Vitamilk at itinago sa ref ang mug. Humanda ka talaga, Sec. Horse. Pagbabayaran mo lahat-lahat. WAHAHAHAHAHA.
Pumasok muna ako sa isang subject dahil baka mareklamo ako at ma-guidance, hindi ko masaksihan ang paghihiganti ko kay Sec. Horse.
Nang break na ay nakita ko si Shuttle na nanlalandi ng sophomore kaya nagpalibre ako sa kanya. Pagkatapos nya akong ilibre ay kinuryente ko sya at tumakbo ako pabalik ng SCR.
AT NADATNAN KO NA INIINOM NI PRES ANG PRANK KO KAY SEC. HORSE!
"Pres, wag!" Wala na akong nagawa dahil nang makita nya ang pekeng insekto ay nanlaki ang mata nya at nailaglag nya ang mug at nabasag ito.
"What the *bleep*! Bakit may *bleep* na insekto sa *toot* na mug! Sinong *bleeep* na gumawa nito?!"
Napalunok ako. Hala, hindi ako!!!
Tinapakan nya ang pekeng insekto na gumagalaw ang kamay dahil sa kaunting tubig. Kung hindi ko iyon ginlue gun ay baka napunta na iyon kay Pres dahil papunta sa kanya ang agos ng tubig. O kaya NALUNOK na nya ang pekeng centipede.
Dahil patuloy si Pres sa pagtapak ay nadulas sya sa pekeng centipede kaya napa-split si Pres sa sahig.
Tinakpan ko ang bunganga ko para mapigilan nag tawa ko pero inalis ko rin agad dahil nakuryente ako.
Agad kong pinulot ang mga basag-basag na piraso ng mug matapos tumayo si Pres. Iniiwasan ko ang titig nya. Hala, si Vincent may gawa nun e. >3<
"Ayessa—" sabi ni Pres at sinubukan akong tulungan magpulot ng mug.
"Pres, ako na!" Nagpa-panic na sabi ko at tinabig ko ang kamay nya.
"A-ahh! Ano 'yun?" Nagtatakang sabi nya habang hinihimas ang kamay nang nakuryente ko sya.
Waaah! Ang malas naman!!! Yung love life ko mukang palubog na. :---(
Nagdaan ang ilang araw at ang landas mo'y naligaw este nagdaan ang ilang araw at puro kamalasan ang inaabot ko.
Lahat ng pranks ko kay Sec. Horse ay napupunta kay Pres. At halos buong subjects na pinasukan ko ay nasa detention lang ako.
"Ayessa, tama na!" Inis na sigaw ni Pres.
Gutay-gutay na ang damit nya matapos sya habulin ng bulldog sa maze ng school.
Pano ko sasabihin kay Pres na isang abante nya lang ay lalambitin na sya dahil may trap akong ginawa?!
Hinarap ko sya. Malayo ang pagitan naming dalawa.
"Ano bang kasalanan ko sayo? Kung nabasa mo 'yung sulat, sorry—a-aaaaaah!"
Ayan na nga. Bumaliktad na sya.
"P-Piper naman. Ano na naman 'to?" Halatang inis na sabi nya. Namumula na 'yung tenga nya sa inis.
Mabilis akong umakyat sa puno at kinalag ang tali.
"Sandali, sandal—" sa sobrang kaba ay hindi ko sya napakinggan. Nakalag ko agad ang tali kaya nabaltog at nagpa gulong-gulong si Pres sa sahig. M-My gad!
Agad ko sya nilapitan pero umiwas sya agad, "W-wag mo a-akong lapitan!" Kinakabahang sabi nya.
"Pres, s-sorry!" Sabi ko habang kagat-kagat ang labi ko.
Nag tiim-bagang siya, "You know what? Hindi ko na pinagsisihan na sumulat kami ni Hayley sa Ministry of Right Conduct. Kasi simula ngayon, gusto na kitang paalisin."
Napalunok ako sa sinabi nya. G-gusto nya na talaga ako p-paalisin?
"Hindi lang sa school, Piper. Pati na rin sa buhay ko."
To be continued...
*****
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨