Thirteen

357 16 0
                                    

Piper's POV

Proper dining session:

"Rule #3: Keep your legs close while eating.

Anong kabalahuraan ang ginawa mo kanina at nakapatong pa ang paa mo sa silya? That's so unladylike!"

"Bakit ba? Naka-jogging pants naman ako ah!"

Napa-face palm na lang sya. Aba, eh mas masarap kumain ng nakataas ang paa eh. Buti nga sa silya ko lang tinaas ang paa ko at hindi sa lamesa.

"Rule #4: Use proper utensils.

Babae naman, hindi mo ba alam gumamit ng kutsara at tinidor? Lalo na yung knife! Oh God. Kaya nga iyon inimbento. Tsaka ayos lang naman na magkamay ka pero naman! Yung manok kanina, ni aso hindi mo tiniran. Kung nakakain lang siguro ang buto baka wala ka na talagang itinira."

"Aba! Mahal ang manok na yun ah. Kaya dapat lang sulit." Dahilan ko.

Sabihin nyo nga sa akin, masama ba sipsipin ang manok? Buti nga nagtira pa ako kahit papaano.

"Rule #5: Raise your pinky while holding your glass.

Kanina, kung makadakot ka sa mug eh parang tatakas sa iyo."

"Teka, teka nga. Bakit kailangan pa itaas ang pinky? Eh hindi ako sanay ng ganun. Pano kung malaglag ang mug dahil sa pag-ganon ko? Edi napaso pa ko."

"Hindi ka mapapaso. Try it." Naglagay sya ng tsaa sa tea cup.

"You need to hold it like this." Kinuha nya ang baso at itinaas ang pinky nya. Pffft. Natatawa ako sa itsura nya habang umiinom at nakataas ang pinky nya. Ang fierce nya eh.

"HAHAHAHA." Tawa ko. Muka kasi syang bakla eh. Grabe.

"What's so funny? That's the proper way of holding a mug or cup." Kumuha ulit sya ng tea cup at sinalinan ng malamig na tubig.

"Malamig muna in case na malaglag ang baso ay hindi ka mapapaso." Binigay nya sa akin yung tea cup.

Ginawa ko yung parang giniwa nya kanina. Naitaas ko ang baso. Gumewang sya nung una dahil sa pagangat ko ng pinky ko pero keribels naman.

"Now, drink."

Uminom ako sa tea cup, "Srrrrruuuuppp."

Hindi ko malaman kung bakit bigla ko na lang naalala kung pano sya uminom kanina. Ang pilantik ng kamay nya.

"Pff— *splash*" Nanlaki ang mata ko. Nakagat ko ang labi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakapikit na may tumutulong tubig sa muka nya.

Hindi ko kasi napigilan ang pagtawa kaya ayun, naibuga ko yung tubig... sa muka kanya. Hehe. ^__^a

"...Nice." sagot nya na parang naiirita.

"Sarreh." Alanganin kong sabi.

"Tss. We're dismissed. I'll just send some rules at your house."

Hay nako. Rules na naman.

***

Habang nanunuod ako sa bahay ng Titanic eh may kumatok sa pinto.

-______-

Badtrip yun ah! Alam mo yung feeling maluha-luha ka na sa pagiibigan ni Jack at Rose tapos may e-extra.

"Delivery po." Sabi nya. Binuksan ko na ang pinto dahil nabadtrip na ako.

"Miss Piper Del Rama?" Tanong nung Kuya. Tumango lang ako.

"Pa-sign po." Sabi nya.

"Wait. Maghuhugas lang ako." Sabi ko habang pinapakita ang kamay kong may cheese dahil sa kinakain ko.

Syempre hindi ko hinugasan, sinipsip ko ito. Sayang kaya. Iniipon ko nga yung cheese e.

Binuksan ko ang pinto sa backdoor at pinakawalan si Hotdog—yung golden retriever ko.

Mabilis na nagtatakbo si Hotdog sa pintuan. "WAAAAH! ASOOOO!" Nakita ko ang pagtatakbo ni Kuya LBC palabas ng pinto. Sa laki ba naman ni Hotdog eh di pa ba sya matatakot?

Pero duh! Golden retriever kaya yan kaya mabait naman sya. Yan kasi ang napapala ng taong bumibitin kay Piper. >:)

Pumasok na si Hotdog at kinuha ko ang lace nya at tinali na ulit sya. Pinulot ko naman ang brown envelope. Ano kaya ito?

A. Certificate na pwede na akong hindi pumasok.

B. Nanalo ako ng house and lot.

C. Natanggap ako sa The Voice. (Brown edition)

D. News na nagsasabi na nakidnap ang mga kapatid ko?

Ang sagot ay.....

Isang malaki at nakabold na RULES. May naka parenthesis pa na, "Read this carefully, Piper. The observing session will start very soon."

Edi wow!

To be continued.

*****

RIP Hamsie. ='(

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon