Piper's POV
"HAHAHAHAHA!" Tawa ako ng tawa nang makita ko na nakaupo si Justin sa lapag.
Nasa Science class kami ngayon at bore na bore ako sa mga theory ng mga scientist. Akalain mong pino-problema ko ngayon yung computation pag nalaglag ang bato sa cliff. Tss.
Dahil nga sa kaboringan, nakaisip ako ng kalokohan. Habang sumasagot si Justin sa recitation eh inurong ko yung silya nya at nilagay ang lobo na may tubig sa loob.
Kaya nung uupo na sya, dun sya napaupo sa lapag na may water balloon.
"Putukan na ba, Justin?" Tanong ni Will na may nanay na avid fan ni Willie Revillame."HAHAHAHA!" Tawanan namin ng mga kaklase ko. Natigil kami ng hinampas ni Ma'am ang stick nya sa blackboard.
"Ayessa Del Rama! Guidance office. Now!" Sigaw nya.
Uh-oh.
***
"It's you... Again." Nakasimangot na sabi ng Guidance Counselor. Awwts.
Umupo na ako sa tapat nya tapos nilabas nya yung papel. "Miss Del Rama, alam mo bang ikaw lang ang nakarecord dito?" Tanong nya, "Sa loob ng isang buwan na may pasok, tatlong beses ka lang di na-guidance na ang dahilan ay nagkasakit ka. Sorry Miss Del Rama pero matagal mo ng na-reach ang point sa guidance."
"Ano pong ibig nyong sabihin? Bakit po nasa Doug Youth pa din ako kahit na matagal na akong naka-reach ng point?"
"Hay. Kasi Miss Del Rama, wala ng school ang gustong tumanggap sa iyo. Ikaw na mismo ang tinatanggihan ng mga schools."
"Ibig sabihin po, di na ako mag-aaral?" Excited na tanong ko.
"May isang school pa, Miss Del Rama. Ang Keds High. You can afford the school's fee there."
=_____=
Awwww. Kala ko pa naman bakasyon grande ko na.
"Kunin mo na gamit mo sa locker mo. Last day mo na ngayon. Sa Monday, sa Keds High ka na. I'll inform your parents about this."
Lumabas na ako tapos dumiretso sa locker ko. Kinuha ko yung whipped cream, fake poop, torotot at ilang props ko. Eto lang laman ng locker ko eh. Tapos yung bag ko ang laman eh confetti.
Ngayon ko lang na-realize. Anong klaseng estudyante ako? Hamo na, di pa naman ako graduating eh. Mehehehe.
Habang naglalakad ako, magpapakilala na ako sa inyo. Ako si Ayessa Piper Del Rama. The end. Hehe. Wala na akong mai-
"Aww!" Natapilok ako dahil natapakan ko ang sintas ko. Malas naman. Tinali ko ito. Napatingin ako sa harap. Buti walang nakakita.
Tumingin ako sa gilid at may nakita akong red button. Last prank for my last day.
Tumayo ako at pinindot ang school's alarm.
"*beeeeep* *beeeep* *beeeep*"
"Waaaah!" Napatingin ako sa mga nag-uunahan na makalabas sa room. Naku! Hindi man lang sila nakinig sa ginawang fire drill ng schol! Don't panic nga daw eh.
Binasag ko ang fire extinguisher tapos nang malapit na sila sa akin ay ini-spray ko yun sa kanila.
"Bye guyyyss! I'll miss you allll!" Sabi ko habang tumatakbo palabas.
Nakita ko pa si Guidance Counselor na kulay puti ang katawan, "Miss Del Ramaaaaaaa!" Sigaw nya. Mehehehe.
-----
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker (Completed)
Humor"I don't break the rules. I just BEND them." © 2016 by NilMerry (WhereAreMyShoes) ✨stay rad.✨