Four

575 20 6
                                    

Piper's POV


Alam nyo ba sa fairytales at movies na kapag nahulog ang babae, sasaluhin sya ng lalaki?

Yung tipong maglalapit ang muka nila. Magtitigan. Bababa yung mata ng isa sa labi ng isa at mangyayari ang first kiss nila.


Alam nyo ba yun? Diba alam nyo yun?!


Pero alien ba 'tong isang 'to at parang hindi nya alam yun?!


"Bakit di mo ko sinalo?!" Tanong ko sa kanya. Oo, tama kayo ng basa. Hindi nya ako sinalo. Na-process na ba ng utak nyo? Sige, ulitin natin, HINDI nya ako sinalo!


Wow! Sarap bigyan ng award ng isang ito eh!


"Malay ko ba!" Sigaw nya. Nakatingin sya sa akin sa baba. Nakahiga kasi ako sa damuhan.


"Malay mo?! Eh ikaw 'tong nagsabing baka malaglag ako eh!" Ganting sigaw ko sa kanya.


"Malay kong malalaglag ka. Pwede ka naman kasing kumapit sa kalapit na sanga dahil alam mo naman, may lahi kang oranggutan. At bakit ka ba nakahiga pa dyan?" Tanong nya.


"Ayy. Bakit ako nakahiga dito? Wala naman. Finifeel ko yung damuhan at yung mga tae-tae dito. Sarap eh, try mo!" Sarcastic kong sabi habang ini-spread ang binti at kamay ko na para akong nasa snow.


Lumuhod sya sa harap ko, "You talked too much. Tara na." Sabi nya at nagulat ako sa ginawa nya. Binuhat nya ako bigla na bridal style papalabas ng garden.

"Grabe, nakakahiya 'to! Nakakahiya! Nakakahiya!" Paulit-ulit kong sabi habang nakatago ang muka ko sa kanya. Baka may makakita sa amin.


"Choosy ka pa. Ikaw na nga binuhat ng isang tulad ko tapos mahihiya ka pa?" Mayabang na sabi nya.


"Hindi naman kasi yun. Wala akong pake kung sino ang bumuhat sa akin." Sabi ko habang nakatago ang muka sa dibdib nya.


Prank #1... loading... ready to release...


"Eh ano pala?" Tanong nya.


"Nakapalda ho ako. Wala akong short. Baka makita nila yung panty kong Powerpuff Girls." Sabi ko. Tiningnan ko ang muka nya habang sinasabi ko yun. Bigla syang namula at...

"Oops. Joke. Wag mo kong bibitawan." ...at muntik nya pa akong mabitawan.


"Damn. U-umayos ka."


"Okay. Pero may nakita ako."


"Ano na naman?!"


"Nung lumuhod ka... bukas zipper mo." Sabi ko. Muntik na naman nya akong mabitawan kaya kumapit ako ng mas maigi.


Pulang-pula na sya. Daig nya pa ang kumain ng Lucky Me Spicy Beef na mami ♪Pinasarap na labuyo, mula sa Lucky Me! Ay labuyo!♪

The Rule Breaker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon